Today is such a great day. I went to places I never been before.
Napagtripan namin ni Matet gumala ngayon. Birthday kasi niya bukas. Naisip niyang gawin na akong ganap na tao. Dadalhin ako sa lugar na di ko pa napupuntahan. At sa Divisoria nga kami nagkita kanina.
Pers taym ko pumunta sa Divi. Nanggaling ako Diliman at umasa na lang ako sa mga text ng mga kakilala ko kung panu pumunta doon. "Panu ko malalaman na nasa Tutuban na ko?" tanong ko. Ganito mga sagot ng mga napagtanungan ko: "Kapag nagbababaan na ang mga pasahero", Kapag Bukod sa pers taym ko makikita ang lugar, marami daw holdaper dun. Dala-dala ko pa man din ang pouch kong me lamang 1week kong damit. Kaya sobrang paranoid ako habang hinihintay ko si Matet. Nagkita kami ni Matet. Pero nag-alangan siya kung ako nga dahil daw sa shinning, shimmering hair ko.
Gumala kami sa Divi na dala-dala ko ang pouch ko ga-sako ng bigas ang laki. Dinala niya ako sa 168. Wow. Tapos sa Tutuban Center. Wow. Nilibre niya ako ng lechon kawali. Wow. Natae ako. Eew.
Sinamahan ko siya mamili ng damit. Madami siyang nabili sa halagang mga 100php na blouse, 70php na short, at ako, dumayo ng Divi para bumili ng DVD ng Fast and Furious 4. Chong, bro, dude, packingsheet, mapapamurra ka sa sobrang murra (with a conyo accent).
After niya mamili ako naman. HAH! Isang floor ng Tutuban ang sa shoes. Naghanap ako ng mabibili. Nalibot ko buong floor at narealize ko pare-pareho lang pla ang tinda. Nakahanap ako ng gusto kong design. White na sneakers na crocodile ang logo ng brand--Lowcoste. Hinanap ko ang me pinakamababang offer sa lahat ng tinawaran ko. Hmm.. Ilang hakbang kaya aabutin ng nabili kong sapatos nabili kong four thou? (joke lang. 400 lang.)
Ayun ang first time ko sa Divisoria. Umuwi kami sakay ng bus. Pumunta kami kina Jeni sa Bocaue. 1hr ata biyahe mula Divi hanggang sa kanila. Pagdating namin sa kanila, di kami agad pinapasok. Hinintay munang magising siya. Di rin namin siya masyadong nakakwentuhan kasi wala pa siya sa kanyang ulirat. Sandali lang kami doon. Umalis din kami agad. Magpapagupit muna kasi si Matet bago ako ihatid sa sakayan.
Sa tuwing luluwas ako, sa NLEX dumadaan at kalimitang aircon nasasakyan ko. Kanina, sa McArthur hiway ako dadaan hanggang makauwi. Astig. Dagdag pa rito, di aircon ang sinakyan namin. Feel na feel ko kasi pag ordinary fare. Probinsyang-probinsiya.
Pagkatapos niya magpagupit, dumaan kami sa teritoryo ni Matet. Ang brgy Tuktukan, Guiguinto. Maunlad ang brgy na ito kesa sa San Basilio. Dadaanan kasi siya ng McArthur. Sa Tabang kami bumaba ni Matet. Dito na ko sasakay ng Baliwag Transit papumtang Guagua. 630pm na nung nakasakay na ko kaya di ko na masyado nakita dinaanan ko.Sayang.
Imagine di aircon sinasakyan kong bus. Ang sarap ng pakiramdam pag dumadampi ang hangin sa aking mukha. Dumaan kami ng Malolos. Pero di ko nakita Barasoain Church. Dumaan din kami sa Calumpit. Nakatulog ata ako nung sa kalagitnaan ng Calumpit. Nalingat ako sa Apalit na kami. Nung nagising na talaga ako, nasa San Fernando exit na kami. Kung san exit kami pumasok, di ko nalaman sa kadahilanang nakatulog ako. 830pm na ako nakarating samin.
Nag-enjoy ako sa buong araw na ito. Siguro weird kasi anung point ng ginawa ko. Ewan ko rin. Pero nag-eenjoy kasi ako maglibot at malaman yung mga lugar-lugar. Kahit nasa jeep man ako o fx, tintignan ko pa rin mga signages ng mga streets. Sayang kulang lang ang oras ko na nasa Manila ako.
Obviously, gustong-gusto nakakakita ng mga bagong lugar at bagay. Kung san-san nakakarating. Ito lang ata ang sigurado ako sa sarili ko na ako nga. Gala at libotero. In short, makakati ang paa.
waaaaaaaaaww! un lng..
ReplyDelete