Walang Basagan ng Trip

Walang Basagan ng Trip

Saturday, September 5, 2009

SELFISHNESS

Hmm. Matagal-tagal na rin since yung last post ko. Napansin ko rin na wala na masyadong nagmumultiply. Dahil siguro sa Facebook. Ako rin kasi nalulong dun. Kaadik din kasi Facebook. tas sabay thesis pa kaya di na ko nakakapagmultiply pa. Haay... Buhay estudyante nga naman.

Anyway, di na nga ko nakapagjournal. Ayun, dami na rin nangyari na halos di ko na maalala at mapagtugma-tugma. Pero sa ngayon gusto ko ang paksang selfishness. Para kasing ito ang isyu ko sa buhay nitong mga nakaraang mga araw, o linggo na.hehe.

Masama nga bang maging selfish? Masama nga bang isipin ang sarili? Tingin ko naman hindi. Sorry kung hindi ako si Mother Theresa. Dakila nga siguro ang maging selfless. Pero hindi naman siguro masamang maging self-centered.

Naisip ko kasi yung cliche na "gawin mo ang gusto mo dahil yun yung magpapaligaya sayo". Pano naman yung sumbat ng iba na "isipin mo naman yung nararamdaman ng iba"? Hindi ba parang pagiging makasarili na rin yung hingin sa ibang tao na isakripisiyo ang sarili niyang gusto para pagbigyan ka o ibang tao? Hindi ba unfair naman yun? Siguro nga hindi ka magiging masaya kung nakuha mo nga gusto mo pero me nasaktan ka naman. Eh di ka rin naman magiging masaya kung di mo nakuha gusto mo. Bakit nga ba kelangan isipin ang nararamdaman ng ibang tao kung sila din naman hindi nila iniisip nararamdaman mo?

Siguro ang pinag-ugatan ng pagiging martir, o ang pagtingin sa pagpaparaya na isang kadakilaan ay buhat pa sa mga turo ng mga prayle noon. Sinasabi nila na ang mga nagtitiis ay pinagpaparaya at mga nahihirapan ang siyang pumupunta sa langit...

O minsan, masaya tayong maging masukista at nagpapaawa.

ok.

Eh ano nga ba magagawa natin kung magkakaiba tayo ng gusto? hindi ba pwedeng hayaan na lang ang isa't isa na gawin ang gusto niya? Hindi ba pwedeng maging masaya na lang tayo para sa ibang tao, after all di naman natin sila pag-aari?

Sorry, trip kong maging selfish ngayon eh. Kung kokontrahin mo ko. Malamang selfish ka rin.

No comments:

Post a Comment