Walang Basagan ng Trip

Walang Basagan ng Trip

Thursday, September 11, 2008

Rain isn't for loners

okay. may bagyo. at di ko alam kung gusto ko ngayon ng bagyo. I mean, the rain. I used to like rain. Bukod sa pedeng masuspende pasok, ay malamig at fresko. Di na ko naka-brip lang pag natutulog.hehe. I can use my kumot and make japorms na out of my jackets, coats, and scarves. Pants are discouraged syempre. Try mo magtampisaw sa tubig ulan ng nakapantalon at tignan ko lang kung di sumuko belt mo sa bigat ng pants mo. Am bigat pwameees!! So I wear shorts. Like, super balot sa itaas, jacket, scarves and everything tas shorts lang and beachwalk (Islander o kaya Rambbo pag mataas-taas na ang tubig). I have an umbrella and I dont like it to get wet kasi ma-effort ang magpatuyo at magtupi ng payong. In addition to that, I really like getting wet (oh, di wet na tungkol sa sex ah).  Getting wet, like, making takbo from point A to point B as if maiiwasan mo bawat patak. Ang masya dun eh, pagdating sa shaded area, magkukumparahan kayo ng kasama (o mga kasama kung marami at hindi syota/chinuchorva kasama mo) kung ganu kayo nabasa. Minsan pa nga eh, nagpapayabangan pa kung sino pinakanabasa, akala mo naman cute at japorms ang nabasa.

And that's the point of my blog. Masaya ang ulan pag may kasama ka mababasa at magtatampisaw sa tubig ulan. Di ba? Parang yung sa commercial lang ng Nescafe. Naghaharutan sa gitna ng ulan. O di ba masaya yon lalo pag yung espeysyal samwan mo kasama mo? Di alintana yung basa kasi masaya kayo. Di alintana ang lamig kasi me pede namang yumakap sayo, o makadikitan ng braso para sa mga pa-twitums lang. Lalo kung sweet talaga kayo, yung tipong ilalagay yumg nagyeyelo mong palad sa kili-kili niyang mainit-init. Masaya ang ulan pag may kasama ka, lalo kayo pinaglalapit at pinagdidikit ng lamig dulot ng ulan. You could feel the warmth and love (o sige, minsan libog) of each other despite the cold and packingsheet reyn. Isa nga sa mga istayls ko para maka-iskor eh, mas maliit ang payong mas maganda. Magsshare kame sa iisang maliit na payong. Syempre ayaw ko kuno siya mabasa kaya ilalapit ko pa siya sa sexy body ko para naman di sya mabasa gaano through the immortal na sweet na akbay. In the end, mukha lang talaga niya ang di basa.haha.

So ano namang ang para sa mga loner, sa mga nag-iisa? Syempre, kabaligtaran ng may kasama ka. Di masaya ang ulan pag walang kasama. Hassle. Minsan mararamdaman mong saksakan ka ng malas. Pakiramdam mo kasi, ikaw lang yung nabasa kahit na maraming strangers sa paligid mo ang nabasa rin. Wala kang masasabihan na nabasa ka. Wala kang mapagkumparahan. Wala ka ring maaya na mag-Nescafe (dapat isponsoran nako ng Nescafe kakabanggit sa kanya). Walang tatabi sayo para di ka malamigan. Walang yayakap sa'yo. Walang mag-oofer ng kili-kili. Walang magpaparamdam sayo na masaya ang ulan. Mararamdaman mo talaga ang pag-iisa, and worse, pangungulila pa. You could feel the coldness twice than when you have company. Coldness both from the outside and in the inside. Coldness na literal and figurative.

Why am I  saying this? I just felt it a while ago. Huhuhu.


*anybody willing to lend me HER kili-kili??

4 comments:

  1. haha.kamuritan mo ne?.haha.iniwanan ka sa ere no?how sad.

    ReplyDelete
  2. haha. ayus ba? aisip ku mu yan kasi nga magdili-dili ku. ali tna kasi magsarang esem eh kya makalungkut din mumuli lately.hehe.

    ReplyDelete
  3. wa pin eh. sana pla ali ku ne senayan ing sarili ku.

    ReplyDelete