May 16-17, 2009. From Lucban, to Dolores, to Kinabuhayan, Quezon.
Medyo kaiba to sa mga nauna kong paglilibot. Bukod sa may dala na talaga akong sariling camera, nakapagpaalam na rin ako sa nanay ko at may baon mula sa kanya.
Ito ang tinatawag na lakbay-aral sa P.I. 100 sa ilalim ni Dr. Nilo Ocampo. Ika nga niya, ginagawang excuse ang P.I. sa mga picnic at excursions.hehe. Pero kami, nasa gitna ng naglilibot at nananampalataya. Inalam namin ang paniniwala ng ilan tungkol sa kasagraduhan ng Banahaw at ang mga tinaguriang Rizalista.
Pagkatapos ng kasiyahan, pagpapakasakit naman. Baligtad ano? Parang baboy lang na binusog at kakatayin kinabukasan.
Itinuturing na sagrado ang bundok ng Banahaw. Me ritwal kaming sinunod sa pag-akyat nito. Ito ang tinatawag na pamumuwesto.Me 14 istatsyon kami pinuntahan, nagdasal sa bawat pwesto o shrine, at ginawa ang bawat ritwal. Sumuot sa masikip na kweba at nilubog an sarili sa tubig ng Santong Jacob, Pinagsiksikan ang sarili sa Husgado, nagpabinyag sa balon ni San Isidro, at ang huli, inakyat ang Kalbaryo, ang Mt. Calvary ng bundok kung saan may tatlong malaking krus din.
Masarap din ang tubig sa banahaw. kaiba ang taglay na lamig nito.
Going green and cultural. Going Wow! Philippines.
No comments:
Post a Comment