Walang Basagan ng Trip

Walang Basagan ng Trip

Thursday, October 1, 2009

IT'S BEING CHEESY WEEZY IN THE CORNIEST WAY

Panu nga ba bumanat? Mahirap talaga sagutin yan.hehe. Pero me mga ilang tips naman ako para jan, though wala akong authority siguro para magsabi kung anong dapat gawin.

Unang-una, tingin ko, siguraduhin munang me babanatan ka. ang pinakaimportante ay ang realization ng perfect timing. Mahalaga kasi ang timing para swak ang banat at matindi ang impact. Mas maganda rin, kung makuha mo yung timing na hindi handa ang babanatan mo. The least she expects, the stronger the impact.

Example:
Girlie: Boyet, san ka natuto magdrive?
Boyet: Tinuruan ako ng ate ko. Marunong ka rin magdrive di ba?
Girlie: Ha? Bakit?
Boyet: 'Coz you drive me crazy.

Pangalawa ay ang creativity. It goes with the perfect timing. Pero, eto yung bagay na hindi maituturo o makakabisa. Medyo impromtu kasi ang pagbanat. So kelangan handa ka at alam mo kung kelan ka babanat at kung ano ibabanat. Tsaka mas original, mas maganda.

Example:
Girlie: Wui Boyet, baka naman ikaw nangangaliwa ka ha.
Boyet: Bat pa ko mangangaliwa kung nakita ko na yung the right one for me, ikaw?

Pero gayunpaman, ang magaling na pagbanat at ang impact nito ay depende minsan sa feelings. Kung me nararamdaman ka nga sa kanya, malamang lalabas din creativity mo at mararamdaman ang seriousness sa kabila ng kagaguhan ang pagbanat. Sometimes it would just come out from the heart (yihi, cheesy!).

Boyet: Girlie, pakasal na tayo.
Girlie: San, sa lahat ng simbahan?haha
Boyet: Naku Girlie, hindi lang sa lahat ng simbahan, pati sa lahat ng munisipiyo at function hall!


P.S. corny man ang pagbanat, epektib pa rin yan. Wag lang masyadong maging bolero.hehe. At mas maganda kung totoo yung banat kahit papano.hehe

2 comments:

  1. haha giving advice nice? seems to be what we talked about for a few days haha

    ReplyDelete