Walang Basagan ng Trip

Walang Basagan ng Trip

Saturday, June 27, 2009

TREE TOP ADVENTURE




June 23, 2009. Subic City.

Sarap talaga ng me kamag-anak na balikbayan. pane libut amo.haha

Saturday, June 20, 2009

LET LEXIE FULFILL YOUR FANTASIES


with red bandana pa talga.. hayden?!

Try naman natin katawan ni Dingdong Dantes.hehe. Galing mo talaga jeni! Da best! benta sa nanay ko.haha

Tuesday, June 16, 2009

DON'T SAY BAD WORDS PLEASE!!!

Nagstart na ang pasukan nina. 1st day of school. 4th year na nga ako (siyempre, pati standing). Parang kelan lang 1st year pa lang ako. Natatandaan ko pa nga, 1st subject ko, P.E, late na ko buong subject. Am bilis ng panahon ano? Parang kelan lang naggraduate ako ng highschool.

It may sound a cliche, but time really flies so fast. Kanina, nalaman kong pumasa na ako sa removals ko sa Econ121. Regular standing na nga ko. Tamang-tama lang subjects ko ngayon. Graduating standing na talaga.  Wala nang dahilan pa para madelay ako. Pwera na lang kung... ay sus, dont say bad words!

Two weeks ago, ipinasa na ng pangalawa kong ate ang mahiwagang sablay na pinagpasahan pa mula sa una kong ate. Sabi niya, tutal ako na gagamit, ako na raw magtatago since ilang months na lang. Kanina naman, ka-chat ko yung panganay namin. Sabi niya di na raw siya uuwi ng sembreak this year. Sa graduation ko na raw sa April 2010! Kagabi naman, tumawag tatay ko. Magreretire na raw pagkagraduate ko, nxt year!

Juice ku po, di kaya ma-jinx graduation ko neto dahil sa mga to?! Di kaya mabati ako?! 2 sems away pa ko eh. Baka madisgrasya pa ko. Putek, wag naman sana..


Friday, June 12, 2009

DOWN THE ROOTS UP IN THE MOUNTAINS




June 10-12, 2009. From Manaoag to Binmaley to Baguio City.

7years na nung last sila umuwi dito sa Pinas. Kaya yun, nag-aya gumala bago man lang pasukan since napostponed ang start of classes. Salamat sa A(H1N1) virus.

After magdasal sa Manaoag, pumunta sa mga kamag-anak namin sa Binmaley, Pangasinan. After maglunch, dumiretso na sa Baguio.

Monday, June 8, 2009

TANTANAN NIYO NA AKO PLEAAAAASSSEE!!!!!

Sinundo namin ang lola, tito at pinsan ko nun gabi ng sabado. After 7 years namin di pagkikita, heto ang bati samin ng lola ko: "ot mengatsura cau?!" hindi ko rin maintindihan bat sa dami niyang pedeng makita, mga tigyawat ko pa una niyang napansin: "bat an dami mong tigyawat? parang pinagkukurot pisngi mo ah." Tawanan naman lahat. Ginatungan pa ng tito ko. "Oo nga, no ba nangyari jan sa mukha mo?" Ang nasabi ko na lang, "Ah, eh, ito po kasi uso sa Angeles ngayon."

Tuwang-tuwa naman ate kong malambing. Sabi niya, "Ang face mo kasi ay parang inbox... No space for new tigyawat!"

Malamang, kung andito rin ang isa ko pang ate, sasabihin niyang nahulugan lang daw ng langka ang face ko.

Ang sabi naman ng nanay ko, ewan daw niya bat nagkaganun, pinaglihi naman daw niya ko sa singkamas. Sabi ko, "Nay, sana naman binalatan mo muna ang singkamas bago mo pinaglihian.." with a bakit-ang-saklap-ng-buhay face.

Juice ku po, bakit naman kasi sa dinami-dami ng lugar, sa mukha pa trip pumwesto ng tigyawat. Pede naman kasi sa likod, o kaya sa binti, o kaya singit (ay wag naman, masakit siguro yun). Sana dun na lang kasi sa hindi nakikita nang di masira ang kagandahan at kagwapuhan ng mukha.

Naaalala ko tuloy nung high school, sabi nung friend ko, pag daw dinidiscribe ako, ganito: "ah, si alex, yung maraming tigyawat?", "si alex, yung tigyawatin?" Takte, ginawa pang trademark yung pagiging tigyawatin ko.

Madalas, pinapalubag ko na lang aking kalooban.  Sinasabi ko na lang sa sarili ko na partida lang yan mga tigyawat. Di rin maganda ang sobrang gwapo. Nobody is perrpek.

Minsan naisip ko, kung sigurong binibilang ang pogi points sa dami ng tigyawat, packingsheet, siguro artista na ako ngayon...


Thursday, June 4, 2009

Wednesday, June 3, 2009

Monday, June 1, 2009

BABY LET'S CRUISE




Nung minsan mahiram ko sasakyan namin, sinubukan kong magsctex. Maganda raw kasi dun. Yun lang, mag-isa lang ako.

Maganda nga yung pagkakahiwa sa bundok para maggive way sa way. (huh?!) napakaliit lang ng tao pero napakalawak ng imahinasyon. utak nga naman niya, ang laki ng nagagawa.

Sana lang eh, maging beneficial talaga itong hiway na ito at masulit ang ginastos sa pagpapagawa nito. Konti pa lang kasi dumadaan. Pero malay natin, someday.

ROSES ARE RED. KAMATIS ARE GREEN




Heto ang mga tanim kong cherry tomatoes, mula nung umusbong na sila hanggang lumaki. 2month old na sila. kaso di pa rin namumunga at baka masira ng ulan.

SHOW MY LOVE TO YOU

Galing na nman ako ng Dad's kanina sa Megamall. Bale, 3rd time ko na magmerienda buffet dun. Sulit talaga (para sa akin) yung buffet dun. Isipin mo, nun 1st time ko, naka-36 akong siomai. Tas nun 2nd time ko, ako lang mag-isa kumain, naka-42 siomais. Take note, di lang puro siomai yun. Me pasta pa at cake. Kanina, di ko na pinilit pa. Nakauumay na rin kasi. Naka-20+ lang ako. Trip ko kasi yung cake kaya yun naman tinira ko. Grabe, 139php lang yung buffet dun. Kung 5php na lang cost ng bawat siomai, 5php x 42siomai, edi 210php? bukod pa yung carbonara, palabok, spaghetti, dinuguan, at cake na kinain ko habang naghihintay sa mga siomai. Sulit talaga ano?

Naisip ko lang, matakaw ba ko?