Walang Basagan ng Trip

Walang Basagan ng Trip

Monday, June 8, 2009

TANTANAN NIYO NA AKO PLEAAAAASSSEE!!!!!

Sinundo namin ang lola, tito at pinsan ko nun gabi ng sabado. After 7 years namin di pagkikita, heto ang bati samin ng lola ko: "ot mengatsura cau?!" hindi ko rin maintindihan bat sa dami niyang pedeng makita, mga tigyawat ko pa una niyang napansin: "bat an dami mong tigyawat? parang pinagkukurot pisngi mo ah." Tawanan naman lahat. Ginatungan pa ng tito ko. "Oo nga, no ba nangyari jan sa mukha mo?" Ang nasabi ko na lang, "Ah, eh, ito po kasi uso sa Angeles ngayon."

Tuwang-tuwa naman ate kong malambing. Sabi niya, "Ang face mo kasi ay parang inbox... No space for new tigyawat!"

Malamang, kung andito rin ang isa ko pang ate, sasabihin niyang nahulugan lang daw ng langka ang face ko.

Ang sabi naman ng nanay ko, ewan daw niya bat nagkaganun, pinaglihi naman daw niya ko sa singkamas. Sabi ko, "Nay, sana naman binalatan mo muna ang singkamas bago mo pinaglihian.." with a bakit-ang-saklap-ng-buhay face.

Juice ku po, bakit naman kasi sa dinami-dami ng lugar, sa mukha pa trip pumwesto ng tigyawat. Pede naman kasi sa likod, o kaya sa binti, o kaya singit (ay wag naman, masakit siguro yun). Sana dun na lang kasi sa hindi nakikita nang di masira ang kagandahan at kagwapuhan ng mukha.

Naaalala ko tuloy nung high school, sabi nung friend ko, pag daw dinidiscribe ako, ganito: "ah, si alex, yung maraming tigyawat?", "si alex, yung tigyawatin?" Takte, ginawa pang trademark yung pagiging tigyawatin ko.

Madalas, pinapalubag ko na lang aking kalooban.  Sinasabi ko na lang sa sarili ko na partida lang yan mga tigyawat. Di rin maganda ang sobrang gwapo. Nobody is perrpek.

Minsan naisip ko, kung sigurong binibilang ang pogi points sa dami ng tigyawat, packingsheet, siguro artista na ako ngayon...


3 comments:

  1. ok lang yan alex... :)
    fake cuenca ka naman... :)

    ReplyDelete
  2. slamat ha. pero mas gwapo ako dun eh. lamang lang talaga sa kutis.hehe

    ReplyDelete
  3. wahahaha,, ngenjoy aq infairview! hahah uhmm... try mo mghanap ng facial wash o sabon n epektib mgtanggal ng pimples.. o kya wag k kumain maxado ng fatty fuds..

    ReplyDelete