Walang Basagan ng Trip

Walang Basagan ng Trip

Tuesday, March 30, 2010

ROOMS 7, 8 , 2

"Par, naghakot na ko. Nice meeting you.hehe" (me pagka-naughty ang 'hehe' na yun)

Tinext ko na ang roommate kong si Gil. Kahit na kung susumahin eh, isang oras lang ata kami nagkausap sa tanang tatlong taon namin pagsasama. Ay mali. Masagwa. Sa tanang tatlong taon namin pagiging magkabahay na lang. Kahit papaano naman eh, me pinagsamahan kami. Sa mga kalokohan kong hindi niya sinumbong ke Mam Baste at kaburaraan niya't walang pakisama.

Hindi ko rin maiwasang maging sentimental pagkatapos kong mahakot lahat ng gamit ko. Naupo ako sa matress ko at tinignan ang c.r., dingding, mga lockers, bintana, mga kulangot na pinahid ko't tumigas na, at bakas ng iba pang bodily fluid. Tinignan ko ang matress. An dami ng nangyari sa loob ng apat na taon. Kung ano ang ibig sabihin ko sa an dami ng nangyari, akin na lang yon.

Am bilis ano. Parang kelan lang, first year college lang ako. Nasa cheekbones pa lang tigyawat ko nun. Ngayon nasa leeg na. Haay. An dami din nangyari at nagbago. Mga dumating at nawala. Ganito ata talaga ko pag me patapos ng yugto sa aking buhay. Di ko mapigilang maging sentimental. Sabagay lahat naman magiging sentimental niyan pag graduation na. Nagpalitan pa nga ng grad pics eh. Kala mo di na talaga magkikita. Eh, chat lang naman sa Facebook, connected na eh.

Panibagong yugto na naman ng buhay ko ang malalathala sa susunod na ilang buwan. Ano kaya laman at kwento ng susunod na yugto? Abangaan....


Sunday, March 28, 2010

SEALING THE OL' TIMES

And then I did something very wrong. For more than a year now, we've been strangers to each other, from what was a brother-sister bond.

I was guilty. And I thought it would be better if I leave things unreconciled. Di ko rin kasi matignan ng diretso eh. But I really want to make peace with the people I hurt before I leave the school (hopefully, I will). Until this weekend, as if the stars conspired, I had the chance to meet these old friends and able to talk to them. Say sorry and share what happened in more than a year.

It was overwhelming. I said sorry and made peace with the past. Totoo pa lang nakakagaan ng pakiramdam. Parang binitawan mo na ang napakabigat na dinadala mo. It was worthwhile to take the chance to talk to them. People said I should have done that before. But I think it's better to wait. Time heals. Not everything can really be settled in an overnight. And you cannot force everything the way you wanted it to be. Maybe there's really time for everything. Fate finds chances.

Haha. Tagal ko ng di nagsesenti.haha.

I am at peace now. Got lighten up. We may not bring back what was before. And maybe we won't see each other again. But at least now, we've reconciled. Settled. Apologized. Even if I die now, I would die smiling. At peace.

Namaste.


Saturday, March 27, 2010

THESIS THE MOMENT

Ano ang pinakamasarap na part ng thesis? Syempre, ang makita itong naka-bookbind.hehe


Saturday, March 6, 2010

ZABZABALE

Kakababa ko lang kahapon mula Baguio. Humabol kami ni Excel babes sa Panagbenga. Masaya pala talaga sa Baguio. Dami chicks. Tapos ang mura pa ng pagkain. Yung healthy plate sa Kenny Roger's, 75pesos lang sa Jacks. Hanggang gabi rin yung parang fair sa may Session Road. Me free concerts pa. Natuwa talaga ko sa mga medyo ethnic na banda. Parang bago sa pandinig kasi ethnic instruments din gamit nila. Tumatawa ako kahit di ko maintindihan ang lyrics. Buti na lang Ilocana salita ni Excel Babes at tinatranslate niya para sakin. Meron nga rin sumayaw na Igorot dance dun eh. Mas naaliw pa ko dun kesa sa kabila na Hale ang tumutugtog. Iniisip ko nga sa mga sumayaw, buti nakayanan nila ang lamig ng Baguio despite na nakabahag lang sila. Sinusubukan ko nga sila silipan eh. Pero narealize ko rin na malamig nga pala. "Nagshrink" sila sigurado.hehe. Pero in fairness sa kanila, macho sila.

P.S. anak ng jjampong, bakit kahit san man ako magpunta-Pagudpud, Sagada, Baguio, Pampanga- eh me mga koreano?!

  

Monday, March 1, 2010

NOT EVERYTHING IS AS IT SEEMS

Tama nga ang sabi ng mga napagtanungan ko. Ibang-iba nga ang DSLR sa karaniwang point and shoot lang o digicam. Malayo. Hindi lang yung basta pipindutin mo lang ang shutter button. Marami din dapat iconsider gaya ng shutter speed, subject focusing at angles. Dinugo nga ko sa mga photography terms sa manual. Anung aperture? anung histograph?haha. Mukhang madami pa ko aralin ah. Pero ok lang. Ganun naman talaga eh. Makapag-apprentice nga sa mga pro na.hehe

Lalo ko nagustuhan matuto ng pornography, este photography. Sa ngayon, lalaruin ko muna Alpha ko.hehe.