Walang Basagan ng Trip

Walang Basagan ng Trip

Tuesday, December 29, 2009

ANG ANAK NG SUKAL A LUB

Ibang klase talaga ang ate ko. Ewan, pero siya lang talaga nakakainis sa akin ng ganito. Ayokong nagagalit ng matagal (o hangga't maaari man lang eh wag magalit) pero pagdating talaga sa kanya eh kumukulo ang dugo ko. Kung anu-ano naiisip ko. Minsan naiisip ko ng suntukin siya hanggang dumugo sa inis pero wala rin ako nagagawa kundi hayaan na alng siya at magpalamig. Langya naman kasi, ang lakas mang-asar. Talagang nakakabuset pa talaga ang ugali.

Pre-madona. Buset, nakahanap ng driver sa akin. Kelangan ko pa sunduin eh pakelam ko sa lakad niya at marunong naman siya magdrive in the first place. Pakshet talaga.

Pakelamera. ibrowse ba naman mga pictures ko't nalaman tuloy na sumali ako mr. up. Kaya nga ayoko ipaalam kasi alam kong pagtatawanan lang nila ko. kung talagang narinig niyo lang tawa niya. Anaknang, parang mangkukulam na naghahalo ng gayuma. Oo, dahil sayo nalaman din nag-Pagudpud ako. Pero alam ko naman inggit ka kasi di mo kayang gawin yun.haha.

Kung makapanlait ka pa parang kung sino kang perpekto. Kaya mo ba ginawa ko, rumampa na naka-underwear? Hindi!

Boring na nga ng Christmas vacation ko binadtrip mo pa. Kung hindi lang talaga kita kapatid. naku!

Monday, December 21, 2009

want Pagudpud tour? PM me.

PAGUDPUD TOUR PACKAGES?

Experience Pagudpud, Ilocos Norte, the Boracay of the North at its best!

I can arrange accommodation for you for as low as 1,00php per night (regular season). two beds, with cr and aircon already. Tour around Pagudpud? No problem. I could arrange it too for you. Just PM me if interested.

Pagudpud photos? See my photos section here on my multiply site.


Saturday, December 19, 2009

WOW! PAGUDPUD, ILOCOS NORTE




December 12-14, 2009. Pagudpud, Ilocos Norte.

Wala lang. Libangan na talaga namin magtry ng bus sa Dau eh.haha.

See the Boracay of the North. Explore Philippines and you'll be amazed how beautiful it is. Support tourism in the Philippines.

Pictures with DC are Excel's. Mine are the IMGs. Judge who's the better photographer.lol.

Going Green. Going Wow! Philippines.

Monday, November 30, 2009

JELLY BEANS

oo tangna, nagseselos ako. hindi ko alam kung bakit. ngayon lang ako nakaramdam ng ganito katindi. alam ko wala ka naman kasalanan. hindi ko nga naman kasi sinabing isusurprise kita. hindi mo naman kasalanan kung matunaw man ang ice cream na binili ko para sayo. eh bakit ka naman kasi anjan?

tsaka, bakit ang lamig mo kasi lately?

Saturday, November 28, 2009

MINSAN SA BUHAY KO...




sumali akong Mr. UP. haha



Organized by AES. SM Clark Cinema 5. Nov. 24, 2009. pics grabbed from jessie may, dani, at isang tagger sa facebook.:)

Monday, November 2, 2009

IS IT WORTH FIGHTING FOUR??

Ano nga ba ang feeling ng may kwatro? Hmm. Parang nakasabit ang mga kamay mo sa bato habang nakabitin ka sa bangin. Parang nakikipagtitigan sa buwaya sa layong isang dangkal. Para kang umiikot sa roleta habang sinusubukang batuhin ka ng kutsilyo ng isang nakapiring na nagpapanggap na magician.Parang nakabaon na sa hukay ang isa mong paa.

Haay... Mas nakakatakot pa pala to kesa singko. Siguro dahil pinapaasa ka pa. At ngayon, pwede ko pa ikadelay ng 1 year. haay...

Friday, October 30, 2009

ONCE IN A WHILE

A few cheap cold beers under the cold breeze of October with the other Alex Batac. Great moment!


Saturday, October 24, 2009

IT'S EITHER YOU, OR ME

On our way home earlier, a puppy was lying on the middle of the road. I tried to avoid it by passing through its right. But then, it stood and walked towards my direction, to my right and to his left. And, as we cannot control our initial reactions, I quickly turned the wheel to my left and almost crashed on the house to the left. My mom said, "You should have hit it, or else we could have crashed!"

As I tried to get back to the road, I asked myself, was it worth saving the puppy when it could have been our lives that were lost?


Friday, October 16, 2009

BUWAYA ALONG THE WAY

Sa tanang buhay ko bilang non-pro driver, first time kong maticketan kanina. Ganun pala makagawa ng violation at makuhanan ng lisensya. Pag nachempo ka nga naman sa mga buwaya oo, di ka pa palulusutin. "o sige, bigyan mo na lang ng pamiryenda yung supervisor namin," sabi niya. humugot ako ng isandaan, pero naisip ko wag na lang. makikipagtigasan na lang ako. Hindi ko alam kung ano, pero akala ata niya kinukuhanan siya ng picture ng kasama ko. Ayun nagalit. Sinabihan pa ko, "o sige, kaw na nga ginagawan ng pabor kaw pa nagmamatigas, kinukuhanan niyo pa ko litrato. Sige kunin mo na lang sa munisipyo!"  At sabay bigay ng ticket.

Oo, mapapagod nga ko kasi sasadyain ko pa sa munisipyo ng Angeles na malapit sa Marquee Mall. Pero at least, di ako naging corrupt.

Sunday, October 11, 2009

THE ROTARACT EXPERIENCE: MORE THAN SERVICE ABOVE ONE'S SELF

Two days ago, first time ko maexperience ang magservice with rotaract. Naisip ko kasi, mas may maiicontribute ako dito at ito lang makakaya ko sa ngayon kesa sa alam ko pang other way of service to the people. Nagbigay kami ng relief goods sa mga aeta sa Mabalacat.

It was my first time and wala akong clue. Habang papunta kami dun, marami akong nakita at naisip. Bukod sa mga 1-2 click na naexperience ko, nagtataka ako ba't amazed sila sa lugar na dinaanan namin. Pero narealize ko rin, siguro dahil sanay lang ako sa ganung lugar dahil ilang beses na rin ako naghiking at di nalalayo sa hitsura ng lugar namin.

Nung pamimigay na ng relief goods, marami din akong napansin at kung anu-ano nag pumasok sa isipan ko. Bukod sa isa na nagbebenta ng flute at kung anu pang musical instruments habang namimigay ng relief goods, mukhang hindi na bago sa kanila ang may nagbibigay ng relief goods. Sabagay, yung mga bahay nga nila, donated by rotary club. Narinig ko ang isang lola na natutuwa sa mga relief goods. Sinabi niya na ganyan daw pag may pumupunta sa ibaba, may mga nagbibigay daw sa kanila. Sana daw ganyan lagi at bumalik pa raw kami. Napaisip ako kung maganda ba yung sinabi niyang iyon o masama.

Naisip ko, hindi nila kailangan ng relief goods gaya nun. Mas higit pa dun ang kailangan nila. Kung tutuusin, hindi nila kailangan ng pagkain, damit at kung anu pang galing sa "mundo" natin. Narinig ko kasi na pinaalis sila sa may gate 14 dahil may itatayong golf course doon at napilitan sila na pumunta sa bundok. Marunong silang magtanim. Yun nga lang, panu ka magtatanim sa bundok? Dati naman sila sa patag, napilitan lang sila mamundok dahil sa komersyalismo.

Sa panay na pagbibigay ng relief goods sa kanila, nasasanay silang maging dependent sa mga binibigay sa kanila. Pumapasok rin ang "urbanidad" sa kanila at unti-unting nabubura ang tunay nilang kultura at mundo. Ilan na nga lang ba nagbabahag sa kanila? Wala na nga ata. Puro naka t-shirt na. Alam pa kaya nila ang dating pamumuhay ng mga aeta?

Bakit ba pinipilit natin silang turuang mamuhay gaya ng sa mundo natin kung saan di naman talaga sila welcome? Hindi pagpasok sa mundo natin ang kailangan nila. Hindi pag-aaral, damit o pagkain galing sa atin ang kailangan nila. Eh ano kung nakabahag lang sila at nagsasaing sa kawayan? Kailangan nila ng respeto natin at pagbibigay ng karapatan mamuhay sa gawing aeta at lupang sa kanila. Tama nga siguro ang mga bangsamoro sa Mindanao, hindi pantay ang lipunang Pilipino sa mga maynoridad.

Siguro, mas kailangan ng relief goods ng mga nalubugan talaga sa Hilagang Luzon. Mga aeta? Kailangan siguro nila ng upuan sa House of Representatives. Siguro naman, mas deserve nila ang isang upuan kesa sa mga sabungero at retired na sundalo.

Thursday, October 1, 2009

IT'S BEING CHEESY WEEZY IN THE CORNIEST WAY

Panu nga ba bumanat? Mahirap talaga sagutin yan.hehe. Pero me mga ilang tips naman ako para jan, though wala akong authority siguro para magsabi kung anong dapat gawin.

Unang-una, tingin ko, siguraduhin munang me babanatan ka. ang pinakaimportante ay ang realization ng perfect timing. Mahalaga kasi ang timing para swak ang banat at matindi ang impact. Mas maganda rin, kung makuha mo yung timing na hindi handa ang babanatan mo. The least she expects, the stronger the impact.

Example:
Girlie: Boyet, san ka natuto magdrive?
Boyet: Tinuruan ako ng ate ko. Marunong ka rin magdrive di ba?
Girlie: Ha? Bakit?
Boyet: 'Coz you drive me crazy.

Pangalawa ay ang creativity. It goes with the perfect timing. Pero, eto yung bagay na hindi maituturo o makakabisa. Medyo impromtu kasi ang pagbanat. So kelangan handa ka at alam mo kung kelan ka babanat at kung ano ibabanat. Tsaka mas original, mas maganda.

Example:
Girlie: Wui Boyet, baka naman ikaw nangangaliwa ka ha.
Boyet: Bat pa ko mangangaliwa kung nakita ko na yung the right one for me, ikaw?

Pero gayunpaman, ang magaling na pagbanat at ang impact nito ay depende minsan sa feelings. Kung me nararamdaman ka nga sa kanya, malamang lalabas din creativity mo at mararamdaman ang seriousness sa kabila ng kagaguhan ang pagbanat. Sometimes it would just come out from the heart (yihi, cheesy!).

Boyet: Girlie, pakasal na tayo.
Girlie: San, sa lahat ng simbahan?haha
Boyet: Naku Girlie, hindi lang sa lahat ng simbahan, pati sa lahat ng munisipiyo at function hall!


P.S. corny man ang pagbanat, epektib pa rin yan. Wag lang masyadong maging bolero.hehe. At mas maganda kung totoo yung banat kahit papano.hehe

Saturday, September 26, 2009

ONDOY AMAZING RACE

I was stranded kagabi. di ko lam na papunta na ng Pampanga ang bagyo. di ko rin akalain na lulubog sa amin.

After Dev Econ class, pumunta kami SM Clark. Nagdadalawang-isip na rin ako mag-nlex kasi traffic din daw sa NLEX. Inisip kong mag-Porac na lang. Tas tumawag tatay ni Lizette, susunduin daw siya. Ayun, nasilaw ako sa libreng pamasahe.

Almost 5pm na dumating tatay ni Liz. Dumaan SCTEX tas lusot sa NLEX. Nakatulog ako sa byahe. Pero mukhang wala namang traffic. At least hanggang Sn. Fernando exit. mula Toyota hanggang McDo intersection, lubog hanggang sakong.

Bumaba ako sa tapat ng KFC sa pag-aakalang makakasakay ako dun sa bus. yun pala, puno na rin. Naghintay ako ng halos 30mins at nakasakay din ako ng bus. From KFC to City terminal sa may Villa del Sol, umabot ng isang oras na dati wala mang 5mins.

Nakarating ako ng kanto ng Sta Rita. Nakapagtataka na walang jeep na dati naman ay parang me terminal na dun. Nung may dumating na jeep, biglang nagsilabasan ang mga tao at nakipag-unahan makasakay sa jeep. Parang artista lang ang jeep nung sinalubong siya. Di na ko nagpacute pa, sumabit na ko sa jeep. Mga 30 mins lang naman akong nakasabit sa likod ng jeep under signal 2 na ulan at hangin, bitbit ang bag kong me laman na 1week kong damit (kung blockmate kita, alam mo kung ano yung bag kong yun, tama, yung "pouch" ko).

Hindi man lang umabot sa kanto ng barangay namin yung jeep. lubog na daw kasi hanggang tuhod. so wala akong choice kundi lusungin yun. pagdating ko dun, di ko akalaing rumaragasa pala. tas pakontra pa direksyon ko. sa sobrang lakas ng agos, kung mahilig ka sa water sports, malamang mag-eenjoy kang magkayak at rafting dun. walang exaggeration promise. Tas kamusta naman, brown out pa. Buti na lang, medyo maliwanag. Ewan ko kung bakit. Almost 2kms din yun. Pano ko alam? Lagi ko sinusukat yun sa Km reader ng kotse namin.

Di ko akalaing babahain ng ganun samin. Ganun pala ma-stranded.. Enjoy. Astig. Adventure. Sana maulit pa.haha


Sunday, September 13, 2009

SECOND PLACER IS THE FIRST LOSER

"If you ain't first, you're last."-Talladega Nights.

Just watched the UAAP cheerdance competition (actually UST at UP lang napanood ko) and I already knew UP wouldn't be able to get the 1st place again. Compared to the last two years na performance nila, hindi talaga maganda yung ngayon. I expected so much from the pep squad and thought UP would take home the grand slam this year.

And Renee's feeling was right. UP was 2nd runner up. Not even the 2nd placer.

Everyone knows how big an iskolar ng bayan's ego, how they walk chin UP. And I'm pretty sure this is deflated now. Second would never be acceptable.

I pondered, the second placer is the first loser. It is the first among the beaten, first to lose. Second placers will never get the spotlight. This maybe rude, but second place is the same as the last place. Still defeated. And I guess, better to be nothing than a second placer. 'Cause you may have the spotlight, but the spotlight of the first to lose.

It would always be like this: ain't first, you're nothing.

Tuesday, September 8, 2009

WOW! SAGADA, MOUNTAIN PROVINCE




August 29-31, 2009.

Sagada, Mountain Province.

Sagada = Salt and Pepper.

Babalik pa ko dun para sa sunrise at sunset. cave connection at syempre, rosemary chicken.hehe

Saturday, September 5, 2009

SELFISHNESS

Hmm. Matagal-tagal na rin since yung last post ko. Napansin ko rin na wala na masyadong nagmumultiply. Dahil siguro sa Facebook. Ako rin kasi nalulong dun. Kaadik din kasi Facebook. tas sabay thesis pa kaya di na ko nakakapagmultiply pa. Haay... Buhay estudyante nga naman.

Anyway, di na nga ko nakapagjournal. Ayun, dami na rin nangyari na halos di ko na maalala at mapagtugma-tugma. Pero sa ngayon gusto ko ang paksang selfishness. Para kasing ito ang isyu ko sa buhay nitong mga nakaraang mga araw, o linggo na.hehe.

Masama nga bang maging selfish? Masama nga bang isipin ang sarili? Tingin ko naman hindi. Sorry kung hindi ako si Mother Theresa. Dakila nga siguro ang maging selfless. Pero hindi naman siguro masamang maging self-centered.

Naisip ko kasi yung cliche na "gawin mo ang gusto mo dahil yun yung magpapaligaya sayo". Pano naman yung sumbat ng iba na "isipin mo naman yung nararamdaman ng iba"? Hindi ba parang pagiging makasarili na rin yung hingin sa ibang tao na isakripisiyo ang sarili niyang gusto para pagbigyan ka o ibang tao? Hindi ba unfair naman yun? Siguro nga hindi ka magiging masaya kung nakuha mo nga gusto mo pero me nasaktan ka naman. Eh di ka rin naman magiging masaya kung di mo nakuha gusto mo. Bakit nga ba kelangan isipin ang nararamdaman ng ibang tao kung sila din naman hindi nila iniisip nararamdaman mo?

Siguro ang pinag-ugatan ng pagiging martir, o ang pagtingin sa pagpaparaya na isang kadakilaan ay buhat pa sa mga turo ng mga prayle noon. Sinasabi nila na ang mga nagtitiis ay pinagpaparaya at mga nahihirapan ang siyang pumupunta sa langit...

O minsan, masaya tayong maging masukista at nagpapaawa.

ok.

Eh ano nga ba magagawa natin kung magkakaiba tayo ng gusto? hindi ba pwedeng hayaan na lang ang isa't isa na gawin ang gusto niya? Hindi ba pwedeng maging masaya na lang tayo para sa ibang tao, after all di naman natin sila pag-aari?

Sorry, trip kong maging selfish ngayon eh. Kung kokontrahin mo ko. Malamang selfish ka rin.

Wednesday, September 2, 2009

Wednesday, August 19, 2009

CLASS PICTURE




Aug 18, 2009.

BABE 06-A.

Wala lang. Napagtripan lang yung camera ng dambuhala kong laptop.

Wednesday, August 12, 2009

WHERE ART THOU?

Me mga bagay nga siguro na kusang darating at hindi pinipilit. Ganun na nga siguro, habang hinahanap mo, lalo ka lang mapapalayo sa tunay na pag-ibig.



lol.

Monday, August 10, 2009

Friday, July 31, 2009

THAT'S WHAT YOU GET

I've always believed in the golden rule: do not do to others what you don't want others do to you. Napakasimple lang. And there's this thing called karma. The guardian of the golden rule.

I've heard this slut has learned that there's another mistress aside from her. So I wonder what's the feeling of learning there's another kabit aside from her, when she knows she's the "official" kabit. She was furious when she found that sandofabeach making out with another beach in their live-in house. And she called the legal wife and told about it. This slut was really mad. So what the hell the legal has something to do with it?! The hell she cares! And P!@#$#%^&,, how dare she called the legal and told she's really mad about what she saw?! Damn her, didn't she know that she did that before, and SHE IS AND WILL ALWAYS BE a mistress too?? Now she knows what did the legal wife feel when she learned about that slut and that sandofabeach. Bullsheet to the three of them.

If I have the chance, I'd ask her, "So what's the feeling of a mistress when she learned 'her man' has another mistress aside from her, huh?"

That's what you call karma you b*tch. f*ck you!

Sunday, July 26, 2009

LEAVING THE PATAPON LIFE

Ok. So twenty years old na ko. Tanggap ko na.

Two days before my birthday, senti mode ako. Ewan, pero mabigat ang pakiramdam. Siguro dahil 20 na ko. What about my age?

Hindi ko rin alam. Siguro dahil feeling ko sobrang tanda ko na. Hindi na ko teenager. Parang ngayon lang talaga naging big deal ang age ko. Siguro dahil, yun nga di na ko teenager, parang nasa transition ng adoloscence at adulthood (me ganon?!hehe). Parang nasa pagitan na ng pagiging "boy" at "man". Parang nasa pagitan na ng pagiging totoy at mama. Parang nasa pagitan na ng pagiging pakawala at pagiging seryoso na sa buhay.. Ayun na nga siguro. Dapat maging seryoso na. Kasama na ang transition from being a student to being a professional.

Since senti mode ako, I reminisced everything I remember about myself. Who was I before and who am I now. I realized I was and still the happy-go-lucky guy. Masyadong chill at cool. Adventurous at kung anu-ano pa pinapasukan. Kung anu-ano naiisip. Walang balak sa buhay. Hindi iniisip ang bukas. Patapon in short.

Tama nga ate ko. Idealistic talaga pag nasa kabataan pa. Kung anu-ano naiisip. Gusto ng bago at kakaiba. Idealistic. Ganon nga siguro ako kung pagbabasehan lang mga naiisip at ginagawa ko. Kaso di pwede laging ganun. hindi na pwede yung petiks at "bahala na" system. Kelangan magkaroon na ng direksyon ang buhay ko. In few months gagraduate na ko(sana nga). Papasok na ko sa realidad. Sa totoong mundo.

So, enough of the idealistic way of life. It's time to be realistic and deal with the real things, with the real world. Enough living the patapon kind of life. I'm leaving the patapon kind of life right now.

Maybe I should start by setting goals in my life para magkaroon na ng direksyon nga ang buhay ko. Maybe something ideal but realistic to achieve. Something that wouldn't be easy for me to get but still I could (I use "could" instead of "can" for degree purposes. Iba kasi yung level ng pagiging sure ng dalawa). Siguro yung for next ten years muna. When I'm already 30.

Hmm. Ano nga kaya? Umpisahan ko siguro sa matagal ko ng pinapangarap: sariling kotse. Perhaps brand new para mas challenging. Ok lang siguro kung hindi pa BMW X5. By 40s na siguro yun.hehe. A decent, above-average-paying job. O kaya business, kahit hindi pa yung pinapangarap kong talyer. Sariling house and lot o kaya condo sa Manila. Nakapaglibot na, at least kahit sa northern part of Luzon. Me savings na at least 1 million pesos. At hindi pa nag-aasawa. Hmm. Fair enough, I think.

Hmm. Idealistic pa rin kahit papano, pero that's the challenge I think, to have it in the real world. It's the dream of every middle-class person anyway. At least hindi na kasing idealistic ng mga naiisip ko dati.

After ten years, babasahin ko ang blog kong ito. Parang goal assessment ba.

Saturday, July 25, 2009

SWEET TWENTEEN

Yuhoo! Twenteen years old na ko!

Yeah right. Di na ko teenager.

So how is my day so far? Hmm. I'm expecting na uulan. Lage naman kasi ganun dati pag birthday ko. Kaya lagi, di na ko nakakapagblow-out. The fact that it didn't rain (so far, as of this moment I am writing this blog) somehow made it special I think.

Medyo makasaysayan ang birthday kong ito kasi 2 decades na ko sa piling ni mother earth. Kaya tingin ko, kelangan ko isulat ito sa journal ko.hehe.

Ano nga ba nangyari sa araw na to?

12:00 am. Sa Klub Bossa ako, kasama si Matet at Jenny para magcountdown.hehe. Ilang beers, beef sisig, magagaling na banda, siksikang crowd, at isang unknown hand na humaplos sa behind ko. Hmm. Magandang panimula sa araw.

Bandang 4am, lumabas na kami at kumain ng mainit na malabnaw na lugaw. Kwentuhan. At nagblow out ng any questions they want to ask na sasagutin ko naman honestly. Ayun, medyo napasubo.hehe.

530am, nagsi-uwian muna kami. Mga 6am na natulog. Este umidlip.

830am ako nagising. Nagmuni-muni. Kumain ng peras. Jumebs. At naligo na kasi balak kong magseat in. 10am na ata ako dumating sa school at nakahabol pa sa activity.

Before 12nn, lumarga na kami papunta kina Baby. Birthday rin kasi niya. Eh, naghanda. Ayun, basta pagkain. Tas binibida pa lagi luto ng nanay niya. Wala ngang masarap na kainin para kay Baby eh. Luto lang talaga ng nanay niya.

130pm na kami nakarating kina Baby. Takteng alikabok at init ng araw. Buti na lang masarap ang luto ng nanay ni Baby. Ang sarap ng handa "namen" ni Baby.hehe. Naubos ko yung grilled squid. sinimot ang crispy pata at kung ano-ano pa. Pagkatapos, nagkantahan na.

230pm tumawag tatay ko. Siyempre, para igreet ako. Nagpasalamat ako. Sabi niya binigyan niya ko pera sa ATM ko, itreat ko daw ate at nanay ko. Natanong niya kung san ako nun. Ayun, sabi ko sa bahay nina Baby. Birthday rin kasi niya eh. Kaya nakikain ako. Binanggit ko rin na makikipagbirthday din kami ng nanay ko mamayang gabi. hehe. Sabi niya, "aba, ang gulang mo na ngayon anak." hehe.

3pm, bumili kami ng ice cream ni Baby. Siyempre, nahiya naman daw ako. Kaya kahit ice cream lang ishare ko sa handa. Kasi nga naman birthday ko rin.hehe. 

6pm na ko nakaalis sa bahay nila. Nakatulog ako sa fx. Kulang na rin kasi ako sa tulog. tas busog pa.

730pm nakauwi ako sa bahay. Nagtampo nanay ko kasi 6pm daw usapan dun sa isa pang birthday na pupuntahan dapat namin. Sayang. Sayang yung pagkain. So naligo na lang ako at naginternet.

10pm, pinanood ko ang video ni Kathryne para sakin. Birthday gift daw niya sakin yun. Natouch naman daw ako.

Teka, wala nga akong nareceived na regalong nasa kahon na nakabalot ng gift wrapper na may card na nakasulat from at to na nakaplastic ng SM. Ganun ba talaga, walang gifts? Kahit si Darling lang na may ribbon sa leeg oh.

So far, just an ordinary day with lots of handa (ng iba). Yeah, lots of foods unlike the other birthdays. No gifts and it didnt rain. Somehow, though just an ordinary day, it is probably the most special birthday I can remember.

So I guess this is how would I end my day: writing this blog.haha. Happy birthday to all those who were born on this date, who are being labored at this day, and who would be born on this day. Rock on! \m/




P.S. I can't help but sigh whenever I see those two numbers: 2. 0. I couldn't still accept that I'm no longer a teenager. How many times did those two numbers ruined my happy mood.haha

Wednesday, July 15, 2009

Monday, July 13, 2009

BLESSINGS IN THESE GUYS

I mean gays.

Nitong mga nakaraaang araw, may narealized ako. Napagtanto ko na kung tutuusin, pabor pala sa akin ang may mga bading sa mundo.

Nababawasan ang mga karibal ko sa mga chicks.

Napansin ko rin na halos sa mga nagiging bading ay yung mga pogi. Mga pogi na hinahanap ng mga chicks. Mga pogi na naghahanap rin ng kapwa pogi. Para sa mga gaya kong di kagwapuhan, kasi cute lang, good news to.Lumaki chance ko sa mga chicks. hehe.

Ngayon, pro gay na ako. I now support gay marriage.hehe.

Saturday, July 11, 2009

'COZ THEY ARE WOMEN

From Ericka Lizette's forwarded message:

A store that sells husbands has just opened where a woman may go to choose a husband but a girl can visit only once. There are six floors and attributes of men increase every floor. But once you go up, you can't go back down except the exit.

A woman visited the husband store:

Floor 1: These men have jobs and love the Lord

Floor 2: Men have jobs, love the Lord and love kids

Floor 3: Men have jobs, love the Lord and kids, and good looking

"Wow," the girl said, and she kept going.

Floor 4: Men have jobs, love Lord and kids, good looking and help with the house work

"Oh mercy me, I can hardly stand it" the girl said.

Floor 5: Men have jobs, love the Lord and kids, good looking, help with the house works, and very romantic

She's so tempted to stay but insisted on going to the 6th floor.


Floor 6: YOU ARE VISITOR 4,618, 257. THERE ARE NO MEN IN THIS FLOOR.
This floor exists solely as proof that women are impossible to please.

THANK YOU FOR SHOPPING AT THE HUSBAND STORE. PLEASE WATCH YOUR STEPS AS YOU EXIT THE BUILDING.






Women are just like that. That's why most of them have their ideal man. The perfect guy.

Yeah right.


Wednesday, July 8, 2009

YELLOW


We were just strangers back then
I don't know how it started and when
So fast, it all just happened
What I think is something forbidden.

Everyday for you I constantly fall
It was every of me you staggeringly stole
You just got it all--
My heart, my sanity, my soul.

I don't know how far this can go
It's no ordinary love we both know
But how could I resist such glow,
When in my darkness you shine so yellow?





Yellow - Coldplay

Wednesday, July 1, 2009

BREWING EVERY NIGHT OUT

I used to slide a Samsung Z720 that comes with 3.0 megapixel dual camera, HSDPA and 3G capable, quite big screen, but HAS NO radio. Now, I flip a Sony W350i that comes with 1.3 single camera, only GPRS capable, a walkman phone, and HAS a radio!

Why?

Coz of Boys Night Out and Brewrats. Life-changing talaga to. Wasak!

Affected by the bobonic plague and now spreading it. Yeah man!


Saturday, June 27, 2009

TREE TOP ADVENTURE




June 23, 2009. Subic City.

Sarap talaga ng me kamag-anak na balikbayan. pane libut amo.haha

Saturday, June 20, 2009

LET LEXIE FULFILL YOUR FANTASIES


with red bandana pa talga.. hayden?!

Try naman natin katawan ni Dingdong Dantes.hehe. Galing mo talaga jeni! Da best! benta sa nanay ko.haha

Tuesday, June 16, 2009

DON'T SAY BAD WORDS PLEASE!!!

Nagstart na ang pasukan nina. 1st day of school. 4th year na nga ako (siyempre, pati standing). Parang kelan lang 1st year pa lang ako. Natatandaan ko pa nga, 1st subject ko, P.E, late na ko buong subject. Am bilis ng panahon ano? Parang kelan lang naggraduate ako ng highschool.

It may sound a cliche, but time really flies so fast. Kanina, nalaman kong pumasa na ako sa removals ko sa Econ121. Regular standing na nga ko. Tamang-tama lang subjects ko ngayon. Graduating standing na talaga.  Wala nang dahilan pa para madelay ako. Pwera na lang kung... ay sus, dont say bad words!

Two weeks ago, ipinasa na ng pangalawa kong ate ang mahiwagang sablay na pinagpasahan pa mula sa una kong ate. Sabi niya, tutal ako na gagamit, ako na raw magtatago since ilang months na lang. Kanina naman, ka-chat ko yung panganay namin. Sabi niya di na raw siya uuwi ng sembreak this year. Sa graduation ko na raw sa April 2010! Kagabi naman, tumawag tatay ko. Magreretire na raw pagkagraduate ko, nxt year!

Juice ku po, di kaya ma-jinx graduation ko neto dahil sa mga to?! Di kaya mabati ako?! 2 sems away pa ko eh. Baka madisgrasya pa ko. Putek, wag naman sana..


Friday, June 12, 2009

DOWN THE ROOTS UP IN THE MOUNTAINS




June 10-12, 2009. From Manaoag to Binmaley to Baguio City.

7years na nung last sila umuwi dito sa Pinas. Kaya yun, nag-aya gumala bago man lang pasukan since napostponed ang start of classes. Salamat sa A(H1N1) virus.

After magdasal sa Manaoag, pumunta sa mga kamag-anak namin sa Binmaley, Pangasinan. After maglunch, dumiretso na sa Baguio.

Monday, June 8, 2009

TANTANAN NIYO NA AKO PLEAAAAASSSEE!!!!!

Sinundo namin ang lola, tito at pinsan ko nun gabi ng sabado. After 7 years namin di pagkikita, heto ang bati samin ng lola ko: "ot mengatsura cau?!" hindi ko rin maintindihan bat sa dami niyang pedeng makita, mga tigyawat ko pa una niyang napansin: "bat an dami mong tigyawat? parang pinagkukurot pisngi mo ah." Tawanan naman lahat. Ginatungan pa ng tito ko. "Oo nga, no ba nangyari jan sa mukha mo?" Ang nasabi ko na lang, "Ah, eh, ito po kasi uso sa Angeles ngayon."

Tuwang-tuwa naman ate kong malambing. Sabi niya, "Ang face mo kasi ay parang inbox... No space for new tigyawat!"

Malamang, kung andito rin ang isa ko pang ate, sasabihin niyang nahulugan lang daw ng langka ang face ko.

Ang sabi naman ng nanay ko, ewan daw niya bat nagkaganun, pinaglihi naman daw niya ko sa singkamas. Sabi ko, "Nay, sana naman binalatan mo muna ang singkamas bago mo pinaglihian.." with a bakit-ang-saklap-ng-buhay face.

Juice ku po, bakit naman kasi sa dinami-dami ng lugar, sa mukha pa trip pumwesto ng tigyawat. Pede naman kasi sa likod, o kaya sa binti, o kaya singit (ay wag naman, masakit siguro yun). Sana dun na lang kasi sa hindi nakikita nang di masira ang kagandahan at kagwapuhan ng mukha.

Naaalala ko tuloy nung high school, sabi nung friend ko, pag daw dinidiscribe ako, ganito: "ah, si alex, yung maraming tigyawat?", "si alex, yung tigyawatin?" Takte, ginawa pang trademark yung pagiging tigyawatin ko.

Madalas, pinapalubag ko na lang aking kalooban.  Sinasabi ko na lang sa sarili ko na partida lang yan mga tigyawat. Di rin maganda ang sobrang gwapo. Nobody is perrpek.

Minsan naisip ko, kung sigurong binibilang ang pogi points sa dami ng tigyawat, packingsheet, siguro artista na ako ngayon...


Wednesday, June 3, 2009

Monday, June 1, 2009

BABY LET'S CRUISE




Nung minsan mahiram ko sasakyan namin, sinubukan kong magsctex. Maganda raw kasi dun. Yun lang, mag-isa lang ako.

Maganda nga yung pagkakahiwa sa bundok para maggive way sa way. (huh?!) napakaliit lang ng tao pero napakalawak ng imahinasyon. utak nga naman niya, ang laki ng nagagawa.

Sana lang eh, maging beneficial talaga itong hiway na ito at masulit ang ginastos sa pagpapagawa nito. Konti pa lang kasi dumadaan. Pero malay natin, someday.

ROSES ARE RED. KAMATIS ARE GREEN




Heto ang mga tanim kong cherry tomatoes, mula nung umusbong na sila hanggang lumaki. 2month old na sila. kaso di pa rin namumunga at baka masira ng ulan.

SHOW MY LOVE TO YOU

Galing na nman ako ng Dad's kanina sa Megamall. Bale, 3rd time ko na magmerienda buffet dun. Sulit talaga (para sa akin) yung buffet dun. Isipin mo, nun 1st time ko, naka-36 akong siomai. Tas nun 2nd time ko, ako lang mag-isa kumain, naka-42 siomais. Take note, di lang puro siomai yun. Me pasta pa at cake. Kanina, di ko na pinilit pa. Nakauumay na rin kasi. Naka-20+ lang ako. Trip ko kasi yung cake kaya yun naman tinira ko. Grabe, 139php lang yung buffet dun. Kung 5php na lang cost ng bawat siomai, 5php x 42siomai, edi 210php? bukod pa yung carbonara, palabok, spaghetti, dinuguan, at cake na kinain ko habang naghihintay sa mga siomai. Sulit talaga ano?

Naisip ko lang, matakaw ba ko?


Wednesday, May 27, 2009

CRUEL PRESENTIMENT

Katatapos lang ng summer classes last week. Pinakamasayang summer ko na yun so far. The best. Kahit ilang weeks lang, tumatak talaga. At kahit ilang araw pa lang, namimiss ko na ang Diliman. Pero bakit ang Angeles hindi?

Parang baboy lang na binusog ng todo kasi kakatayin na kinabukasan.
Heto na't naaaninag ko na ang garote.

Thursday, May 21, 2009

WOW! MT. BANAHAW




May 16-17, 2009. From Lucban, to Dolores, to Kinabuhayan, Quezon.

Medyo kaiba to sa mga nauna kong paglilibot. Bukod sa may dala na talaga akong sariling camera, nakapagpaalam na rin ako sa nanay ko at may baon mula sa kanya.

Ito ang tinatawag na lakbay-aral sa P.I. 100 sa ilalim ni Dr. Nilo Ocampo. Ika nga niya, ginagawang excuse ang P.I. sa mga picnic at excursions.hehe. Pero kami, nasa gitna ng naglilibot at nananampalataya. Inalam namin ang paniniwala ng ilan tungkol sa kasagraduhan ng Banahaw at ang mga tinaguriang Rizalista.

Pagkatapos ng kasiyahan, pagpapakasakit naman. Baligtad ano? Parang baboy lang na binusog at kakatayin kinabukasan.

Itinuturing na sagrado ang bundok ng Banahaw. Me ritwal kaming sinunod sa pag-akyat nito. Ito ang tinatawag na pamumuwesto.Me 14 istatsyon kami pinuntahan, nagdasal sa bawat pwesto o shrine, at ginawa ang bawat ritwal. Sumuot sa masikip na kweba at nilubog an sarili sa tubig ng Santong Jacob, Pinagsiksikan ang sarili sa Husgado, nagpabinyag sa balon ni San Isidro, at ang huli, inakyat ang Kalbaryo, ang Mt. Calvary ng bundok kung saan may tatlong malaking krus din.

Masarap din ang tubig sa banahaw. kaiba ang taglay na lamig nito.

Going green and cultural. Going Wow! Philippines.