Katatapos lang ng summer classes last week. Pinakamasayang summer ko na yun so far. The best. Kahit ilang weeks lang, tumatak talaga. At kahit ilang araw pa lang, namimiss ko na ang Diliman. Pero bakit ang Angeles hindi?
Parang baboy lang na binusog ng todo kasi kakatayin na kinabukasan.
Heto na't naaaninag ko na ang garote.
Walang Basagan ng Trip
Walang Basagan ng Trip
Wednesday, May 27, 2009
Thursday, May 21, 2009
WOW! MT. BANAHAW
May 16-17, 2009. From Lucban, to Dolores, to Kinabuhayan, Quezon.
Medyo kaiba to sa mga nauna kong paglilibot. Bukod sa may dala na talaga akong sariling camera, nakapagpaalam na rin ako sa nanay ko at may baon mula sa kanya.
Ito ang tinatawag na lakbay-aral sa P.I. 100 sa ilalim ni Dr. Nilo Ocampo. Ika nga niya, ginagawang excuse ang P.I. sa mga picnic at excursions.hehe. Pero kami, nasa gitna ng naglilibot at nananampalataya. Inalam namin ang paniniwala ng ilan tungkol sa kasagraduhan ng Banahaw at ang mga tinaguriang Rizalista.
Pagkatapos ng kasiyahan, pagpapakasakit naman. Baligtad ano? Parang baboy lang na binusog at kakatayin kinabukasan.
Itinuturing na sagrado ang bundok ng Banahaw. Me ritwal kaming sinunod sa pag-akyat nito. Ito ang tinatawag na pamumuwesto.Me 14 istatsyon kami pinuntahan, nagdasal sa bawat pwesto o shrine, at ginawa ang bawat ritwal. Sumuot sa masikip na kweba at nilubog an sarili sa tubig ng Santong Jacob, Pinagsiksikan ang sarili sa Husgado, nagpabinyag sa balon ni San Isidro, at ang huli, inakyat ang Kalbaryo, ang Mt. Calvary ng bundok kung saan may tatlong malaking krus din.
Masarap din ang tubig sa banahaw. kaiba ang taglay na lamig nito.
Going green and cultural. Going Wow! Philippines.
Wednesday, May 20, 2009
WOW! PAHIYAS FESTIVAL
After ilang oras na zigzag, janjararan!
May 15, 2009. Lucban, Quezon.
Heto na naman at nangati ang mga paa ng libuterong blonde. Dumayo ng Quezon para masaksihan ang Pahiyas kasama ang Team Pepito (Michael Manotoc, Jaziel Vitug, Luis Buno III, Winsome Rara, Mau Laylo, Emz, at Zara)..
Ang Pahiyas Festival ay ang paraan ng pagpapasalamat ng mga tiga-Lucban kay San Isidro Labrador para sa masaganang ani. Nilalagyan nila ng dekorasyon ang kanilang bahay ng mga totoong prutas at kiping (dahon ng cabal, asin, food color, gata ng bigas ata. Kung paano ang proseso ay hindi ko na alam). At siyempre, wala ng tatalo pa sa libreng pagkain. Nakikain ako sa mga bahay ng pancit habhab. Hindi ko alam kung ano pinagkaiba nito sa ibang pancit. Sa noodles ata. Konti lang sahog nito. Walang gaanong gulay. Dahil ata kelangan hinahabhab ito kaya naiba. Kung paano ang paghahab, nasa mga litrato namin. natikman ko rin ang Lucban longganisa. Hindi gaya ng longganisa sa Pampanga na matamis, ang Lucban longganisa ay mapaminta. Mejo spicy siya. Masarap siya. Mas gusto ko sa longganisa ng Pampanga.
Hospitable din ang mga tao dun. Biruin mo ba naman pakainin ako ng libre eh. Medyo maliit lang ang Lucban, at sa isang dako ay ang Mt. Banahaw. Di ko rin masabi kung maunlad ito o ano. Pero napakagandang lugar nito.
Going cultural. Going Wow! Philippines.
Saturday, May 9, 2009
Etikang Tagalog: Ang Ikatlong Nobela ni Rizal
Rating: | ★★★★ |
Category: | Books |
Genre: | History |
Author: | Nilo S. Ocampo |
“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay mahigit pa sa hayop at malansang isda.”
Naisip kong ibalik kay Rizal itong sinabi niya nang una kong basahin ang likod ng pabalat ng librong Etikang Tagalog: Ang ikatlong Nobela ni Rizal na salin ni Dr. Nilo S. Ocampo, ang pamosong nagsalin din ng libro ni Coates tungkol kay Rizal. Paano naman kasi, bayaning naka-overkowt, ninanais at nahahatak magbarong tagalong muli, pero hindi na siya sanay, nahiyang na sa banyagang kasuotan (Ocampo, 1997)? Sino pa itong maalam sa wika, kabisado ang ibang wikang banyaga, sa sariling wika pa nahihirapan. Siya pa man din itong nagsusulong ng nasyonalismo at pagmamahal sa sariling wika.
Sitwasyon itong kinakaharap ng mga Pilipinong nakapag-aral at dalubhasa sa usapin ng wika at pagkabansa (Ocampo, 1997). Kahit nga sa panahon ngayon, nahihirapan nang magsalita ng Tagalog ang ilan. Dahilan na rin siguro ang impluwensya ng mga dayuhang mananakop at tawag ng panahon, kagaya ngayon na isinusulong ang globalisasyon. Marahil kung ano ang Ingles ngayon sa atin ay ganoon din ang wikang Espanyol noon. Maging ang mga panlalawigang wika ay kumokonti na ang nagsasalita. Kagaya na lamang ng wikang Kapampangan sa siyudad ng San Fernando, halos Tagalog na ang salita ng mga kabataan kahit na lumaki sila roon. Inamin ito ni Rizal, na nahihirapan na siyang magsulat sa Tagalog. Ngunit gayunpaman, hindi pa rin ito makapipigil sa kanya upang ipagpatuloy ang hangarin.
Heto na naman si Rizal. Hindi pa rin tumitigil sila ng kanyang pluma. Lingid sa kaalaman ng nakararami, bukod sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo, nagtangkang magsulat ng isa pang nobela ang ating pambansang bayani. Sinubukan niyang isulat ito sa wikang Tagalog, ngunit nahirapan siyang ipahayag ng malaya ang kanyang naiisip. Itinuloy niya ito sa wikang Espanyol ngunit hindi rin natapos.
Medyo naiiba ang nobelang hindi tapos na ito ni Rizal sa naunang dalawang nobela. Masyadong pulitikal at madamdamin ang dalawa. Ngunit sa ikatlong ito, papaksain lamang ay ang mga katutubong ugaling Tagalog, mga gawi, kagandahang-asal at kasiraan ng mga Tagalog. Pero kagaya ng Noli at Fili, hindi pa rin maaalis ang impluwensya ng mga Kura. Pilipinong-Pilipino rin ang pagkakagawa ng malikhaing may-akda sa paggamit ng medyo kakatuwang approach sa mga paglalarawan. Ugaling likas na sa mga Pilipino na pagaanin ang isang mabigat na reyalidad sa nakatutuwang paraan. Inilarawan niya ang buhay ng mga Tagalog sa paraang matatawa at maaasar. Matatawa sapagkat nangyayari nga iyon; maaasar sapagkat iyon ang katotohanan. Magugustuhan ito sigurado ng mga Pilipino. Parang kinuhanan ni Rizal ng isang litrato ang buong Pilipinas sa sinulat niyang ito. Isang litrato kung saan sinasalamin kung ano at sino ang mga Pilipino noong sinulat niya iyon. Nasa babasa na lamang kung ano pananatilihin, ipo-photoshop at ieedit. Mas matinding liwanag siguro itong magmumulat at kurot na gigising sa mga Pilipino kung natapos lang ito.
Tinupad ni Dr. Nilo S. Ocampo sa pagsalin niya nito sa wikang Tagalog ang pagnanais ni Rizal na maipakita ang kaugalian at kasiraan ng mga Tagalog sa wikang maiintindihan nila―sa wikang Tagalog. Isa na itong ganap na nobelang Pilipino na tungkol sa Pilipino na para sa mga Pilipino, gawang Pilipino, at sa wikang Pilipino. Bukod pa dito, magaling ang pagkakapili sa mga salitang ginamit sapagkat naaangkop pa ito sa panahon ngayon. Napagaan, napadali at naging lubhang masaya ang pag-aaral sa buhay at akda ng ating pambansang bayani. Sinong nagsabing boring ang kursong kasaysayan?
Sanggunian:
Ocampo, Nilo S. tagasalin. Etikang Tagalog: Ang Ikatlong Nobela ni Rizal. Lungsod Quezon: Lathalaing P.L., 1997.
Sunday, May 3, 2009
LABOPMAYLAYP
Hmm. Ewan ko ba kung ano ito. Senti mode ata na parang hindi.
Nakakundisyon na sana ako gumala uleh. Pag naman ako gumala, hindi talaga ko nagpapaalam. At hindi rin nila nalalaman iyon. Maghihike na naman sana ko. Sa Batangas sana destinasyon ko sa May 9-10. Excited na pa man din ako nun April pa. Reading-ready na pa man din ako. Pero nagbago isip ko kanina. Hindi na ako tutuloy. Naalala ko kasi Mothers' Day pala sa May 10.
Kung tutuusin pwede ko naman ituloy kung gusto ko. Pero parang ayaw ko na. Mothers' Day is Sunday, and Sunday is Family Day. Ganito ako pag pamilya na usapan. Pag me lakad pamilya, yun lang talaga. Ewan, kahit pag Sunday, hirap ako makipagcommit sa ibang tao kahit na isang sabi ko lang papayagan naman ako. Nakakatuwa lang, kahit di ako ganun kaopen sa kanila, close pa rin ako sa kanila. Labo?hehe.
Hindi na ako ganun kaexpressive sa nanay ko gaya nung bata pa ako. Kinikiss ko pa kasi siya nun at niyayakap. Hindi na ko ganun ngayon. Hirap pa nga ko mag "I love you" sa kanya ngayon (pero pag sa chicks niyan, napakadali). Pero pag mga ganyang okasyon gaya ng Mother's Day, o kahit ang ordinaryong araw ng Sunday, sinisiguro kong nakareserve na sa kanya. Napapansin kaya niya pagpapahalaga kong ganun? Ewan, di ko talaga kaya iparamdan sa kanya ng buo yung love and care ko para sa kanya. Iyon nga ata ang epekto pag binubuli ka na Mama's boy nung bata ka pa.
Happy Mothers' Day to the labopmaylayp.

Friday, May 1, 2009
ANG LIBOTERONG BLONDE
Today is such a great day. I went to places I never been before.
Napagtripan namin ni Matet gumala ngayon. Birthday kasi niya bukas. Naisip niyang gawin na akong ganap na tao. Dadalhin ako sa lugar na di ko pa napupuntahan. At sa Divisoria nga kami nagkita kanina.
Pers taym ko pumunta sa Divi. Nanggaling ako Diliman at umasa na lang ako sa mga text ng mga kakilala ko kung panu pumunta doon. "Panu ko malalaman na nasa Tutuban na ko?" tanong ko. Ganito mga sagot ng mga napagtanungan ko: "Kapag nagbababaan na ang mga pasahero", Kapag Bukod sa pers taym ko makikita ang lugar, marami daw holdaper dun. Dala-dala ko pa man din ang pouch kong me lamang 1week kong damit. Kaya sobrang paranoid ako habang hinihintay ko si Matet. Nagkita kami ni Matet. Pero nag-alangan siya kung ako nga dahil daw sa shinning, shimmering hair ko.
Gumala kami sa Divi na dala-dala ko ang pouch ko ga-sako ng bigas ang laki. Dinala niya ako sa 168. Wow. Tapos sa Tutuban Center. Wow. Nilibre niya ako ng lechon kawali. Wow. Natae ako. Eew.
Sinamahan ko siya mamili ng damit. Madami siyang nabili sa halagang mga 100php na blouse, 70php na short, at ako, dumayo ng Divi para bumili ng DVD ng Fast and Furious 4. Chong, bro, dude, packingsheet, mapapamurra ka sa sobrang murra (with a conyo accent).
After niya mamili ako naman. HAH! Isang floor ng Tutuban ang sa shoes. Naghanap ako ng mabibili. Nalibot ko buong floor at narealize ko pare-pareho lang pla ang tinda. Nakahanap ako ng gusto kong design. White na sneakers na crocodile ang logo ng brand--Lowcoste. Hinanap ko ang me pinakamababang offer sa lahat ng tinawaran ko. Hmm.. Ilang hakbang kaya aabutin ng nabili kong sapatos nabili kong four thou? (joke lang. 400 lang.)
Ayun ang first time ko sa Divisoria. Umuwi kami sakay ng bus. Pumunta kami kina Jeni sa Bocaue. 1hr ata biyahe mula Divi hanggang sa kanila. Pagdating namin sa kanila, di kami agad pinapasok. Hinintay munang magising siya. Di rin namin siya masyadong nakakwentuhan kasi wala pa siya sa kanyang ulirat. Sandali lang kami doon. Umalis din kami agad. Magpapagupit muna kasi si Matet bago ako ihatid sa sakayan.
Sa tuwing luluwas ako, sa NLEX dumadaan at kalimitang aircon nasasakyan ko. Kanina, sa McArthur hiway ako dadaan hanggang makauwi. Astig. Dagdag pa rito, di aircon ang sinakyan namin. Feel na feel ko kasi pag ordinary fare. Probinsyang-probinsiya.
Pagkatapos niya magpagupit, dumaan kami sa teritoryo ni Matet. Ang brgy Tuktukan, Guiguinto. Maunlad ang brgy na ito kesa sa San Basilio. Dadaanan kasi siya ng McArthur. Sa Tabang kami bumaba ni Matet. Dito na ko sasakay ng Baliwag Transit papumtang Guagua. 630pm na nung nakasakay na ko kaya di ko na masyado nakita dinaanan ko.Sayang.
Imagine di aircon sinasakyan kong bus. Ang sarap ng pakiramdam pag dumadampi ang hangin sa aking mukha. Dumaan kami ng Malolos. Pero di ko nakita Barasoain Church. Dumaan din kami sa Calumpit. Nakatulog ata ako nung sa kalagitnaan ng Calumpit. Nalingat ako sa Apalit na kami. Nung nagising na talaga ako, nasa San Fernando exit na kami. Kung san exit kami pumasok, di ko nalaman sa kadahilanang nakatulog ako. 830pm na ako nakarating samin.
Nag-enjoy ako sa buong araw na ito. Siguro weird kasi anung point ng ginawa ko. Ewan ko rin. Pero nag-eenjoy kasi ako maglibot at malaman yung mga lugar-lugar. Kahit nasa jeep man ako o fx, tintignan ko pa rin mga signages ng mga streets. Sayang kulang lang ang oras ko na nasa Manila ako.
Obviously, gustong-gusto nakakakita ng mga bagong lugar at bagay. Kung san-san nakakarating. Ito lang ata ang sigurado ako sa sarili ko na ako nga. Gala at libotero. In short, makakati ang paa.

ANGELINA'S LOLA REVEALED!
Subscribe to:
Posts (Atom)