Walang Basagan ng Trip

Walang Basagan ng Trip

Thursday, December 25, 2008

LEXIE'S NOCHE BUENA DREAM: A PROPHECY?

After what seemed to be endless hubaran ng shorts with my two bouncing sisters that really sent me to paranoia, after we emptied two bundles of jumbo cheesedogs, after we sang at the top of our lungs with our videoke, we decided to sleep to prepare to elude the early mano-kapalit-money gang who make mano and disappear after the malutong na bill was handled to them. that's how our noche buena ended. It was pretty much like the past noche buenas, plus we had more laughters this year than the previous ones. Maybe because we did not have so much to do but make fool of one another.

What made that noche buena more different is that I had a strange dream that night. It's kinda weird but it was nice.. We were dancing when my ate checked my phone and saw that I received a video message (Me ganun na ba?lam ko voice message pa lang). What was on the video? A girl at her adolescence greeting merry xmas, while browsing pictures in a shoebox. Then she sang a song with lines "I can change the world... I can change it by my smile.. I spread peace.." (I can't remember the melody) Someone took the video for her, and she was sitting on the floor while showing her pictures on the camera, still singing those lines. But I barely recognized her face. She was wearing a violet gown, like as if it's her debut with white gloves on her hands. Then she finally glanced at the camera and to my surprise, para kaming pinagbiyak na bunga. A girl version of me, only she has a fair skin, she's skinny and has long hair.. I can't understand what that dream meant. A girl lexie singing "I can change the world.." Wow. Not bad. Are dreams created by our personal imagination? Was this my feminine side? If it was, I must be a lovely butterfly. I must be a lovely girl. Watta lovely gay of me.

Monday, December 15, 2008

PICTURE! PICTURE!




Mga Pilipino talaga ngayon ang hilig magpicture2. Kahit anu lang, kelangan me picture. Parang mga to, naospital na nga nagpicturan pa. Gagung-gagu lang.

(Dec 9-12, 2008)

DRAMA BLUES

Ilang buwan kitang hinintay. Ilang taon akong nanabik sayo. Excited pa man din akong sunduin ka bukas. Tumawag ka ngayon para sabihin na di ka na makakarating. Akala ko makikita na kita uli. gustong-gusto na pa man din kitang mayakap. Yun pala di ka na naman makakarating.. Umasa na naman ako. Nabigo na naman ako.

haay.. Malamig na naman ang pasko ko dahil wala ka na naman.

 

Saturday, December 13, 2008

WHAT NUMBER ARE YOU AT RIGHT NOW?

Masama bang sabihin ng diretso na tatae ka lang sandali? Teka, sino nga ba hindi tumatae? Sabi ni Nene (Andrei), unethical daw sabihin ng diretso na tatae ka sandali.

Ok, so pano mo sasabihin na gusto mo magdedeposito sa banco de inidoro in an ethical way?

Me numbering pala yun sabi ni nene. Para ka lang pala makikipagusap sa operator sa telepono. Number 1 para sa wiwi. At number 2 naman para sa pupu (o hyan, di na tae sinabi ko kasi nga unethical daw yun).

Ngayon ko lang nalaman na me numbering pala ang call of nature. Sabi ni nene, matagal na daw yun. Ba't di ko alam? Ibig bang sabihin unethical ako? Ba't ngayon ko lang narinig iyon? Ibig sabihin unethical din mga nakakasama ko? Taeng tae yan.

Salamat nga pala sa ibinahagi mong trivia drei. Ge, number 2 muna ko sandali.

Friday, December 12, 2008

YOU CURED ME BUT YOU TRANSFERRED THE PAIN TO MY PURSE

From Dec 9-12, nakitulog ako sa Makabali. Mga natutunan ko sa ospital:

1. Kelangan pasensyoso at friendly ka pag nurse ka.

2. Masarap ang buhay sa ospital. Pero mas masarap kung may beer.

3. Masayang mag-ghost hunting pag 12midnyt.

4. Bawal magcarolling sa ibang kwarto.

5. Pag nagrent ng kwarto, libre na tv na me cable, mesa, ref, toilet, sofa, at kama. Pero me additional na bayad kung gusto mo ng unan at remote.

6. Pahihirapan nila kung sino man magtatangkang gumamit ng Philhealth.

7. Masarap ang kaning lugaw.

8. 7am ang breakfast, 12nn ang lunch (para sakto daw habang nanonood ng Wowowee), 6pm ang dinner.

9. Kelangan magtally-han sa gamot at dextrose na binibigay nila kasi gugulatin ka nila pag billing na.

10. Bobo sila sa accounting.

11. Almost 50% ang markup ng pharmacy nila sa gamot.

12. Mas mura magpaconfine sa motel.

13. Sana may discount card sila sa mga suki o madalas maconfine dun.

14. Naninira ng tulog ang mga nurse.

15. Hihintayin ka munang makatulog ng mga nurse bago kuhanan ng BP at temp para gisingin ka.

16. Para kang na-wax pag biglang tinanggal ang plaster ng dextrose mo. Kaya magandang ipaplaster na buong kamay para pantay-pantay ang balahibo mo sa kamay.

17. Panggabi ang mga sexy at magagandang nurse.

18. Halos bading ang mga poging nurse.

19. Nahohold-up ang mga lumalabas ng ospital.

20. Butas ang bulsa ng mga galing ospital.

21. Mag-ingat na lang para wag magkasakit. Nakakamatay maospital.



Saturday, December 6, 2008

NEW HAIRCUT. SA TAGALOG, GAGONG GUPIT


alex batac

Dahil December na, at malapit na ang pasko, nagpagupit ako.

KRIS KRINGLE 171




Mga natanggap ko sa kris kringle namen sa BM171. Napakasayang klase grabe.hehe. Akalain mo, npalabas nila kong pera sa tipid kong ito. 30 lang minimum pero umabot ng 70+ at 60+ mga nabigay ko.. Pero masaya naman. So far, eto yung pinakamasayang block na nkasama ko sa isang klase.hehe