Diet tip para sa mga gustong pumayat: ugaliing magtoothbrush oras-oras.
Walang Basagan ng Trip
Walang Basagan ng Trip
Thursday, November 18, 2010
Saturday, November 13, 2010
DA NIKID GURL
1pm sakto ng November 7,2010 ako nagreport sa V. Luna Hospital sa may Quezon City. yung iba kong nadatnan, kasama pa parents nila. Sabagay, halos mga bata pa naman sila, mga 16-18 ang age nila. Mahiya naman ako kung sa edad na 21 eh nagpahatid pa ko sa parents ko. Mga bandang 3pm, after ng briefings at introduction ng Director, pinauwi na ang mga parents. At iyon na nga ang simula ng kalbaryo namin.
After magfillout ng forms, pinaform na kami sa labas. 100 repetitions ng jumping jack, 100 kada figure. Noon ko lang nalaman na hanggang figure four pala ang jumping jack. After nun, mountain climbing naman. Tapos squatrass. Naghahabol na ko ng hininga. gusto ko na nga sumunod sa 2 nagquit nun. Kaya lang 11pm na kami natapos gabi na. Naisip kong dun na lang matulog. First night pa lang, ayoko na.haha
Nagising kami ng 4am. Langya, sa bahay maaga na 10am sakin. Pero ang bilis ko tumayo. Pagform namin, binati ba naman kami ng jumping jack, mountain climbing, 3.2km running at push ups. Akala ko talaga mamamatay na ko. Pagkatapos nun, pinakain kami. masarap naman mga pagkain nila dun. Sayang lang di ko malasahan. In one minute ba naman, kelangan mo maubos. Pano mo nanamnamin yun? After kumain, kahit kagagaling lang sa pawis at sapatos pinaligo kami. In ten counts, tapos na dapat maligo. Sakto lang ako nakapagbuhos ng 2 tabo at pinagbihis na kami. Oo tama, di ako nakapagsabon.
Sa araw din iyon, isa nadehydrate at sinugod sa ospital at isa na naman ang nagquit.
Sa mga sumunod na araw nakapagadjust na ko. Nauuna na ko makaligo at nakakapagbihis. Naauna na rin ako sa formation. Nauubos ko na rin ang pagkain. Sa kabila ng naninigas ko ng mga binti sa maga.hehe. Medyo nabawas din mga physical activities namin dahil nagsimula na mga physical exams namin gaya ng nakakatuyot ng utak na neurology at psychiatry, nakaduduling na ophthalmology, medicine stations, laboratory na kinailangan pang kamayin ang stool ng alas-tres ng madaling araw, ang nakakakabang Aptitude for Service Interview, ang hinihintay ng lahat na intial at final interview sa psych, surgical 1 at ang paborito ng lahat ng kalalakihan na S2 (kung saan lahat ay nadevirginized ang wetpacks). Anjan din ang physical fitness test kung saan sakto ko lang naipasa lahat: 34 situps (33 ang required), 33 push ups (32 ang required), 41cms sit and reach (40 cms ang required), at 3.2kms running na first take, 20:42 at ang retake na 17:05 (18:10 ang required). Totoo, yan lahat results ko hindi ako nageexaggerate lang. Bumagsak nga pala ako sa pull-ups. 2 lang ang nacount sa apat na ginawa ko. 5 ang required.
Sa kabila ng hirap at pagkadrain, nagkakaibigan naman ako. Hindi ko man matandaan ang mga pangalan nila, naaalala ko pa naman mga mga code number nila.hehe. Mga kwentuhang kabaklaan, sabay-sabay na pagligo ng hubad, pagtakas sa may bakery, pantitrip kina sir Piandong at sir Periodico (ang alamat sa mga chikababes). Lalo pang nagpatibay ang prolec ata yun kung saan nagperform kami, acting, singing at pagsayaw ng so sexy, ice ice baby, at voltes V. haha. Tunay nga naman nag-enjoy kami. Inimpersonate namin si sir Piandong. Iyon na lang ang ganti namin sa kanya sa pagsama samin around the world, Australia, at trip to Disneyland kung saan ang bayad eh pushups, jumping jacks, squattrass, at jogging in place.
Nagkakakilala kami habang tumatagal. Hindi man sa pangalan, kundi sa code number. Sa huling gabi namin dun, nagbudol (tama ba spelling?) fight kami. nakapatay ang ilaw at dikit-dikit kami. Kaya pala walang iinom hanggat di nauubos ang kanin, puro sili pala ang hinalo sa kanin at pansit. Pagbukas ng ilaw, maga lahat mga labi namin at tagaktak ang pawis. Pero tama nga sila, mabubuo ang camaraderie sa budol fight. astig.
Mabigat ang loob ko umalis nung biyernes, November 12, 2010, ang huling araw namin. Para kasing nagustuhan ko't nasanay na sa buhay dun. Naging snappy ako, disciplined, humble, at physically active. Pero ika nga, ang lahat ay may katapusan. Pero at least, nag-enjoy ako sa almost one week na yun.
I may not pass the physical examination, but I'm proud I survived that one-week pre-training. One thing I realized though: PMA Cadetship is not for me. But who knows, I would still be a soldier of the Philippines someday.

Subscribe to:
Posts (Atom)