Tumawag tatay ko kanina para sabihin na me pupuntang tao sa bahay namen para ibigay yung pasalubong na ipinadala niya, pero baka sa December pa uuwi ang tatay ko. Nakakatuwa, nauna pa yung pasalubong sa taong uuwi. At heto pa, di pa siya siguradong uuwi pero yung pasalubong sure na. Medyo malakas talaga trip ng tatay ko neh?
Naalala ko bigla nung muwi ate ko last June galing US dahil sa 1 year internship nya doon. Naghabilin tita ko ng pasalubong na chocolates at damit galing States. Pero pag-uwi ng ate ko, dumiretso kami ng Duty Free para mamili ng pasalubong niyang chocolates. Sa Greenhills nga lang ata siya namili ng mga damit pampasalubong eh. Di ba ang konsepto ng pasalubong eh, mag-uwi ng anu mang produkto na galing mismo sa lugar na pinuntahan para ibigay sa mga uuwian? Kung baga souvenir o remembrance di ba? Alam kong hindi lang naman ate ko gumawa nun. Ganun naman ata gawain lahat ng mga balikbayan eh, yung mga nakamaong na jacket at Rayban shades, tas balot ng gintong necklace at bracelet. Me kilala kang ganon? Wala lang. Tingin ko kasi di na pasalubong yun nun eh. Kasi binili na rin lang dito sa Pinas, di na sa bansang pinuntahan. Panu pa masasabing remembrance yun.
Naisip kong aksyunan ang problemang ito. Dapat isumbong sa, Sumbong sumbong, kay bonggang bonggang Bongbong. Dito na kayo magsumbong. Dirrretso pa ang aksyon.
Hahaha. Corny. hehe.
No comments:
Post a Comment