"Par, naghakot na ko. Nice meeting you.hehe" (me pagka-naughty ang 'hehe' na yun)
Tinext ko na ang roommate kong si Gil. Kahit na kung susumahin eh, isang oras lang ata kami nagkausap sa tanang tatlong taon namin pagsasama. Ay mali. Masagwa. Sa tanang tatlong taon namin pagiging magkabahay na lang. Kahit papaano naman eh, me pinagsamahan kami. Sa mga kalokohan kong hindi niya sinumbong ke Mam Baste at kaburaraan niya't walang pakisama.
Hindi ko rin maiwasang maging sentimental pagkatapos kong mahakot lahat ng gamit ko. Naupo ako sa matress ko at tinignan ang c.r., dingding, mga lockers, bintana, mga kulangot na pinahid ko't tumigas na, at bakas ng iba pang bodily fluid. Tinignan ko ang matress. An dami ng nangyari sa loob ng apat na taon. Kung ano ang ibig sabihin ko sa an dami ng nangyari, akin na lang yon.
Am bilis ano. Parang kelan lang, first year college lang ako. Nasa cheekbones pa lang tigyawat ko nun. Ngayon nasa leeg na. Haay. An dami din nangyari at nagbago. Mga dumating at nawala. Ganito ata talaga ko pag me patapos ng yugto sa aking buhay. Di ko mapigilang maging sentimental. Sabagay lahat naman magiging sentimental niyan pag graduation na. Nagpalitan pa nga ng grad pics eh. Kala mo di na talaga magkikita. Eh, chat lang naman sa Facebook, connected na eh.
Panibagong yugto na naman ng buhay ko ang malalathala sa susunod na ilang buwan. Ano kaya laman at kwento ng susunod na yugto? Abangaan....
No comments:
Post a Comment