Walang Basagan ng Trip

Walang Basagan ng Trip

Sunday, September 28, 2008

ALWAYS BE MY BABY (NOT THE SONG!)

There are times in life, when everything screwed up, when everything isn't alright, there would be these unexpected touching moments to give you a reason to smile. These unexpected touching moments will remind you that it isn't the end of the world for you.

One time, I really had a bad day. It was a lonely one because the world seemed to be against me. After my last class, I had to talk to my teacher. Everybody is gone and I thought I would be alone for the rest of day. As I walked along the hall, someone stood in front of me smiling. "Bakit napakatagal mo?" tanong niya. at nginitian ko lang siya. Someone waited for me! It touched me so much. Hindi lang simpleng paghihintay ang ginawa niya para sakin. Sa sama ng araw mo, talagang maaappreciate mo iyon. It was and is still something special for me. Why? Because:

1. Hindi lahat hihintayin ka.

2. Hindi lahat magtitiyagang hintayin ka. (iba yun sa no.1)

3. Hindi lahat makakapaghintay ng walang kasamang maghihintay.

4. Hindi lahat hihintayin ka kahit di mo sinabing hintayin ka.

5. Hindi lahat magtitiyagang hintayin ka ng walang kasamang maghihintay kahit di mo sinabing hintayin ka kung hindi ka pinapahalagahan.

6. Hindi lahat kaya kang hintayin kahit minsan mo na silang iniwan.

My baby waited for me. It really made me smile. But I felt some guilt. After ng ginawa ko sa kanya, anjan pa rin siya para sa akin. We were happy then. the two of us. Enjoy naman namin company ng isa't isa. Kaso naghanap ako ng iba. Hindi siya ang nawala. Ako ang nawala. I left you baby. I left my baby alone. Hindi naman totally nawala. Anjan pa rin naman siya. Pero magkaiba na ngayon. Hindi na rin gaya ng dati. Iniwan ko siya sa ere. Ganun na nga siguro matatawag yun. Am sorry iniwan kita. Am sorry pinagpalit kita. I put so much eggs for that one basket and I forgot that I have a lot of baskets to fill. I forgot to save eggs for you. Nagkamali ako at di ka naisaalang-alang sa pagtaya ko. Am really sorry baby. Thank you baby for not leaving me despite what I did. Thank you baby for smiling at me inspite of all.

People say they want someone who will be there every moment of their life. Yung laging anjan para sa kanila, sa tabi nila. You were not that someone to me. Hindi ka naging anjan lagi sa tabi ko. You proved me something. I don't need someone like that. Hindi ko kelangan ng taong laging nasa tabi ko, kundi ng taong kahit iniwan ko, may babalikan pa rin ako kung san ko man siya iniwan kahit saan man ako magpunta. Kagaya mo baby. You proved me your understanding. You accepted me again as if nothing happened---without asking why, without asking where I have been, without asking how could I. I know baby it's late, but I guess it's not yet too late para makabawi naman ako sayo baby. Thank you for your understanding. I know it's awkward to say, but I love you baby.hehe.

You will always be my baby.Ű

 

 

**Life never fails to surprise. It has a lot of ways of surprising. That makes the life really beautiful.

Yugto - Rico Blanco

Saturday, September 27, 2008

CONFUSEDcius' thoughts

Well, actually, I'm not in the mood right now. Because there are these things that disappoint me a lot. It's again the feeling of being stigmatized. It irritates me so much. Do you know the feeling of you-against-the world setup? It sucks. No one deserves that feeling. You can talk to no one and all you can do is suppress your feelings. Your only outlet would be your blog. Ito lang ang mapagbubuhusan mo ng sama ng loob. In this entry of mine, I just want to share what I've realized this day to my friends, colleagues, and my ever supportive critics. Sila naman mga suki ng mga blogs ko eh. Kahit nga mga walang multiply account nararating ng mga ito. So heto na mga maisshare ko:

1. Maturity does not always go with the age.

2. Ang dalawang tenga ay nilagay sa magkabilang panig ng ulo, reminding us that we should hear both sides first before talking.

3. Ang bibig ay nasa harap ng ating mukha, reminding us also na hindi pagiging tao ang pagsasalita ng patalikod.

4. Ang mga taas noo't nakatingala ang siyang mga karaniwang nadadapa.

5. Ang sabi-sabi ay parang ipo-ipo. Madaling matangay ang mga mababaw ang kapit ng utak.

6. Ang paghingi sa isang tao na wag siyang maging makasarili at isipin ka at isaalang-alang ka, hindi ba pagiging makasarili din iyon?

7. Ang ibon, habang lalong hinihigpitan, lalong nagpupumiglas. Ang toro, habang pinipigilan, lalong nagwawala.

8. Mga bata lang mahilig magkampi-kampihan.

I just publish my thoughts via blog. It's up to the reader to interpret it. I did not ask you to read my blog anyway.  

Friday, September 26, 2008

THE STORY BEHIND THE HUGENESS OF THE BUNGANGA NG CAVE

There's no place like home. That's all I can say. Mabigat an katawan umalis ng bahay pag lunes. Lalo kung linggo ng hapon pag may exam sa lunes. ganyan ang buhay peyups. lalo sa mga kagaya ko na nabobored este nagboboard. Pag friday naman, di ako makapaghintay ng sabado. uwian na pag sabado and it excites me because makikita ko na nman family ko. Panu ba naman eh, wikends lang kayo magkikita kaya mamimiss mo talaga kulitan. Hindi ko talaga maipagpapalit ang mga kalokohan namin mag-anak.

Natural na sa amin ang mang-okray at mag-asaran. dry humor ba. Kagaya na lang ng eksenang ito (ewan ko lang kung matatawa kayo, pero natawa ako eh. sabagay, may kultura din kasi na kami lang magpapamilya nagkakaintindihan). Habang nanonood kami ng T.V., di ko napigilan mangulangot. Dry kasi yung kulangot kaya masarap kalkalin at bilugin.hehe. Ginamit kong panungkit ng kulangot ko ang aking thumb at index finger (or pointing finger, tama ba?). Habang tumitirik ang mga mata ko sa ligaya sa pangungulangot, napansin kong pinagmamadan ako ng ate ko. Nun tumingin ako sa kanya, ang sabi niya, "NO WONDER GANYAN KALALAKI BUTAS NG ILONG MO. KASINGLAKI NA NG MGA KWEBA SA PALAWAN." natigilan ako at natawa kame lahat.hahaha. Ginatungan pa ng isa kong ate, "LUMAYO KA NA SA KANYA BAKA MASINGHOT KA PA NYA SA LAKI NG BUTAS NG ILONG NYA." at naconscious na ko bigla. Sabay pahid ng nabilog na kulangot sa puti naming cabinet. hehehe.

 

To give you a clue, the circumference of each finger are the following:

Index finger,  

 

Thumb,

 

hehehe. La lang gusto ko lang ishare mga moments namin sa bahay.hehe.    (yan naman ang average circumference ng nabibilog kong kulangot. Joke! hahaha)

 

Monday, September 22, 2008

OFTEN FUNNY (nga ba?), BUT SOMETIMES SENTIMENTAL

I've been sentimental this weekend. Maybe because of some of the comments I received on my previous entry. Plus the pressure on acads. For this entry, I will share you what I've learned which I guess everybody knows but not yet have learned.hehe. So, heto na:

1. Nobody is perfect. Even you practice a lot. Maybe close to perfect, pero may flaws pa rin. That should remind us that no one has the right to judge one's worth. (siguro nareceived mo na to sa text.hehe)

2. In relation to the first one, do not talk when you are not sure what you are talking about. huwag nang magmarunong tol. Lalo't hindi mo alam ang nangyayari.

3. In this life, you have to have strong stomach. because there will always be these people who will stab you back and front, side by side, up and down. They are your torns in your throat, este road to success. They are part of your challenges in layp.

4. When it comes to decision making, it is only yorselp you could rely on. Yes there are other people who have more experiences in life, but your situation is different from theirs. Promise, totoo yan. Pwedeng may similarites kayo ng pinagdaan nila at pinagdaanan mo, pero magkaiba ng oras, ng mga tao, at lalo ng emotions ang mga situations nyo. You could consider their pieces of advice, pero hanggang CONSIDER lang ksi pwedeng tama sila para sa kanila, pero hindi applicable sa sitwasyion mo.

5. Do not get affected with what others say about you. Let them criticize you. I know it is hard, as hard as my junjun, but this thought could free us from sadness. Hayaan mo lang sila okrayin ginawa mo. They are not the ones in your shoes. Malay ba nila sa sitwasyong andun ka. They would never know your story as much as you do. They would never know every detail of the story. They would never understand your feelings. Tas magkaiba pa kayo mag-isip. So bakit ka magpapa-apekto sa sinasabi nila? Kaligayahan mo nakasalalay eh. Kaw lang nakakaalam ng kaligayahan mo. Bakit, sila ba magpapaligaya sayo?

6. Not all people can understand you. That's a fact baby. Hayaan mo lang ang ibang tao na mainis sa ginagawa mo. Hayaan mo silang mgka-wrinkles sa pagkainis sayo. Problema na nila yun. You do not have to explain evrything. Your friends do not need explanations. Your enemies won't believe you anyway.

7. When it comes to decision making, if you're really confused on what to do, take it easy. This may sound selfish, but do not think what others want. Think of what you want first.

8. Not so contrary to 5, 6 and 7, consider others feelings before you decide on something. hehe. What am trying to say is be sensitive pa rin sa iba. Okay, kunwari alam mo na gusto. then ask yourself, kung makakaapekto ba to sa iba. Tas tignan mo, kaya mo ba makipagkompromiso. It's up to you now to decide kung san ka mas liligaya. Does it make sense?

9. Moving on is not about forgetting the feelings for the person, but it is accepting the fact he/she was once yours, and now is no longer yours. Just be thankful of the memories you had, that once he/she made you happy, and he/she became a part of your life. just be thankful na kahit papano eh pinakilig ka niya.

10. Love will never be fair. Why? Because there are no rules, law, policies when it comes to love. right? So huwag ka magalit sa taong mahal mo kung may ginawa siya na unacceptable para sayo. Besides, one thing could be morally acceptable to someone, but not for an another person. Iba-iba naman tayo ng values eh. Plus, kaya rin may tinatawag tayo na unconditional love. You love that person but you do not ask that person to love you back. Edi kung nireciprocate niya, edi thank you. Kung di naman, okay lang din. You cannot force someone to love you back. After all, he/she did not force you to love him/her. It is your choice. It is his/her choice too.

11. Nothing is permanent in this world. All are temporary. There's no such thing as eternity and forever. These words are just exaggerations. You can hold on to anything, but do not hold on to it to the extent you cannot afford to let it go.

12. Life continues to go on. hayaan mo na ang mga nawala. Life has so much to offer. You might miss better things while you are grieving over the things that are already gone.

13. Life is so short. Make the most out of it. Sulitin kada segundo mo. Di mo alam kelan ka kukunin ni Lord.

14. It is not enough you know what and why. You have to know how.

15. Walang mali sa mundo. Pero meroong tama at mas tama.

16. Wag na hintayin na ibang tao pa mag-adjust sayo. Ikaw na mag-adjust para sa kanila.

17. Madaling araw na pala habang ginagawa ko ito.

18. At impromtu pala ito.

 

Sana ay may sense mga sinabi ko sa entry kong ito at sanay may natutunan kayo sa mga ibinahagi ko. Nawa'y pagpalain tayo ni Papa God. Amen? Amen!

Sunday, September 21, 2008

THOUGHTS FROM THE MIND, LINES FROM THE HEART

...It's always your hair locks,

that really strucks.

It's always your smile,

that freezes me for a while..

 

...It was from the start,

when you have captivated my heart.

It is for eternity,

that you stole my sanity..

 

Mind you, gawa ko talaga mga lines na yan.hehe. mahilig akong mag-group message or GM sa text ng ganito. Sweet ba o corny? kahit ano.hehe. ewan ko ba kung bakit. these were the lines na nagawa ko habang nangungulangot ako. Pedeng based sa mga naisip kong thoughts sa pagbilog ng kulangot, mga narinig kong chismis na sitwasyon ng iba na nakakarelate ako, o kaya naman eh, yung nakaraan o kasalukuyan kong nararamdaman o sitwasyong andun ako. ito ang mga naisip ko tungkol sa nararamdaman ko. In short, para sakin tlga.hehe.

 What am I trying to say? wala naman. nabanggit ko lang. sa mga nasendan ko ng mga to, maaaring maguluhan kayo kung sino sya. Ang masasabi ko lang eh, magkakaibang story yan.hehe.

"she's always at her best

wearing that lovely green shirt,

makes me think she's the fairest,

fairest among the fairest on earth.."

 

okay. I confess. for those lines, isa lang ang tintukoy ko. She has curly hair, but not so curly, wavy lang ganun. Ewan ko, pero for me, that makes her gorgeous kahit na karamihan eh gusto ng mga straight yung buhok. Siguro isang dahilan eh, bihira lang yung ganun yung buhok kagaya nung sa kanya kaya nagugustuhan ko sya. Gusto ko rin mata niya kasi expressive din gaya nung akin. Gusto ko rin lips niya, parang ang sarap halikan.hehe. Hindi naman siya sobrang ganda. Pedeng sa iba nga di siya maganda. Para sakin pa rin, maganda siya. Pero once talaga na naka-green sya na shirt, parang nagsslowmo na mundo ko. Parang wala akong magawa kundi titigan siya. Lalo siya gumaganda pag naka-green. Lalo ko siya nagugustuhan pag ganun.. 

So enough na sa physical attributes niya. She's not that beautiful physically, but there are these things (na hindi naman makikita ng lahat) she possesses that makes her beautiful (at least for me). Ika nga ni pareng Optimus Prime, there's more than meets the eye. In her case, totoo yun. She's so lovely lalo habang nagiging close kayo at nakikilala mo siya. Masungit siya sa umpisa, pero makikita mo rin yung softness niya pag nagtagal.

So what's the problem? Ewan.hehe. Ewan ko kung prublema ba yun. You know the feeling when you suppress your feelings? Yun yung prublema. hindi ko masabi na gusto ko siya. Nakakatuwa di ba. Sa dami na nang napakilig kong kababaihan eh, sa kanya pa ako natorpe.hahaha. Ewan ko kung bakit. Siguro dahil ayaw kong masira o mawala  yung pagkakaibigan namin. Yes, I chose friendship over love. Isa kasi siya sa mga unang nakilala ko nun pagpasok ko sa bagong mundo ko ngayon. Kaya napakahalaga para sakin na di siya mawala. We're special friends (siguro ako lang nag-aasume). But am not sure if the feeling is mutual. An hirap di ba?hehe. Hindi mo alam kung panu pagpipigil ang gagawin ko. Pero tingin ko, kaya lalo ko siyang nagugustuhan eh, dahil alam kong hindi ko siya makukuha.hehehe.

With addition to that choosing-friendship-over-love thing, I made the wrong moves. Nararamdaman ko rin before na special din ako sa kanya, kaya lang may niligawan akong iba. Siguro nasaktan ko rin siya nun. Kasi nafeel ko rin nun paglayo niya. haay.. sayang, nagkamali pa ko ng desisyon.

We're still friends right now. And I'm not sure if I enjoy na friends lang kami. Minsan iniisip ko na rin na itama ko na pagkakamali ko, na ligawan ko na siya. Pero tama nga ba na ligawan ko siya ngayon? But am still hoping. Am still waiting for the signs na pede ko na siya ligawan bago pa matapos ang mundong kinabibilangan namin ngayon, sa mundong siya ang una kong nakilala at siya rin ang gusto kong makasama sa pagtatapos. Hmm. Kelan kaya kita mahahagkan? Am still dreaming of that moment na I could hold your hand while we're walking, yung as in palad to palad tayo. That moment that I could hug you so tight, your face close to mine, smell your hair, and kiss your scalp and down to your forehead...

Kung papipiliin ako kung siya o ikaw, pipiliin kita. Kung mabibigyan lang ako ng pagkakataon itama ang mga pagkakamali ko, liligawan na talaga kita. Kung hahayaan at pahihintulutunan mo lang ako, ipaparamdam ko na talaga na mahal talaga kita..

 

 

 

 

Saturday, September 13, 2008

MY MEMORIZED SPEECH: HER MONTHLY VISITOR IS MY WICKED DEMON

Here’s my memorized speech for my Communication 3 course. I got a grade of flat 1.0. Memorable ang memorized speech na to kasi masasabi ko namang deserve ko ang grade ko talaga.hehe. Okay, tama na ang intro ko. Heto na, janjararan!

Classmates, have you had or still experiencing your hell day or hell week?  That day or week you experience that pasan-ko-ang-daigdig feeling? I guess we understand each other.

                Let me share you my hell week. I used to have my hell week. Used to, because I used to have a girlfriend. What’s the connection? I had my hell weeks when it was still us. And now, there’s just she, and me. =(

                I had my hell weeks regularly—regularly because she is regular. Regularly for almost every 28 days for usually seven days.  How would my hell week start? There were signs. Like, we were just happy yesterday and then suddenly, she was not in the mood the next day. You could feel her coldness, hurt by her rudeness, and find yourself asking if you had done anything wrong. When this happened, I start to feel scared. So I would confirm if it was my hell week then by asking her, “Are you okay?” She would answer me, “Meron ako eh.” And all I could react was: (demonstration). So that’s how my hell week starts.

                So what was in my hell week? Just a role playing. I play the role of a slave and she was my master, like in the Feudal times. I would be oppressed and repressed. So I just suppress my feelings.  I could not voice out my opinion. I could never be right. She was always right. So why would I talk? I would not be heard anyway.  There were even instances that she was becoming harsh and irrational (at least for me, or maybe just to me). Like one time, she was not talking to me and not even looking at me.  I got bored because I was ignored, and perhaps a little bit irritated, so I tried to calm myself by playing the rubix cube. Suddenly, she got mad at me and said, “So rubix cube na kaagaw ko sa atensyon mo ngayon?!” I was shocked. She got jealous with a rubix cube? And in the first place, she was the one ignoring me, right? There were even instances that, I could say, she was immature. One hell week, I was scheduled an appointment with my gym instructor. I asked her permission with the softest way of speaking if I could just go to gym instead of accompanying her in her way home to San Fernando. She said it was alright so I went to the gym. After my session, on my way to my dorm, I read her text message sent thirty minutes ago. She said, “So you love those dumbbells more than you love me? I hope you were happy with those dumbbells.” Yes my friends, she got jealous with dumbbells too. Couldn’t she just be happy for me because I was trying to be fit? Didn’t she want a sexy boyfriend?

But I am not complaining; of course not. I actually love my hell week. It was, actually, my chance to show her my love for her. How? When do we usually show our care to our love ones, in bad times, right? So I didn’t leave her in her “bloodiest” times. I didn’t mind her coldness and rudeness. I know she’s just not feeling well because of her period. She did not mean to be harsh to me. I should understand her. I may not understand her pain (of course I don’t experience menstruation). But she actually bears the pain with me. Could there any be sweeter than bearing others’ burden with them?  She always says sorry for her rudeness after her week-long period and thanks me for my understanding and patience. See, I get pogi points after my hell week. =D

                So boys, I have two words for you: understanding and patience. For girls, be sensitive also and learn to appreciate your boyfriend’s effort.

Comments:

“Spontaneous delivery. Good topic. It’s amusing!”

-Prof. Ana Marie Alfelor

“Nice lex!”

-Jersey

“Packingsheet, pwede na!”

-teacher Monette

“Dana, wrong grammar.”

-teacher Von

“Ang ganda. Parang copy-paste lang ah.”

-Direk Joey Reyes

Thursday, September 11, 2008

Rain isn't for loners

okay. may bagyo. at di ko alam kung gusto ko ngayon ng bagyo. I mean, the rain. I used to like rain. Bukod sa pedeng masuspende pasok, ay malamig at fresko. Di na ko naka-brip lang pag natutulog.hehe. I can use my kumot and make japorms na out of my jackets, coats, and scarves. Pants are discouraged syempre. Try mo magtampisaw sa tubig ulan ng nakapantalon at tignan ko lang kung di sumuko belt mo sa bigat ng pants mo. Am bigat pwameees!! So I wear shorts. Like, super balot sa itaas, jacket, scarves and everything tas shorts lang and beachwalk (Islander o kaya Rambbo pag mataas-taas na ang tubig). I have an umbrella and I dont like it to get wet kasi ma-effort ang magpatuyo at magtupi ng payong. In addition to that, I really like getting wet (oh, di wet na tungkol sa sex ah).  Getting wet, like, making takbo from point A to point B as if maiiwasan mo bawat patak. Ang masya dun eh, pagdating sa shaded area, magkukumparahan kayo ng kasama (o mga kasama kung marami at hindi syota/chinuchorva kasama mo) kung ganu kayo nabasa. Minsan pa nga eh, nagpapayabangan pa kung sino pinakanabasa, akala mo naman cute at japorms ang nabasa.

And that's the point of my blog. Masaya ang ulan pag may kasama ka mababasa at magtatampisaw sa tubig ulan. Di ba? Parang yung sa commercial lang ng Nescafe. Naghaharutan sa gitna ng ulan. O di ba masaya yon lalo pag yung espeysyal samwan mo kasama mo? Di alintana yung basa kasi masaya kayo. Di alintana ang lamig kasi me pede namang yumakap sayo, o makadikitan ng braso para sa mga pa-twitums lang. Lalo kung sweet talaga kayo, yung tipong ilalagay yumg nagyeyelo mong palad sa kili-kili niyang mainit-init. Masaya ang ulan pag may kasama ka, lalo kayo pinaglalapit at pinagdidikit ng lamig dulot ng ulan. You could feel the warmth and love (o sige, minsan libog) of each other despite the cold and packingsheet reyn. Isa nga sa mga istayls ko para maka-iskor eh, mas maliit ang payong mas maganda. Magsshare kame sa iisang maliit na payong. Syempre ayaw ko kuno siya mabasa kaya ilalapit ko pa siya sa sexy body ko para naman di sya mabasa gaano through the immortal na sweet na akbay. In the end, mukha lang talaga niya ang di basa.haha.

So ano namang ang para sa mga loner, sa mga nag-iisa? Syempre, kabaligtaran ng may kasama ka. Di masaya ang ulan pag walang kasama. Hassle. Minsan mararamdaman mong saksakan ka ng malas. Pakiramdam mo kasi, ikaw lang yung nabasa kahit na maraming strangers sa paligid mo ang nabasa rin. Wala kang masasabihan na nabasa ka. Wala kang mapagkumparahan. Wala ka ring maaya na mag-Nescafe (dapat isponsoran nako ng Nescafe kakabanggit sa kanya). Walang tatabi sayo para di ka malamigan. Walang yayakap sa'yo. Walang mag-oofer ng kili-kili. Walang magpaparamdam sayo na masaya ang ulan. Mararamdaman mo talaga ang pag-iisa, and worse, pangungulila pa. You could feel the coldness twice than when you have company. Coldness both from the outside and in the inside. Coldness na literal and figurative.

Why am I  saying this? I just felt it a while ago. Huhuhu.


*anybody willing to lend me HER kili-kili??

Monday, September 8, 2008

not your typical lab song baby

Love Song by 311. have you heard it? The Cure also has a version of it. LSS na ako sa kantang ito. di na kumpleto araw ko pag di ko ito napapakinggan. It's not your typical love song folks. reggae sya na mbgal. pag naririnig ko ito, talagang parang naka-high ako sa drugs, shabu,  marijuana, rugby, katol, zonrox, putok, etc.basta parang may sarili akong mundo. parang kanina lang, todo volume ko pinapakinggan sa loob ng jeep at para kong may sariling mundo. parang slowmo sa pelikula, yung nung pahigang umilag si keanu sa mga bala sa Matrix, na yung kanta lang naririnig ko kahit nagpuputakan mga kaharap ko sa jeep (sabagay, todo volume nga naman pla...pero hindi eh!). hindi ko rin maintindihan nararamdaman ko pag naririnig ko ang Love Song. hindi ko malaman kung in lab na masaya o emo. magkahalong saya ng pag-ibig, pagka-emo, at napapajebz. Kanina rin sa jeep, parang natrigger  ang libog ko habang pinapakinggan ko yung kanta. Pero narealize ko rin agad na nakadikit pala  boobs ng katabi ko sa jeep sa braso ko. Kaya pala. Hehe. Pero seriously, minsan parang na-aarouse din ako pag naririnig ko sya. Eh me pagka-careless whisper naman kasi yung lead part nya. di ko mwari kung gitara ba yun o saxophone o trumpet o pito lang..
"Whenever I'm alone with you
You make me feel like I am young again
Whenever I'm alone with you
You make me feel like I am fun again"

oh di ba? pang-DOM pa ata yung kanta. Para kasing pde rin ito sayawin ng poll dancer eh.
yung tipong patay-sindi ilaw, may usok epek, at pasplit-split pa. (if you know what i mean, and if you have been there)
basta, mahirap din explain eh. try nyo nlng pakinggan at bka malibugan pa kayo.

once again, love song by 311.

not your typical lab song baby

Love Song by 311. have you heard it? The Cure also has a version of it. LSS na ako sa kantang ito. di na kumpleto araw ko pag di ko ito napapakinggan. It's not your typical love song folks. reggae sya na mbgal. pag naririnig ko ito, talagang parang naka-high ako sa drugs, shabu,  marijuana, rugby, katol, zonrox, putok, etc.basta parang may sarili akong mundo. parang kanina lang, todo volume ko pinapakinggan sa loob ng jeep at para kong may sariling mundo. parang slowmo sa pelikula, yung nung pahigang umilag si keanu sa mga bala sa Matrix, na yung kanta lang naririnig ko kahit nagpuputakan mga kaharap ko sa jeep (sabagay, todo volume nga naman pla...pero hindi eh!). hindi ko rin maintindihan nararamdaman ko pag naririnig ko ang Love Song. hindi ko malaman kung in lab na masaya o emo. magkahalong saya ng pag-ibig, pagka-emo, at napapajebz. Kanina rin sa jeep, parang natrigger  ang libog ko habang pinapakinggan ko yung kanta. Pero narealize ko rin agad na nakadikit pala  boobs ng katabi ko sa jeep sa braso ko. Kaya pala. Hehe. Pero seriously, minsan parang na-aarouse din ako pag naririnig ko sya. Eh me pagka-careless whisper naman kasi yung lead part nya. di ko mwari kung gitara ba yun o saxophone o trumpet o pito lang..
"Whenever I'm alone with you
You make me feel like I am young again
Whenever I'm alone with you
You make me feel like I am fun again"

oh di ba? pang-DOM pa ata yung kanta. Para kasing pde rin ito sayawin ng poll dancer eh.
yung tipong patay-sindi ilaw, may usok epek, at pasplit-split pa. (if you know what i mean, and if you have been there)
basta, mahirap din explain eh. try nyo nlng pakinggan at bka malibugan pa kayo.

once again, love song by 311.

Saturday, September 6, 2008

SUPER TITI 33: ang paboritong snack ng lahat




SUPER TITI 33. heto tlga pangalan ng snack na to. heto raw ang paboritong snack ng mga matrona, virgin pa, at mga lalakeng mahilig sa kapwa lalake.

when batjay learned the truth about Santa Claus

BATJAY: ma, totoo pa ba si Santa Claus?
MAMA NI BATJAY: syempre naman anak!

BATJAY: di ba tiga-North Pole si Santa Claus?
MAMA NIYA: oo naman anak!

BATJAY: eh bakit puro "MADE IN THE PHILIPPINES" mga laruan niligay niya sa medyas ko?
MAMA NIYA: ah, eh, anak, bibingka oh. kain ka.


*yees, ber months na. mlapit na pasko. favorite season ko. yihi!