Walang Basagan ng Trip

Walang Basagan ng Trip

Sunday, January 3, 2010

2009 highlights




Some of the highlights of my 2009.hehe.

1. Anawangin, Zambales. First time kong gumala ng hindi nagpapaalam. Maghike at magbeach. Dun nagstart ang goal ko sa buhay na malibot ang Pilipinas.hehe

2. Mt. Pulag. Sabi ko naman, nagstart na ang goal ko sa buhay na malibot ang Pilipinas and it is the second highest mountain in the Philippines.

3. Blonde. Literal na highlights ng 2009.hehe. Minsan hindi masamang gumawa ng kalokohan sa buhay at gumawa ng kakaiba. Try lang.

4. Pepito. New friends. At sa buong experience ko sa Diliman nung summer 2009, nakilala ko unti-unti ang sarili ko at nalaman ang gusto ko. Nag-Mt. Banahaw at Pahiyas Festival nga pala ako dito.

5. Kathryne. Nakilala ko ang Most Favorite Cousin ko.hehe. Experience din ng conversational english.haha.

6. Thesis. Nabuo ang grupo naming GFC.hehe. 1 year kami magkakasama sa init at lakad, sa stress at pagod.hehe.

7. 20th birthday. Milestone itong maituturing. Dalawang dekada na ko sa mundo at hindi na teenager na maituturing. Nasa pagitan na ko ng pagiging adolescent at adult, boy at man.

8. Isdaan. Road trip magkakablock. Pinakamalayo ko na atang nadrive to. Loser.

9. Excel babes sa friends for sale. yun yon eh!

10. Sagada. Hayan, nakakailan na ba ko sa norte?hehe.

11. Alam na!

12. Service sa Rotaract. First experience ko sa isang outreach. At nakita ko ang kamalian sa pagkawanggawa.

13. Mr. U.P. experience. Gained new friends and invaluable experience.

14. Mr. Congeniality. Those will be the days.haha.

15. Pagudpud. Farthest I've reached so far by bus. more than 500kms and 12-hour bus ride.

16. My Magtoto Family. I may be shy whenever we have reunion. Mahiyain kasi talaga ko eh.haha. I know i have family.:)


Dami pa highlights. kaya lang walang pictures eh.hehe. yan na siguro.

ONCE IN HER GOLDEN YEAR

San pa nga ba magandang simulan ang taon kundi sa bertdey ng nanay ko. 50 na siya ngayon. Limang dekada na siyang humihinga dito sa mundo. Kalahating siglo ng nabubuhay sa mundo. In short, siya ngayong araw na ito ay golden girl.

Bukod sa  milestone na ang pag-abot niya ng 50, minsan sa isang taon lang naman siya magbertdey at maghanda kaya binigay na namin ang araw niya. Lagi lang naman kasi siya mag-isa pag me pasok kaya di rin naman nakakalabas at nakikita mga kamag-anak niya.

Simulan natin sa regalo ko sa kanya na kabibe na galing Pagudpud. Nagustuhan niya nung una pero hindi ko alam kung tanggap niya kasi nalaman niyang binili ko pa iyon galing Pagudpud. At hindi ako nagpaalam nung pumunta ako doon.

Wehehe.

Bukod sa happy birthday, ano pa ba ang magandang ipatugtog sa party? Siyempre dapat yung napapanahon at nababagay sa may birthday.

Birthday Sex by Jeremih. Para maganda ang pasok ng taon para sa kanyang sex life.hehe

Siyempre, birthday = pagkain. Meron Blue Marlin, Lechon bigay ni tito Edgar, Embotido, Inihaw na tilapia, Kare-kare, at siyempre, specialty ni ate Aga, ang malupet na lumpiang ubod.hehe. Para sa merienda, spaghetti at kwek-kwek.hehe. Mawawala ba naman ang paborito ng may-birthday? Siyempre may Coke. Sakto pa.hehe.

Akala ata ng nanay ko, 7th birthday niya. Gusto niya ng short program, ng games. Nagkaroon ng singing contest since may videoke. Tapos, pinilit yung naisip kong laro na hango sa Facebook: How well do you know Lydia?
1st question: Sino ang pers boypren ng nanay ko? (nakalimutan ko pangalan niya)
2nd question: Kung siya ang pers boypren niya, kelan naging sila? (high school pa raw. aba, 4th year college na nga ko ngayon ayaw pa niya ko magka-gerpren.)
3rd question: Kelan sila ikinasal ng tatay ko? (aba, sinita ba naman yung nag-flower girl nun. Dapat daw alam niya.haha)
at ang last at pinakacrucial na tanong...
4th question: ano ang timbang niya ngayon? (210 lbs. sino nakasagot? tito kong nagbebenta ng karne.haha)

Magkano premyo? Siyempre, dahil 50 na siya, 50 pesos.hehe

Habang nagliligpit na, tinanong ko siya: Ma, ilan naging boypren mo? Sabi niya, "Secret!hihi" sabay hagikgik. Sabi ko, "ay, ang landi." Sagot ba naman niya, "Hindi ako lumandi. Nagmahal lang ako.haha"

Nakakapagod pero masaya naman. At alam kong masaya naman nanay ko kahit pagod siya at gumastos.hehe.

Happy birthday Ma! I love you. kahit dito lang masabi ko.hehe.