Walang Basagan ng Trip

Walang Basagan ng Trip

Thursday, December 9, 2010

THREE-POINTED STAR




di pa ko marunong nung kinuhanan ko to. got excited because it's the first car named after me.hehe

Thursday, November 18, 2010

Saturday, November 13, 2010

DA NIKID GURL

1pm sakto ng November 7,2010 ako nagreport sa V. Luna Hospital sa may Quezon City. yung iba kong nadatnan, kasama pa parents nila. Sabagay, halos mga bata pa naman sila, mga 16-18 ang age nila. Mahiya naman ako kung sa edad na 21 eh nagpahatid pa ko sa parents ko. Mga bandang 3pm, after ng briefings at introduction ng Director, pinauwi na ang mga parents. At iyon na nga ang simula ng kalbaryo namin.

After magfillout ng forms, pinaform na kami sa labas. 100 repetitions ng jumping jack, 100 kada figure. Noon ko lang nalaman na hanggang figure four pala ang jumping jack. After nun, mountain climbing naman. Tapos squatrass. Naghahabol na ko ng hininga. gusto ko na nga sumunod sa 2 nagquit nun. Kaya lang 11pm na kami natapos gabi na. Naisip kong dun na lang matulog. First night pa lang, ayoko na.haha

Nagising kami ng 4am. Langya, sa bahay maaga na 10am sakin. Pero ang bilis ko tumayo. Pagform namin, binati ba naman kami ng jumping jack, mountain climbing, 3.2km running at push ups. Akala ko talaga mamamatay na ko. Pagkatapos nun, pinakain kami. masarap naman mga pagkain nila dun. Sayang lang di ko malasahan. In one minute ba naman, kelangan mo maubos. Pano mo nanamnamin yun? After kumain, kahit kagagaling lang sa pawis at sapatos pinaligo kami. In ten counts, tapos na dapat maligo. Sakto lang ako nakapagbuhos ng 2 tabo at pinagbihis na kami. Oo tama, di ako nakapagsabon.

Sa araw din iyon, isa nadehydrate at sinugod sa ospital at isa na naman ang nagquit.

Sa mga sumunod na araw nakapagadjust na ko. Nauuna na ko makaligo at nakakapagbihis. Naauna na rin ako sa formation. Nauubos ko na rin ang pagkain. Sa kabila ng naninigas ko ng mga binti sa maga.hehe. Medyo nabawas din mga physical activities namin dahil nagsimula na mga physical exams namin gaya ng nakakatuyot ng utak na neurology at psychiatry, nakaduduling na ophthalmology, medicine stations, laboratory na kinailangan pang kamayin ang stool ng alas-tres ng madaling araw, ang nakakakabang Aptitude for Service Interview, ang hinihintay ng lahat na intial at final interview sa psych, surgical 1 at ang paborito ng lahat ng kalalakihan na S2 (kung saan lahat ay nadevirginized ang wetpacks).  Anjan din ang physical fitness test kung saan sakto ko lang naipasa lahat: 34 situps (33 ang required), 33 push ups (32 ang required), 41cms sit and reach (40 cms ang required), at 3.2kms running na first take, 20:42 at ang retake na 17:05 (18:10 ang required). Totoo, yan lahat results ko hindi ako nageexaggerate lang. Bumagsak nga pala ako sa pull-ups. 2 lang ang nacount sa apat na ginawa ko. 5 ang required.

Sa kabila ng hirap at pagkadrain, nagkakaibigan naman ako. Hindi ko man matandaan ang mga pangalan nila, naaalala ko pa naman mga mga code number nila.hehe. Mga kwentuhang kabaklaan, sabay-sabay na pagligo ng hubad, pagtakas sa may bakery, pantitrip kina sir Piandong at sir Periodico (ang alamat sa mga chikababes). Lalo pang nagpatibay ang prolec ata yun kung saan nagperform kami, acting, singing at pagsayaw ng so sexy, ice ice baby, at voltes V. haha. Tunay nga naman nag-enjoy kami. Inimpersonate namin si sir Piandong. Iyon na lang ang ganti namin sa kanya sa pagsama samin around the world, Australia, at trip to Disneyland kung saan ang bayad eh pushups, jumping jacks, squattrass, at jogging in place.

Nagkakakilala kami habang tumatagal. Hindi man sa pangalan, kundi sa code number. Sa huling gabi namin dun, nagbudol (tama ba spelling?) fight kami. nakapatay ang ilaw at dikit-dikit kami. Kaya pala walang iinom hanggat di nauubos ang kanin, puro sili pala ang hinalo sa kanin at pansit. Pagbukas ng ilaw, maga lahat mga labi namin at tagaktak ang pawis. Pero tama nga sila, mabubuo ang camaraderie sa budol fight. astig.

Mabigat ang loob ko umalis nung biyernes, November 12, 2010, ang huling araw namin. Para kasing nagustuhan ko't nasanay na sa buhay dun. Naging snappy ako, disciplined, humble, at physically active. Pero ika nga, ang lahat ay may katapusan. Pero at least, nag-enjoy ako sa almost one week na yun.

I may not pass the physical examination, but I'm proud I survived that one-week pre-training. One thing I realized though: PMA Cadetship is not for me. But who knows, I would still be a soldier of the Philippines someday.

Saturday, October 30, 2010

NARCISO




Minsan lang magself-portrait. Minsan lang ako maging vain. Madalas lang feeling macho.

Saturday, October 16, 2010

COME WHAT FIRST

An dami kong gustong bilin. Di ko alam kung anu uunahin ko. Ang liit naman ng sweldo ko. Haay buhay.

Thursday, October 14, 2010

LOOKS IS INDEED, DECEIVING

As of today, 21 years and 3 month-old ako. Kanina kasi me nambadtrip sakin:

Alvin: Sir ilang taon na po ba kayo?

Ako: Hulaan mo. =3

Alvin: 27?

Ako: Pakyu.

 

Tangina. Ganun na ba ko katanda tignan?! Stressed ba ko lately?!

Sabay bawi pa niya, "Hindi sir, matured lang kayo tignan (sabi ko sa sarili ko: gagu yun din yon palusot ka pa!) tsaka malaki lang bulas niyo.

Friday, October 1, 2010

NOTHING BEATS THE FIRST PAYSLIP

Kahapon ang unang sweldo ko. Siyempre, kagaya ng tradisyon, ishare ang unang sweldo para mas marami pang sweldo ang dumating. Nilibre ko ang ate ko. Kumain kami ng dimsum ng ate ko sa Binondo, sa may Ying Ying. Oportunista pa la siya. Umorder na ng umorder. Napaisip tuloy ako, siya lang ang nilibre ko.

Bago ko umuwi ngayon, binilhan ko ng pagkatamis-tamis na donut ang nanay ko. Kahit diabetic siya, alam kong ito ang makapag-papaligaya sa kanya. bukas, bibigyan ko na lang si ate aga sa walang sawang pag-aalaga kay Luthor at paglaba sa mga damit ko, na minsan may "yellow lines" hehe.

Salamat baby Jesus sa una kong sweldo. Hindi man ito kalakihan, salamat pa rin at least sumsweldo na.hehe. Sanay marami pang sweldo at mas tumaas pa na darating.



P.S. ganun pala talaga pag sumsweldo na, tumitinik sa kwentahan.haha

Monday, September 27, 2010

JOB INTERVIEWS

May mga bagay na sana ay nasabi mo nung job interview gaya ng:

 

Interviewer: so, Mr. Batac, how do you want me to call you?

Ako: In school they call me Piolo. My neighbors call me Diet. But you can call me Loydie if you want.

 

 

Interviewer: Piolo/Diet/Loydie, tell me more about yourself.

Ako: I'm just a normal guy na ang tanging bisyo lang ay ang umibig at magpakilig ng kababaihan. \m/

 

 

OT..Y?

Nasa office ako ngayon nag-oovertime para mahaba-haba ang time ko mag-facebook at magmultiply. 1.25times ang sweldo, sayang din.

Sunday, September 12, 2010

FINALLY AFTER ILANG EPIC FAILS

Haay.. di na talaga ko sanay ng nagigising bago pa tumirik ang araw. Pero kelangan masanay uli sa ngalan ng payslip.haha.

From UP-student attire (pambahay look) to corporate attire; From Havainas to leather shoes; from mamaya-na-antok-pa-ko-magpapalate-na-lang wake up time to 5:45-am-sharp-or-else-abutin-mo-ang-rush-hour time; from baon to sariling pera. Heto na nga ang paglipat ng pahina tungo sa bagong kabanata ng aking buhay: ang buhay may trabaho. Padayon sa akin!


Saturday, September 4, 2010

THE WORKS OF A FRUSTRATED PHOTOGRAPHER




Minsan kelangan pilitin ang hindi para sayo.haha

Model: Alyssa Renn Serrano
Location: Zone 7, San Basilio

August 28, 2010

Monday, August 9, 2010

IT'S NOT A HOBBY

Already 3 months unemployed... and still counting.haha.

Habangbuhay na lang ba ko painte-interview lang??


Tuesday, August 3, 2010

CPL




August 1, 2010. Sta Rita, Pampanga

First time kong gamitin ang CPL filter ko. maganda nga ang resulta. sana magamit ko ito sa mga future trips ko. At sana may future trips pa nga.hehe

Sunday, July 25, 2010

MY 21st YEAR OF EXISTENCE

Dear baby Jesus,

21st birthday ko ngayon. Salamat baby Jesus at pinaabot mo ko ng ganito katagal sa very beautiful earth na ito. Sana bigyan mo pa ko ng at least 42 years maexperience pa ang earth.hehe.

Ok lang din kahit di mo binagay ang wish ko na magkawork before birthday ko. Siguro nadelay lang at me plano kang mas maganda sakn. Pero sana wag mo naman paabuting Christmas gift.

Salamat at binigyan mo ko ng astig na pamilya. Di man perpekto, masaya naman at understand sila. Lalo na ngayong palamunin lang ako sa bahay.hehe. Naway magtagal pa kaming buo.

Salamat din sa pagpapaalala sa mga tao na birthday ko. Di ko rin makakalimutang binati ako ng Jobstreet.


Birthday wish ko, sana magkaroon ng world peace at matigil na ang global warming. Sana manaig ang love sa bawat isang nilikha mo.


P.S. Pwede bang paexperience naman ng birthday na di umuulan? yung tipong sunny day tapos lively ang mood tapos masaya lahat ng tao? di ko kasi macelebrate ng mabuti kasi nakakatmad ang panahon na umuulan.


 


Sunday, July 18, 2010

DREAM SHOT




Finally, nagawa ko rin.haha

July 17, 2010

COCO MARTIN




hehe. sabi nga ni ilonyl, mas magaling pa siya magpicture sakin. ayun, palit role. tama nga siya. palit kami.haha

July 15, 2010.

NOT EVERYTHING IS AS IT SEEMS




sometimes you have to dig deeper.

model: Kristine Ilonyl de Leon. buti at pumayag siya sa kabila ng mga kamalasan nung araw na yun.hehe

July 15, 2010

Thursday, July 8, 2010

JOB HUNTING TIPS BOOK 2

I came up with other realizations during my job hunting these past few days. Alam mo na siguro kung bakit. Eto pa ang iba:

1. Tignan kung alin ang madalas isuot o gamitin during interviews i.e., sapatos, sinturon, bolpen, polo, underwear, folder, etc. Baka ito ang malas sa'yo.

2. Matutong gumawa ng kwento. Pero siguraduhing mapaninindigan ito.

3. Irehearse na ang isasagot sa tanong na: Tell me more about yourself.


Wednesday, June 30, 2010

IS THIS IS IT A SIGN???

Napanaginipan ko kanina, nakuha ko ang first pay slip ko tas hinalikan ko ito. Is this is it a sign???? Wahaha


JOB-HUNTING TIPS

Sa dalawang buwan ko ng paghahanap ng trabaho, naisip ko ang ilang mga bagay na makatutulong sa paghahanap ng trabaho:

tip no. 1: Sa una lang ang heartbreaks. Masasanay ka rin.

tip no. 2: Magdala ng extra resumes pag may interview. Siguradong may katabing company ang pinuntahan mo.

tip no. 3: Kung wala ka ng maisip na company, panahon na sigurong magtitingin-tingin sa mga grocery items niyo sa bahay.

tip no. 4: Kung di ka pa rin nahire ng mga companies na nakita mo, try mo naman sa mga kalaban nilang companies.

tip no. 5: Kabisaduhin ang mga exams. Maeencounter mo sa ibang companies yan.


Sunday, June 27, 2010

O JO,

Nung balu mu mu ot gewa ku ita. Datang aldo, pasalamatan mu ku gewa ku ita.. sana.

Sana asalese mu ne ing biye mu. Sana magmature na ka.

MAKUYAD

please par, emu naku pasakitan.. lalu daka luluguran.


Saturday, June 26, 2010

Sunday, June 20, 2010

PYRAMID

Truth is, I don't know if I am happy with what happened. Seeing how beautiful she is right now. Maybe she's really better off without me.


MY BEST SHOTS (SO FAR)




June 14-18, 2010. Intramuros, Manila.

FPPF's Basic Photography Workshop. These were, I think, my best shots during the workshop.hehe

Wednesday, June 9, 2010

MALAY KO, MALAY MO, MALAYSIA




April 21-24, 2010 @ Hyatt Regency

Lamang ang Malaysia sa Infrastructures at socio-economic status kesa sa Pilipinas. Lamang ata tayo sa tren. Kasimbilis lang ng kalesa kasi MRT nila eh. Pero sa daan, di hamak na maganda dun. Puro flyover mahihirapan kang makabisado ang lugar. Sa ganda ng daan, nagtravel kami ng more or less 260kms in 3hours lang. Gano kalayo yun? Parang Manila to Baguio lang. Imagine ang almost 6-hour trip sa Pinas, 3 hours lang dun. Napakalaking bagay ng oras sa progreso at kaunlaran ng isang lugar.

kung hinahanap mo pala nanay ko, nasa hotel lang siya. natutulog.hehe

Saturday, May 29, 2010

DOWNTOWN SOUTH

Kanina, nagdrive ako mula NLEX, tapos tinawid ang EDSA, tas nakipaglibing sa SLEX papuntang Calamba. First time ko magdrive sa south at SLEX. Sa lahat ng expressway di ka man makatakbo ng 70km/h. Kalye nga naman sa Pilipinas oo. 

150kms ang one way, halos limang oras ang byahe. Malapit lang yun kung tutuusin. traffic lang talaga. Kuantan to Kuala Lumpur, 260kms yun. Parang pumunta lang ng Baguio galing Manila. yun 3hours lang byahe namin.

Haay.

DOWNTOWN SOUTH

Kanina, nagdrive ako mula NLEX, tapos tinawid ang EDSA, tas nakipaglibing sa SLEX papuntang Calamba. First time ko magdrive sa south at SLEX. Sa lahat ng expressway di ka man makatakbo ng 70km/h. Kalye nga naman sa Pilipinas oo. 

150kms ang one way, halos limang oras ang byahe. Malapit lang yun kung tutuusin. traffic lang talaga. Kuantan to Kuala Lumpur, 260kms yun. Parang pumunta lang ng Baguio galing Manila. yun 3hours lang byahe namin.

Haay.

Monday, May 24, 2010

THE MAKING OF A RIZAL

Kauuwi lang namin kanina mula sa tour namin sa Singapore at Malaysia. Matatagal-tagal na rin yung huli. Masaya talaga pag buo. At mas masaya pala talaga pag paminsan-minsan lang na masaya.hehe

Minsan kelangan mong lumabas sa balon para makita gano kalaki ang mundo at anu hitsura ng balon sa labas. Parang si Rizal. Kung hindi siguro siya lumabas ng bansa baka hindi ganun yung ideyalismo niya. Anu matutunan niya sa Kalamba? Nakakalungkot isipin na mas may iuunlad pa sana ang pinas kesa sa ibang bansa. Di hamak naman mas maganda ang mga tourist spots dito kesa sa Singapore. Imagine sa airport ng Kuala Lumpur at Singapore, mas marami pa ang mga turista kesa sa mga locals na umuuwi. Eh sa DMIA, puro OFWs, konti lang mga turista talaga.

Anu nga ba talaga mali sa Pilipinas? Sistema o values ng tao?

SINGAPOOR




May 18-21, 2010 at the Grand Hyatt Singapore.

It's nice city with awesome infrastructures. It's kinda disappointing that Philippines could have been better than Singapore if the government focused on the development. Lalo na sa tourism.

Saturday, May 15, 2010

TOINKS

Tinext ko ang adviser ko ng first year high school:

Ako: Mama Myrnz, graduate na'ko ng college!

Mama Myrnz: Congrats at wala ka pang baby!

Toinks!

Monday, May 10, 2010

NUMB

I am really insensitive. it's proven. I think I need blood circulation.

I think I should live alone. Para wala na lang ako nasasaktan.


MAG-ABROAD NA NGA LANG KAYA TALAGA AKO???

Number 2 sa bilangan ng boto si Erap. Di ko alam na bobo voters pa rin ang mga Pilipino. Ganun ba kabusy si Papa Gawd para makalimutang lagyan ng utak ang mga ulo ng ibang Pilipino? Di na ko magtataka kung pagtatawanan lang ang Pilipinas ng mga ibang bansa. Sana pala nagmanual election na lang tas nandaya na lang si gibo.

God bless the Pilipins. No, God help the Pilipinose.

Thursday, April 29, 2010

PLEASE TAKE ME TO THE NEXT LEVEL

Nakakailang job interviews na ko this April. Anu ba, hanggang interview na lang ba? Walang offer?

Saturday, April 17, 2010

Thursday, April 8, 2010

BABE I LOVE YOU




And now, the end is near.. But it's just another beginning of course.hehe

Rhosean's resort Baliti, CSF.

April 5-6, 2010

Thursday, April 1, 2010

MINSAN SA MAY BAYANIHAN




Minsan sa may bayanihan tayo nagkatagpuan, may mga sariling gimik at kanya-kanyang hangad sa buhay...

Tuesday, March 30, 2010

ROOMS 7, 8 , 2

"Par, naghakot na ko. Nice meeting you.hehe" (me pagka-naughty ang 'hehe' na yun)

Tinext ko na ang roommate kong si Gil. Kahit na kung susumahin eh, isang oras lang ata kami nagkausap sa tanang tatlong taon namin pagsasama. Ay mali. Masagwa. Sa tanang tatlong taon namin pagiging magkabahay na lang. Kahit papaano naman eh, me pinagsamahan kami. Sa mga kalokohan kong hindi niya sinumbong ke Mam Baste at kaburaraan niya't walang pakisama.

Hindi ko rin maiwasang maging sentimental pagkatapos kong mahakot lahat ng gamit ko. Naupo ako sa matress ko at tinignan ang c.r., dingding, mga lockers, bintana, mga kulangot na pinahid ko't tumigas na, at bakas ng iba pang bodily fluid. Tinignan ko ang matress. An dami ng nangyari sa loob ng apat na taon. Kung ano ang ibig sabihin ko sa an dami ng nangyari, akin na lang yon.

Am bilis ano. Parang kelan lang, first year college lang ako. Nasa cheekbones pa lang tigyawat ko nun. Ngayon nasa leeg na. Haay. An dami din nangyari at nagbago. Mga dumating at nawala. Ganito ata talaga ko pag me patapos ng yugto sa aking buhay. Di ko mapigilang maging sentimental. Sabagay lahat naman magiging sentimental niyan pag graduation na. Nagpalitan pa nga ng grad pics eh. Kala mo di na talaga magkikita. Eh, chat lang naman sa Facebook, connected na eh.

Panibagong yugto na naman ng buhay ko ang malalathala sa susunod na ilang buwan. Ano kaya laman at kwento ng susunod na yugto? Abangaan....


Sunday, March 28, 2010

SEALING THE OL' TIMES

And then I did something very wrong. For more than a year now, we've been strangers to each other, from what was a brother-sister bond.

I was guilty. And I thought it would be better if I leave things unreconciled. Di ko rin kasi matignan ng diretso eh. But I really want to make peace with the people I hurt before I leave the school (hopefully, I will). Until this weekend, as if the stars conspired, I had the chance to meet these old friends and able to talk to them. Say sorry and share what happened in more than a year.

It was overwhelming. I said sorry and made peace with the past. Totoo pa lang nakakagaan ng pakiramdam. Parang binitawan mo na ang napakabigat na dinadala mo. It was worthwhile to take the chance to talk to them. People said I should have done that before. But I think it's better to wait. Time heals. Not everything can really be settled in an overnight. And you cannot force everything the way you wanted it to be. Maybe there's really time for everything. Fate finds chances.

Haha. Tagal ko ng di nagsesenti.haha.

I am at peace now. Got lighten up. We may not bring back what was before. And maybe we won't see each other again. But at least now, we've reconciled. Settled. Apologized. Even if I die now, I would die smiling. At peace.

Namaste.


Saturday, March 27, 2010

THESIS THE MOMENT

Ano ang pinakamasarap na part ng thesis? Syempre, ang makita itong naka-bookbind.hehe


Saturday, March 6, 2010

ZABZABALE

Kakababa ko lang kahapon mula Baguio. Humabol kami ni Excel babes sa Panagbenga. Masaya pala talaga sa Baguio. Dami chicks. Tapos ang mura pa ng pagkain. Yung healthy plate sa Kenny Roger's, 75pesos lang sa Jacks. Hanggang gabi rin yung parang fair sa may Session Road. Me free concerts pa. Natuwa talaga ko sa mga medyo ethnic na banda. Parang bago sa pandinig kasi ethnic instruments din gamit nila. Tumatawa ako kahit di ko maintindihan ang lyrics. Buti na lang Ilocana salita ni Excel Babes at tinatranslate niya para sakin. Meron nga rin sumayaw na Igorot dance dun eh. Mas naaliw pa ko dun kesa sa kabila na Hale ang tumutugtog. Iniisip ko nga sa mga sumayaw, buti nakayanan nila ang lamig ng Baguio despite na nakabahag lang sila. Sinusubukan ko nga sila silipan eh. Pero narealize ko rin na malamig nga pala. "Nagshrink" sila sigurado.hehe. Pero in fairness sa kanila, macho sila.

P.S. anak ng jjampong, bakit kahit san man ako magpunta-Pagudpud, Sagada, Baguio, Pampanga- eh me mga koreano?!

  

Monday, March 1, 2010

NOT EVERYTHING IS AS IT SEEMS

Tama nga ang sabi ng mga napagtanungan ko. Ibang-iba nga ang DSLR sa karaniwang point and shoot lang o digicam. Malayo. Hindi lang yung basta pipindutin mo lang ang shutter button. Marami din dapat iconsider gaya ng shutter speed, subject focusing at angles. Dinugo nga ko sa mga photography terms sa manual. Anung aperture? anung histograph?haha. Mukhang madami pa ko aralin ah. Pero ok lang. Ganun naman talaga eh. Makapag-apprentice nga sa mga pro na.hehe

Lalo ko nagustuhan matuto ng pornography, este photography. Sa ngayon, lalaruin ko muna Alpha ko.hehe.

Saturday, February 20, 2010

SORRY SEEMS TO BE THE HARDEST WORD

Ang hirap naman magsorry. lalo't di mo matignan man lang yung tao kasi sobrang guilty ka. Tingin ko lalo lang nakakainis kung magsosorry pa ko. Mabuti na rin sigurong ganito. Masama naman talaga ko eh.hehe. Deserve ko na siguro ang ganito.
 

Sunday, February 14, 2010

HOW TO TIE A TIE. SHE SELLS SEA SHELLS BY THE SEA SHORE.

Dahil may Job Fair ang school bukas, nag-aral akong mag-tie ngayon. Salamat Youtube. Maaasahan ka talaga. Natuto ako ng simple at full windsor style. Kung anu pinagkaiba nun ay sa dami lang ng buhol.

Bakit kelangan ng necktie pala? Anu ba ang silbi nito sa mundo? Pampunas ng pawis? Sa totoo lang hindi ko lang alam bakit napauso ang necktie at kung sinong damuho ang nakaisip nito. Nakakapagpapawis at nakakapagpahirap pang lumunok. Kelangang hanggang dulo ibutones ang polo para maisagad ang necktie. Nakakasakal. Parang selosong syota.

P.S. Happy balentayms pala.

Saturday, February 13, 2010

CAMPAIGN GUIDELINES FOR 2010 ELECTION

Just to test the characters--or if they have it--of the politicians running in 2010 elections, I decided to post the campaign guidelines the Philippine Daily Inquirer published last February 9, 2010 at section A17:

Campaign period:

February 9-May 8,2010 for national positions; March 26-May 8 for the local positions

Campaign spending:

-for president and vice president, they are allowed to spend 10 PESOS for each voter and the party can contribute another 5 PESOS. Other positions are allowed to spend 5pesos per voter and party can add 3pesos. As of January 15, 2010, there are 50,723,734 registered voters.

-For the national positions, airtime is limited to only 120 MINUTES on TV per station and 180 MINUTES on radio per station for entire campaign; for local positions, an HOUR for TV and HOUR and HALF for radio

-POSTERS made of cloth, paper or cardboard should not exceed 2x3 FEET in size. STREAMERS should not go over the mandated size of 3x8 FEET

-POSTING of CAMPAIGN MATERIALS in public places such as STREETS, BRIDGES, PUBLIC BUILDINGS, TREES, ELECTRIC POSTS AND WIRES, SCHOOLS, SHRINES AND MAIN AVENUES ARE BANNED.

If those running for government positions cannot follow this simple guidelines, what more they could violate when they're already in positions? Think.