Walang Basagan ng Trip

Walang Basagan ng Trip

Wednesday, July 23, 2008

ALEX BATAC po, for COUNCILOR....

HEHE.
I dont if this is too much. pero iggrab ko na opportunity na ito. ika nga ni Ka- Kaydee, use all your resources.hehe.
It's my first time to run for a position sa students' council. ni hindi nga ko sanay magsalita sa harap ng maraming tao. bulol pa nga ko eh. pero gusto ko pa rin. at sa tingin ko kelangan din.

bakit sa tingin ko kelangan? kasi kelangan tlga. pakiramdam ko kasi medyo nawawala na ang significance, essence, meaning ng SC (so tingin ko naman ako magbabalik nun?!haha). anu pa matatawag un. di naman sa me pinapatamaan ako, o tinutukoy tlaga(bato bato sa langit, tmaan wag magalit), pero gusto ko kasi ibahin naman ang tingin ng NAKARARAMI sa SC na ang mga positions ay bagay lang na idinudugtong sa pangalan o kaya para may mailagay lang sa annual o resume, kundi isang daan para marinig boses nating mga estudyante. Most of us kasi, di natin alam rights natin bilang mga kabataang nag-aaral, at bilang mga iskolar ng bayan na rin. isa ang SC sa mga daan para maipamulat ang mga karapatan nating mga estudyante. ito rin kasi ang nagrerepresent sa ating mga mag-aaral eh.

Siguro ito ring ang isang dahilan kaya naisipan kong humabol: hindi ko naramdaman na may SC last year. hindi nman sa hindi ko nagustuhan paglilinkod ni Alwin Palad, pero naisip ko lang, anu silbi pa ng pusit kung ulo lang ang gumagalaw at walang tulong ng mga galamay nito? nakapanayam ko na rin si Alwin at alam ko na maganda rin hangarin nya ngunit di nya magagawa yun ng nag-iisa. Simple lang naman ang gusto kong mangyari. Ang magkaroon ng SC na naglilingkod talaga sa mga estudyante. Yung isang tunay na SC na para sa mga estudyante tlaga. hindi hawak o may impluwensya ng ibang "sektor" kundi lahat nating mga estudyante. Binubuo ng mga estudyante na para sa kapakanan lahat nating mga estudyante. "must not be, and will never be, isolated from the interest of the Students.."
ayoko na maramdaman ng iba pang estudyante ang naramdaman ko. kaya naisipan ko nang kapalan mukha ko para simulan ang pagbabago. (Go PIOLO!!!)

I may sound trapo, baduy, etc. pero ito tlaga ang nararamdaman ko at gusto kong mangyari. Siguro nga ito na rin ang plataporma ko eh.hehe. pero i guess these were the right words to decribe my feelings. I may not look/sound serious about it, or yung mukha ko hindi bgay sa sinasabi ko at tinatakbuhan ko, pero ito na rin siguro ang daan para naman maipakita ko ang iba pang ako, mga saluobin, thoughts, at magamit ang mga itinuro sa akin ng Pi Sigma na isang sosyo-pulitikal na organisasyon.

Sana makilahok lahat sa atin sa eleksyon. halos wala naman itong pinagkaiba sa national election sa ating bansa. huwag nating isiping wala tayong mapapala dito. kelangan natin makialam sa mga isyung ganito, maging sa mga isyu sa ating lipunan. huwag lang sarili natin ang isipin natin. kung nagf-function tayo as individuals, we also function as a team, as isang sektor ng sambayanan, as one country. so this is our part. maging mapanuri tayo at kritikal sa ating mga desisyon.
sana bumoto lahat dahil bawat boto ay mahalaga. it can make a difference.

hindi na kampanya to bilang isang kandidato, pero bilang isang botante na rin. sana makapagisip-isip kayo sa aking mga sinabi. siguro simula na rin ito ng pagsisimula ko ng sinasabi kong pagbabago.

hanggang dit na lang muna. nawa'y naging makabuluhan ang aking mga sinabi.

Mabuhay.
Padayon.
STP!!!

4 comments:

  1. naks... nasabi ang pangalan ko... ayos ah... =D

    ReplyDelete
  2. go papa P!..haha.simulan ang pagbabago

    ReplyDelete
  3. nararamdaman ko ng napipikon si charles sakn. haha.

    naiinip na rin ako.

    ReplyDelete
  4. 0h! chib0y musta nah ken,?

    kapilan kata lumwal ulit,?
    he3..,")

    ReplyDelete