Walang Basagan ng Trip

Walang Basagan ng Trip

Wednesday, April 29, 2009

ANG BULAKLAK NG BINONDO

3 weeks na mula nang magsimula ang sumer class sa P.I. 100. 3 weeks ko na rin siyang sinusulyap-sulyapan.

Hindi talaga ako marunong lumapit. Mahina ako sa introductions. Kung kasinggaling ko lang sana si Rizal pagdating sa mga babae, sana nalalapitan ko na siya ngayon. Crush ko na si Bb. Li mula pa nung magtanung siya sa akin kung anu section namin. At mula nun di ko na siya nakausap pa.

Mabilis lang ang summer class. 5 weeks lang. Kelangan ko na gumalaw bago man lang matapos ang summer at hindi ko na siya makikita.

Malaking bagay ang timing sa magaling na diskarte. Nakita ko siyang nag-iisa kanina habang hinihintay ang klase namin. At siyempre, para-paraan yan:
"San yung class natin?"
"Di ko lam eh. Baka sa CAL AVR o kaya sa dati."
*minsan kelangan magpanggap na mangmang para makadiskarte*
"Ahm, alam mo ba kung ano gagawan ng paper?"
(Tinuro sa table of contents) "ito ata."
"Ah.. per topic ba o as a whole?"
"Di ko lam eh. Pero gagawin ko per topic, tapos summary na rin ng lahat."
"Ah. Salamat...... Nu nga pala name mo?"
"Pam."
"Ah. Alex.=)" (sabay abot ng kamay)
*medyo wrong tyming pag-abot ng kamay kasi me hawak siyang panyo. Daliri lang tuloy nahawakan ko buset.*
"Ano course mo?"
"BAA."
"huwaaw.."
"ikaw?"
"Business economics."
"Ah, BE.."

sabi ko sa sarili ko, pag sumama siya sa field trip popormahan ko na.
"Sama ka sa field trip?"
"Di eh."
"Bakit naman?? Sayang naman.." (with a gumuho-ang-mundo face)
"Overnight kasi eh. Di ako papayagan. Baka gagawa na lang ako ng paper."
"San ka ba nakatira?"
"Binondo."
"Ah oo nga pla, chinese ka.hehe"
di siya sumagot. tinignan lang niya ko.

Mali ata diskarte ko?



6 comments: