Two days ago, first time ko maexperience ang magservice with rotaract. Naisip ko kasi, mas may maiicontribute ako dito at ito lang makakaya ko sa ngayon kesa sa alam ko pang other way of service to the people. Nagbigay kami ng relief goods sa mga aeta sa Mabalacat.
It was my first time and wala akong clue. Habang papunta kami dun, marami akong nakita at naisip. Bukod sa mga 1-2 click na naexperience ko, nagtataka ako ba't amazed sila sa lugar na dinaanan namin. Pero narealize ko rin, siguro dahil sanay lang ako sa ganung lugar dahil ilang beses na rin ako naghiking at di nalalayo sa hitsura ng lugar namin.
Nung pamimigay na ng relief goods, marami din akong napansin at kung anu-ano nag pumasok sa isipan ko. Bukod sa isa na nagbebenta ng flute at kung anu pang musical instruments habang namimigay ng relief goods, mukhang hindi na bago sa kanila ang may nagbibigay ng relief goods. Sabagay, yung mga bahay nga nila, donated by rotary club. Narinig ko ang isang lola na natutuwa sa mga relief goods. Sinabi niya na ganyan daw pag may pumupunta sa ibaba, may mga nagbibigay daw sa kanila. Sana daw ganyan lagi at bumalik pa raw kami. Napaisip ako kung maganda ba yung sinabi niyang iyon o masama.
Naisip ko, hindi nila kailangan ng relief goods gaya nun. Mas higit pa dun ang kailangan nila. Kung tutuusin, hindi nila kailangan ng pagkain, damit at kung anu pang galing sa "mundo" natin. Narinig ko kasi na pinaalis sila sa may gate 14 dahil may itatayong golf course doon at napilitan sila na pumunta sa bundok. Marunong silang magtanim. Yun nga lang, panu ka magtatanim sa bundok? Dati naman sila sa patag, napilitan lang sila mamundok dahil sa komersyalismo.
Sa panay na pagbibigay ng relief goods sa kanila, nasasanay silang maging dependent sa mga binibigay sa kanila. Pumapasok rin ang "urbanidad" sa kanila at unti-unting nabubura ang tunay nilang kultura at mundo. Ilan na nga lang ba nagbabahag sa kanila? Wala na nga ata. Puro naka t-shirt na. Alam pa kaya nila ang dating pamumuhay ng mga aeta?
Bakit ba pinipilit natin silang turuang mamuhay gaya ng sa mundo natin kung saan di naman talaga sila welcome? Hindi pagpasok sa mundo natin ang kailangan nila. Hindi pag-aaral, damit o pagkain galing sa atin ang kailangan nila. Eh ano kung nakabahag lang sila at nagsasaing sa kawayan? Kailangan nila ng respeto natin at pagbibigay ng karapatan mamuhay sa gawing aeta at lupang sa kanila. Tama nga siguro ang mga bangsamoro sa Mindanao, hindi pantay ang lipunang Pilipino sa mga maynoridad.
Siguro, mas kailangan ng relief goods ng mga nalubugan talaga sa Hilagang Luzon. Mga aeta? Kailangan siguro nila ng upuan sa House of Representatives. Siguro naman, mas deserve nila ang isang upuan kesa sa mga sabungero at retired na sundalo.
didn't we talk about stuff like this...at least along those lines when we were on the balcony one night?
ReplyDeleteyeah we did. but we didn't really talk so much about it. now, i've really seen it myself.
ReplyDeletelife changing eh?
ReplyDelete