From Dec 9-12, nakitulog ako sa Makabali. Mga natutunan ko sa ospital:
1. Kelangan pasensyoso at friendly ka pag nurse ka.
2. Masarap ang buhay sa ospital. Pero mas masarap kung may beer.
3. Masayang mag-ghost hunting pag 12midnyt.
4. Bawal magcarolling sa ibang kwarto.
5. Pag nagrent ng kwarto, libre na tv na me cable, mesa, ref, toilet, sofa, at kama. Pero me additional na bayad kung gusto mo ng unan at remote.
6. Pahihirapan nila kung sino man magtatangkang gumamit ng Philhealth.
7. Masarap ang kaning lugaw.
8. 7am ang breakfast, 12nn ang lunch (para sakto daw habang nanonood ng Wowowee), 6pm ang dinner.
9. Kelangan magtally-han sa gamot at dextrose na binibigay nila kasi gugulatin ka nila pag billing na.
10. Bobo sila sa accounting.
11. Almost 50% ang markup ng pharmacy nila sa gamot.
12. Mas mura magpaconfine sa motel.
13. Sana may discount card sila sa mga suki o madalas maconfine dun.
14. Naninira ng tulog ang mga nurse.
15. Hihintayin ka munang makatulog ng mga nurse bago kuhanan ng BP at temp para gisingin ka.
16. Para kang na-wax pag biglang tinanggal ang plaster ng dextrose mo. Kaya magandang ipaplaster na buong kamay para pantay-pantay ang balahibo mo sa kamay.
17. Panggabi ang mga sexy at magagandang nurse.
18. Halos bading ang mga poging nurse.
19. Nahohold-up ang mga lumalabas ng ospital.
20. Butas ang bulsa ng mga galing ospital.
21. Mag-ingat na lang para wag magkasakit. Nakakamatay maospital.
menanu ka?
ReplyDeletemeospital ku sagli.hehe
ReplyDeletehaha oh bqt?..
ReplyDelete