I was stranded kagabi. di ko lam na papunta na ng Pampanga ang bagyo. di ko rin akalain na lulubog sa amin.
After Dev Econ class, pumunta kami SM Clark. Nagdadalawang-isip na rin ako mag-nlex kasi traffic din daw sa NLEX. Inisip kong mag-Porac na lang. Tas tumawag tatay ni Lizette, susunduin daw siya. Ayun, nasilaw ako sa libreng pamasahe.
Almost 5pm na dumating tatay ni Liz. Dumaan SCTEX tas lusot sa NLEX. Nakatulog ako sa byahe. Pero mukhang wala namang traffic. At least hanggang Sn. Fernando exit. mula Toyota hanggang McDo intersection, lubog hanggang sakong.
Bumaba ako sa tapat ng KFC sa pag-aakalang makakasakay ako dun sa bus. yun pala, puno na rin. Naghintay ako ng halos 30mins at nakasakay din ako ng bus. From KFC to City terminal sa may Villa del Sol, umabot ng isang oras na dati wala mang 5mins.
Nakarating ako ng kanto ng Sta Rita. Nakapagtataka na walang jeep na dati naman ay parang me terminal na dun. Nung may dumating na jeep, biglang nagsilabasan ang mga tao at nakipag-unahan makasakay sa jeep. Parang artista lang ang jeep nung sinalubong siya. Di na ko nagpacute pa, sumabit na ko sa jeep. Mga 30 mins lang naman akong nakasabit sa likod ng jeep under signal 2 na ulan at hangin, bitbit ang bag kong me laman na 1week kong damit (kung blockmate kita, alam mo kung ano yung bag kong yun, tama, yung "pouch" ko).
Hindi man lang umabot sa kanto ng barangay namin yung jeep. lubog na daw kasi hanggang tuhod. so wala akong choice kundi lusungin yun. pagdating ko dun, di ko akalaing rumaragasa pala. tas pakontra pa direksyon ko. sa sobrang lakas ng agos, kung mahilig ka sa water sports, malamang mag-eenjoy kang magkayak at rafting dun. walang exaggeration promise. Tas kamusta naman, brown out pa. Buti na lang, medyo maliwanag. Ewan ko kung bakit. Almost 2kms din yun. Pano ko alam? Lagi ko sinusukat yun sa Km reader ng kotse namin.
Di ko akalaing babahain ng ganun samin. Ganun pala ma-stranded.. Enjoy. Astig. Adventure. Sana maulit pa.haha