Walang Basagan ng Trip

Walang Basagan ng Trip

Saturday, February 7, 2009

LEXIE EXPLORES ANAWANGIN COVE, ZAMBALES

Nangangati na talaga ang kamay ko. Hindi ako nakapagpost last weekend kaya heto ako atat magpost. kung bakit hindi ako nakapagpost last weekend eh, ay dahil "nagdeclare ako ng sarili kong break" ika nga ni Duran. Yes, hindi ako pumasok sa kanya last weekend. So what kung umabsent ako ke Duran? Di naman niya ako mapapaligaya.hehe. Hindi rin ako nakapagpaalam ng matino sa nanay ko kung san nga ba talga ako pumunta. January 30-February 1, 2009, san nga ba ako pumunta? Anawangin cove sa Pundaquit, San Antonio, Zambales. Oha, kumpletong address. Anu ginawa ko dun? Nagtrekking ako ng almost 6hours para lang mkarating sa Anawangin beach (na pede naman 30-minute boat ride) organized by UP Mountaineers (sobrang friendly nila pramis!). bakit wala pa akong pictures? Kasi hinihintay ko pa magpost yung mga nakasama ko nun. Baka kasi hindi kapani-paniwala mga pics ko kasi wala ako halos sa mga pics. Syempre, wala naman talga ako kilala dun. Napasama lang ako. Tska sympre, yung lugar dapat kuhanan ng pics di ba, hindi ako kasi nga remembrance sa pinuntahan ko. Siguro mas masaya yung trip na yun kung me kasama talga akong barkada ko. Natutunan ko sa trip na yun: sumali sa grupo ng mga singles at wag sa grupo ng mga couples.

 

All in all masaya yung trip. Hindi ko lang napaghandaan mabuti--wala akong pagkain at toiletries--sorry na love (GL mike)! Sana makasama pa ulit ako sa mga open clim ng UPM (yun kung gusto pa nila ako makasama.haha)

Sayang wala ako masyadong pictures.=(

Ganu kaganda Anawangin? heto sample pic:

 

Sa nakalalamang babalik pa ko dun. Ganda eh.

 

Di ba ang ganda? Lalo pag sunset oh:

heto pa pic ng sunset para mapatunayang maganda

o tama na muna yan. tska na pag nakarami na ako naggrab na pics.

6 comments:

  1. Awww. Wag ka maingay ah. Di pa alam samen eh. Secret muna natin.hehe. Pero maganda nga talga. Sama ka pag punta kami ni Apung Jeng. hehe

    ReplyDelete
  2. Super layo ba? Hahaha. Tinakas ka mo?! :p

    ReplyDelete
  3. ali naman. 3hours cguro from pampanga. takas talga. ali da pa balu kekami.hehe

    ReplyDelete
  4. Wow! I can do that. Nice. Takas din ako! Haha. [:

    ReplyDelete
  5. haha. sa pagkakaalam ko bday ng lola mo nun. Tntwagan ako pero cannot be reach daw sabi ng nanay ko.haha

    ReplyDelete