Walang Basagan ng Trip

Walang Basagan ng Trip

Thursday, December 25, 2008

LEXIE'S NOCHE BUENA DREAM: A PROPHECY?

After what seemed to be endless hubaran ng shorts with my two bouncing sisters that really sent me to paranoia, after we emptied two bundles of jumbo cheesedogs, after we sang at the top of our lungs with our videoke, we decided to sleep to prepare to elude the early mano-kapalit-money gang who make mano and disappear after the malutong na bill was handled to them. that's how our noche buena ended. It was pretty much like the past noche buenas, plus we had more laughters this year than the previous ones. Maybe because we did not have so much to do but make fool of one another.

What made that noche buena more different is that I had a strange dream that night. It's kinda weird but it was nice.. We were dancing when my ate checked my phone and saw that I received a video message (Me ganun na ba?lam ko voice message pa lang). What was on the video? A girl at her adolescence greeting merry xmas, while browsing pictures in a shoebox. Then she sang a song with lines "I can change the world... I can change it by my smile.. I spread peace.." (I can't remember the melody) Someone took the video for her, and she was sitting on the floor while showing her pictures on the camera, still singing those lines. But I barely recognized her face. She was wearing a violet gown, like as if it's her debut with white gloves on her hands. Then she finally glanced at the camera and to my surprise, para kaming pinagbiyak na bunga. A girl version of me, only she has a fair skin, she's skinny and has long hair.. I can't understand what that dream meant. A girl lexie singing "I can change the world.." Wow. Not bad. Are dreams created by our personal imagination? Was this my feminine side? If it was, I must be a lovely butterfly. I must be a lovely girl. Watta lovely gay of me.

Monday, December 15, 2008

PICTURE! PICTURE!




Mga Pilipino talaga ngayon ang hilig magpicture2. Kahit anu lang, kelangan me picture. Parang mga to, naospital na nga nagpicturan pa. Gagung-gagu lang.

(Dec 9-12, 2008)

DRAMA BLUES

Ilang buwan kitang hinintay. Ilang taon akong nanabik sayo. Excited pa man din akong sunduin ka bukas. Tumawag ka ngayon para sabihin na di ka na makakarating. Akala ko makikita na kita uli. gustong-gusto na pa man din kitang mayakap. Yun pala di ka na naman makakarating.. Umasa na naman ako. Nabigo na naman ako.

haay.. Malamig na naman ang pasko ko dahil wala ka na naman.

 

Saturday, December 13, 2008

WHAT NUMBER ARE YOU AT RIGHT NOW?

Masama bang sabihin ng diretso na tatae ka lang sandali? Teka, sino nga ba hindi tumatae? Sabi ni Nene (Andrei), unethical daw sabihin ng diretso na tatae ka sandali.

Ok, so pano mo sasabihin na gusto mo magdedeposito sa banco de inidoro in an ethical way?

Me numbering pala yun sabi ni nene. Para ka lang pala makikipagusap sa operator sa telepono. Number 1 para sa wiwi. At number 2 naman para sa pupu (o hyan, di na tae sinabi ko kasi nga unethical daw yun).

Ngayon ko lang nalaman na me numbering pala ang call of nature. Sabi ni nene, matagal na daw yun. Ba't di ko alam? Ibig bang sabihin unethical ako? Ba't ngayon ko lang narinig iyon? Ibig sabihin unethical din mga nakakasama ko? Taeng tae yan.

Salamat nga pala sa ibinahagi mong trivia drei. Ge, number 2 muna ko sandali.

Friday, December 12, 2008

YOU CURED ME BUT YOU TRANSFERRED THE PAIN TO MY PURSE

From Dec 9-12, nakitulog ako sa Makabali. Mga natutunan ko sa ospital:

1. Kelangan pasensyoso at friendly ka pag nurse ka.

2. Masarap ang buhay sa ospital. Pero mas masarap kung may beer.

3. Masayang mag-ghost hunting pag 12midnyt.

4. Bawal magcarolling sa ibang kwarto.

5. Pag nagrent ng kwarto, libre na tv na me cable, mesa, ref, toilet, sofa, at kama. Pero me additional na bayad kung gusto mo ng unan at remote.

6. Pahihirapan nila kung sino man magtatangkang gumamit ng Philhealth.

7. Masarap ang kaning lugaw.

8. 7am ang breakfast, 12nn ang lunch (para sakto daw habang nanonood ng Wowowee), 6pm ang dinner.

9. Kelangan magtally-han sa gamot at dextrose na binibigay nila kasi gugulatin ka nila pag billing na.

10. Bobo sila sa accounting.

11. Almost 50% ang markup ng pharmacy nila sa gamot.

12. Mas mura magpaconfine sa motel.

13. Sana may discount card sila sa mga suki o madalas maconfine dun.

14. Naninira ng tulog ang mga nurse.

15. Hihintayin ka munang makatulog ng mga nurse bago kuhanan ng BP at temp para gisingin ka.

16. Para kang na-wax pag biglang tinanggal ang plaster ng dextrose mo. Kaya magandang ipaplaster na buong kamay para pantay-pantay ang balahibo mo sa kamay.

17. Panggabi ang mga sexy at magagandang nurse.

18. Halos bading ang mga poging nurse.

19. Nahohold-up ang mga lumalabas ng ospital.

20. Butas ang bulsa ng mga galing ospital.

21. Mag-ingat na lang para wag magkasakit. Nakakamatay maospital.



Saturday, December 6, 2008

NEW HAIRCUT. SA TAGALOG, GAGONG GUPIT


alex batac

Dahil December na, at malapit na ang pasko, nagpagupit ako.

KRIS KRINGLE 171




Mga natanggap ko sa kris kringle namen sa BM171. Napakasayang klase grabe.hehe. Akalain mo, npalabas nila kong pera sa tipid kong ito. 30 lang minimum pero umabot ng 70+ at 60+ mga nabigay ko.. Pero masaya naman. So far, eto yung pinakamasayang block na nkasama ko sa isang klase.hehe

Sunday, November 30, 2008

LOVE ME OR HATE ME, BUT DON'T LIE TO ME

I'm in a state of confusion right now. Whether to confess every mischief, or keep every secret a secret is my problem right now. Must I reveal everything or just bury everything six feet under?

Truth will set us free, ika nga. I know, mumultuhin din ako pagdating ng panahon ng mga katarantaduhan kong pilit kong ibabaon ngayon. Kung sasabihin ko man sa kanya ngayon lahat ng katarantaduhan ko, at least di na siya mabibigla kung me mahalungkat o magmulto in the future. Confession will leave me no worries that something may leak in the future. At least alam na niya at sa akin na mismo nanggaling.

Pero what if lalo niya ako kamuhian dahil sa confessions ko? Kasi di ko sinabi yun nun pa. Panu kung mawala na siyang tuluyan? I lost that person once. I cannot afford to lose that person again. Kahit ako, ayoko na rin nman balikan yung mga kalokohan ko noon. What if di na niya ako matanggap? At baka lalo lang kame masisira dahil lang sa mga yun.. ika nga ni Michael Scofield, "The less you know, the better." Mas maganda nga kayang wala na lang siyang alam?

Haay... ang hirap talga pag nagbabagong buhay na. Hinihila ka pa rin ng kahapon.

Will the truth set us free or the less that person knows, the better?

 
Baby Come Back - Player

I WANNA GROW OLD WITH YOU

Habang nagdidinner kami kanina, naging emo na naman ang nanay ko:

(Tagalized again, Kapampangan talaga)

Nanay Lydia: Mga anak, pagtanda ko, alagaan niyo ako ha?

Catya: Oo, basta wag lang matigas ang ulo mo tsaka bawal ang makulet.


**Catya is my older sister.



Isang eksena sa buhay pamilya brought to you by Coke. "Buhay Coke, buksan mo."

LEXIE'S NOTABLE NOTE 3

Before identifying yourself with others or with a group, you must identify yourself--who you are--first.

Sunday, November 23, 2008

MY FAVORITE FAMILY PICTURE




Wala lang. nakalimutan ko ilagay itong most favorite family pic ko eh.hehe. Masasalamin dito ang kasweetan namin, pagmamahalan at respeto.haha

LEXIE MEETS OLD LEXIE AGAIN

Start:     Dec 16, '08 12:00p
End:     Jan 5, '09
Location:     NAIA, LEXIE'S MANSION. HAHA
LEXIE MEETS OLD LEXIE AGAIN.. AFTER ALREADY MORE THAN A YEAR

Saturday, November 22, 2008

HAINAKU (LEXIE'S VERSION OF HAIKU)

 

Kung sa'n-sa'n na inanod ng alon,

  ngunit bumabalik pa rin sa ating kahapon.

Kung sa'n-sa'n ng hangin ay inilipad,

  ngunit ikaw pa rin ang siyang hinahangad..

Kung sinu-sino na ang aking nakilala,

  ngunit pangungulila sayo'y di pa rin mapagkakaila..

 

 

**It's just an hainaku. nothing more. hehe

Thursday, November 20, 2008

NINANG LYDIA




Binyag nun pinsan ko eh. nakalimutan ko pangalan. basta lam ko ninang nanay ko at masarap yung orange chicken at relyenong hipon ata yun. yung binyag, all in all, masarap yung pagkain.hehe

Sunday, November 16, 2008

LEXIE'S NOTABLE NOTE 2

Three things in life that once gone, will never be back or cannot be recovered:

1. Time

2. Words

3. Opportunity

LEXIE'S NOTABLE NOTE 1

one of life's ironies: It is when you are at your worst, you see the best people.


Monday, November 10, 2008

semBEEReak is over!!! =(

It's now 2:35pm, Monday, Nov 10,2008. Tomorrow, my 2nd sem for my 3rd year in college is going to start for real. My sembreak will end.. officially.

Hmm. What happened this sembreak? Let me just review.

When did my sembreak officially started? After my last exam on Oct 20. And what day is it now? Nov 10. Sembreak's last day. Whoa, I just had 3weeks for my sembreak.

3 weeks to rest from school pressures.

So what were the highlights of my sembreak?

Oct 24-25. Overnyt. Jebong's house. Of course, the Pimpz, Dao, Tsugi, and Papat. We rented a private pool. (hekshuli, wala lang talgang tao.haha) Tas syempre, mawawalan ba naman ng inuman? What we love about Jebong's house is that it houses a lot of beverages.hehe. Me tindahan kasi sila kaya case talga ang binibilang pag inuman. In addition to that, we have the luxury to get every happy horse in evry case. Oh di ba? Kung ilang case ng pinagsama-samang happy horse ang ininom namin ay di ko na alam.hehe. Me sasarap pa ba, kapag ganito ang sitwasyon: Oh, ubos na ang beer? No problemo! Kuha ka lang sa ibaba. Gabundok na cases pa ng alak pa ang andyan.hehe.

Oct 30-31. Popung's house. Genesis' semender. Overnyt din. Kelangan magbayad ng 150php para sa food. 10am sa Jollibee Guagua ang meeting. Here was our plan for that day: punta ng 5pm para mkaiwas sa bayaran.hehe. At ganun nga nangyari. Yun lang, madami na pla umuwi pagdating namin. Pero ok lang. Me natira pa naman.hehe. Videoke magdamag. At syempre, inuman. But no more gabundok na cases ng beer this time. Only Generoso and Velocity (Gin+Gatorade+Sprite) ang titirahin. Haay.. No better friends than highschool friends talaga.

Nov. 2. One on one. Stallion.haha.

Nov 7. With Stiffler. Camalig. Dana, 995 ang bill! Pero dami chicks in fairness.haha.

Huwaw, watta sembreak. Break talaga xa. It was lovely and sweet. Just found love. Gusto ko tuloy uleh bumalik sa hayskul.hehe. Sayang lang, bitin.hehe.

Alumni Homecoming - Parokya ni Edgar

Sunday, November 9, 2008

FROM SAUDI WITH LOVE




Wala lang.hehe. Natawa lang ako kasi ganito yung usually pose nun mga OFW sa Saudi na nagpapadala ng pics nila dito sa Pinas di ba?hehe. Kulang nlng maong na jacket, Rayban shades, tska gintong necklace at bracelet.hehe

Saturday, November 8, 2008

LAKING BEERBRAND AKO (KASI)

I just got officially enrolled last Friday, Nov 7, 2008. I just got my class cards too. You know what greeted me first? A 5. Yes, singko. My world had just shattered--pangarap, amibsyon, hinaharap, yung talyer ko, pamilya ko, kotse ko, at stable na raket, guho lahat. Di kaagad nag-sink in yung grade kong iyon. And you know what made it worse? The next grade I saw was 4. Damn, that everything-just-shattered feeling was irrigated. Oh, I found myself thinkin, and pictures of me driving a pampasaherong jeeney, pushing a kariton, yelling bakal bote, just popped up. I know I'm overreacting. Sorry naman. It's my first time, in my entire life, to fail a subject. And, kung kelan pa patapos na ko. Haay.. Ang masaklap lang kasi, ako lang ata di makakakuha ng econ131 dahil sa 5 math101 ko. Sana di na ko nagmatigas. Sana nag-Adorio na lang tlga ako.=(

(Buti na lang ang sumunod na grade ay tres. Positivism. 'Ah,buti na lang me progression. Pataas. ok lang yun. Wala lang yung singko. Di ikaw ang unang nakasingko.' Buti nga singko ka pa. Taas na yun para sa effort mo dun sa subject.)

1pm. Pmunta ako ng SM Clark. Kelangan mag-isip. Kelangan ko na magbago. Seryosohin na (ilang beses ko na sinabi, pero wala pa rin,sana this time) talaga this sem. Acads mode na talaga. No more petiks. No more happy-go-lucky lexie. No more tipsy nights. You cannot afford to fail again. You cannot afford one more year. You cannot afford TO EXTEND.

I got to change my attitude. Seryoso na talga. Know my priorities. Sumama ka muna sa mga palaaral. Sa mga nagbubukas talaga ng libro. Sa hindi muna alam ang konsepto ng tagay. Sa ngayon, kelangan ko muna ng makakausap. Taong matutulungan ako. Sino kaya? Hmm. Kinuha ko cellphone ko. Browse sa phonebook. Aha! Lusung.

At tinext ko nga si Stiffmeister Stiffler Lusung. tinext ko: tol, pde ba tau magkita? Dana, bumagsak ako. Kita naman tayo oh. Gusto ko na magbagong buhay. Magtitino na ko. Need advice. Nagreply xa. "ok, kitakits na lang sa Camalig."

Maaasahan talga si Stiffler. Pero dana, bakit sa Camalig pa?!

At nagkita na nga kame. But he was not alone. He was with that brown bottle filled with bubbly yellow liquid, seducing me with its moist falling down from its lips slowly to the table. Tas dumating pa ang umuusok na sizzling sisig. Gawdemet! wala ako nagawa kundi umupo at batiin ang kabayo.

Pinuno niya ang dalawang baso. "Ok, isang tagay para sa pagbabago! Nice lex!hehe." 

Inistreyt ko ang isang baso. Isang kutsara ng sisig. Buhos uleh sa baso.

Tama nga ba ang taong tinext ko?

 

 

**Title concept was taken from lhabzyah's comment (I don't know her personally)

 

 

Doon Lang - Nonoy Zuñega

Yellow

Start:     Nov 8, '08 6:00p
End:     Nov 8, '08 6:00p
The sweetest goodbye kiss I have ever received.=)

Thursday, November 6, 2008

IS THERE ANY GADGET THAT COULD TRANSFER HUGS?

My dad and I are oceans apart. As in no mode of transpo except airplane can make us hug each other. We seldom meet each other, as in 2-3 weeks a year lang? He does not even call often. Good thing there's YM.hehe. Kelangan kasi niya ng YM sa office niya. Kaya ako, chinichempuhan ko siya sa office hours niya para makachat ko siya. Mas madalas kami sa YM mag-usap kesa sa phone. Eh, libre lang nman kasi sa YM eh. Kaya ito ang patok samin as a way of communication.hehe. Bakit ko sinasabi ito? La lang. Gusto ko lang ishare.hehe. Yung iba kasi, hindi nila alam ganu sila kaswerte na kapiling nila mga mahal nila sa buhay (sus, kadrama ko naman). hehe. Pero hindi yun tlga main point ng blog na to (although considered na rin point yun) hehe. My dad has a different perspective in life. He believes in hardwork and see things in a positive way. I saved one of our conversations. Ganito ang usapan namin nun isang araw:

 

alexbatac: Hi my boy, how r u
alexbatac: Where are u now
lexusdstripper: im in school ryt now. using my laptop.hehe
alexbatac: Did u receive the email mssgs i sent
alexbatac: Wow sosi ka na ha
lexusdstripper: hehe. tnx again for the laptop. it helps me a lot.
alexbatac: Kahit na walang connections pwede internet diba?
alexbatac: Dont carry ur laptap when open, it will be destroyed easily
lexusdstripper: yup. thru wi-fi. wireless connection yun. yup ive read the instructions on how to take care of the laptop.
lexusdstripper: ala ka bago email msg sakin?
alexbatac: How is ur studies? How is ur life? You must always have a sunny disposition, smiling face not malungkutin.
alexbatac: You must look like a winner, masaya
lexusdstripper: yup. im trying to be psitive. i ma mu tlga ing emotional masyado. kaw kasi eh.hehe
alexbatac: Smile to people, greet them & that will have contageous effect
lexusdstripper: ive got 96/100 on my last exam in calculus. im improving.hehe
alexbatac: Good, u can make it just focus on it. U r there to learn what u dont know yet.
alexbatac: Develop also ur communications skill. U should know how to talk
lexusdstripper: but sometimes i find wat they teach in school idealistic.. parang i wont use them in the outside world..
alexbatac: U will be more attractive if u can communicate well
alexbatac: You may not need them now but someday u may use them so u have to learn them. Take anything like Pacman. Be hungry on knowledge
alexbatac: If we cannot change the attitude of ur mom, dont be influenced.
alexbatac: When u speak inside the class, dont use taglish. Speak in English to impress and command respect
lexusdstripper: my mom affects me so much. sometimes i cant help but answer her.
alexbatac: Dont answer back to ur mom. Just ignore
alexbatac: Be with people u like, u idolized.
lexusdstripper: dapat kasi di mo siya kinulong sa bahay eh.hehe.
alexbatac: Though ur laptop is handy, be careful in using it so it will last till u finish ur masteral course (MBA) or Law.
lexusdstripper: dad, i love cars. can i learn more about cars and eventually it will be my business someday?
alexbatac: She could hardly land a job then coz her size. I accompanied her in Makati, despite her backers, she was not hired
alexbatac: If in car bus. u should learn also the documentations like registration, deed of sale and insurance
lexusdstripper: yes. im willing to learn thsoe transactions. is it ok to have my car already? im really desperate to have a car that i can proudly call my own.hehe
alexbatac: U will appreciate more if u will buy ur own car. Make that a dream, an inspiration
lexusdstripper: hmpf! but is it ok to you if i could work it out to buy my car?wehehe
alexbatac: Finish ur studies, work and/or engage in business then buy ur car/s
alexbatac: You may go with ur mom here in Guam come April. Drive around ur mom with a red RX8 sportscar, fully loaded.
lexusdstripper: as if mom wants to see you there.haha.
alexbatac: U should be here to prove that our critics are wrong.
alexbatac: If u r with her, you can tour her around while I am at work. U will not get bored
lexusdstripper: kaw lang naman tong problema eh. lage mo sinasabi punta kami jan di naman pala.
alexbatac: U have no time coz of ur studies. If u will pass all ur subject n no need for summer class, then u may come here this vacation
lexusdstripper: eh ganyan din sinabi mo last xmas break and sembreak eh.
alexbatac: xmas and sem brakes are not ideal
lexusdstripper: ok. ill try this summer.
alexbatac: Can u work as waiter in a restaurant? Taga ligpit ng pinagkainan at linis table
lexusdstripper: aus lang. kahit experience lang. i want to try working on a restaurant
alexbatac: I will look for an easy job for u, not under the sun
lexusdstripper: can i work here in summer in case i wont go to guam? jollibee for example
lexusdstripper: dad, i have to go. bye!

 

 He does not wait for reply. He says what he wants to say. Kaya hindi nagkakatugma minsan mga replies namin. Sinusulit talaga niya kahit sa YM. hehe. I know he's a busy person and I don't have any grudge about it. It's not easy for us, but I know we really have to sacrifice.

My dad had been through in a lot of things. I know he is an experienced person. And I trust him for that. Whatever he says, I follow. It's not because I'm scared to him, but I respect and trust him not just because he's my dad, but as person. He's a respectable man in our place. He came from nothing. Pinaghirapan tlga niya kung asan man siya ngayon. That's why I believe in him so much.

Why am I saying this? I really don't know. Siguro I just want something to remember someday. Journal nga ito di ba? Para makita ko yung sarili ko ngayon some time in the future pag nabasa ko ito at iba ko pang blogs. Yun din dahilan kaya public lahat ng pinupost ko para in case na makalimutan ko password ko.hehe.

 Uhm,gusto ko rin ishare my dad thoughts. He's a nice man. You can also learn from his perspectives in life.

 

**whoa, I really missed my dad. I hope someday technological advancements could tranfer hugs..

 

 

Your Universe [High Quality] - Rico Blanco

Tuesday, November 4, 2008

WHO THE HELL IS BILLY?!

Habang binabaybay namin pauwi ang NLEX, pinatugtog namin sa car stereo ang Go Girl by Pitbull...


(translated in Tagalog, Kapampangan talaga)
Nanay Lydia: Yan, gusto ko ang kantang yan. Ang galing kasi ni Billy at Vhong Navarro nung sinayaw nila yan sa ASAP. Anu nga kasi apelyido ni Billy?

Jing: Billy Joe?

Nanay Lydia: (Buntong-hininga)

Jing: Clinton?

Hindi. May ford yung dulo nun eh.

Catya: Hanford?

Nanay Lydia: Brief yun eh.

Jay: Revillame?

Nanay Lydia: Aydayo! Ali da kayu akasabi masalese! Hala cge, diretso uwi. Wala ng stop over at kakain!



Go Girl - Pitbull feat. Trina

Saturday, November 1, 2008

LOVE THOUGHTS FROM LEXIE YOUR IDOL

It is a challenge for a woman to make her man faithful to her, as in no other woman beside her.

And it is a challenge for a man not to get caught by his woman, while playing with other women.

But it is a challenge for a gay to have a man who would really love him (or rather her?) without giving the man even a single centavo.

Wednesday, October 29, 2008

IS IT A SIGN THAT I SHOULD NOW BELIEVE IN SIGNS BECAUSE SIGNS ARE REALLY SIGNS?

I grabbed this from Airene's FS bulletin:

 VIRGO - THE BEST SEXUAL PARTNER (8/23-9/22) Love to bust. Nice. Sassy. Intelligent. EXTREMELY SEXY. Predict future. Loves being in long relationships. Has lots of friends. Great talker. Always gets what he or she wants. Also not a fighter, but if they have to, they will also knock the lights out of you if it comes down to it.Cool. Loves to own Geminis' in sports. Extremely fun. Loves to joke. Smart. 24 years of bad luck if you do not repost.

>SCORPIO - THE VIRGIN (10/23-11/21) Loves being in long relationships. Likes to give a good fight for what they want. Extremely outgoing. Loves to help people in times of need. Good personality. Stubborn. A caring person. 7 Years of bad luck if you do not repost.

> AQUARIUS - THE ONE U CAN'T TOUCH (1/20-2/18) Great talker. Attractive and passionate. Laid back. Knows how to Have fun. Is really good at almost anything. Great kisser. Unpredictable. Outgoing. Down to earth. Attractive. Loud. Talkative. Not one to mess with. Rare to find. Good when found. 7 years of bad luck if you do not repost.
 
> TAURUS - THE BAD BOY OR GIRL (4/20-5/20) Very high appeal. Love is one of a kind. Very romantic. Most caring person you will ever meet! Entirely creative. Extremely random and proud of it. Freak. Spontaneous. Great at telling Stories. Best kisser. Not a Fighter, But will Knock your lights out if it comes down to it. Someone you should hold on to. 12 years of bad luck if you do not repost.
 
> GEMINI--HARD TO LOVE (5/21-6/21) Outgoing. Lovable. Spontaneous. Not one to mess with. Funny. Excellent kisser. EXTREMELY adorable. Good personalities. Loves relationships. Addictive. Loud. 16 years of bad luck if you do not repost.
 
> CANCER - HARD TO CATCH THEIR HEART (6/22-7/22) Trustworthy. Attractive. Great kisser. One of a kind. Loves being In long- term relationships, if you can actually get them to stick around. Extremely energetic. Unpredictable. Will exceed your expectations. Normally not a Fighter, but will if necessary. Someone loves them right now, they jut dont know it. 2 years of bad luck if you do not repost.
 
> LIBRA - THE PIMP (9/23-10/22) Caring and kind. Smart. Center of attention. High appeal. Has the last word. Good to find, hard to keep. Fun to be around. Extremely weird but in a good way. Good Sense of Humor. Thoughtful. Always gets what he or she wants. Loves to joke. Very popular. Silly, fun and sweet. 5 years of bad luck if you do not repost.
 
> PISCES - THE SEX ADDICT (2/19-3/20) EXTREMELY adorable. Intelligent. Loves to joke. Very Good sense of humor. Energetic. Predict future. BEST kisser. Always get what they want. Very Attractive. Easy going. RARE Find. GOOD when found. Loves being in long relationship. Talkative. Romantic. Caring. NOT one to mess with. 4 years of bad luck if you do not repost.
 
> LEO - THE SEX MANIAC (7/23-8/22) Very talkative. Nice to everyone they meet. Their Love is one of a kind. Silly, Fun and SEXY. Have own unique appeal. Irresistible. Most caring person you'll ever meet! however not the kind of person you wanna mess with...they will kick your ***... u might end up crying... 10 years of bad luck if you do not repost.
 
> ARIES - THE PLAYER (3/21-4/19) Nice. Love is one of a kind. Great listeners Very Good in bed...(hahaha)Lover not a fighter, but will still knock you out. Trustworthy. Always happy. Loud. Talkative. Outgoing VERY FORGIVING. Loves to make out. Has a beautiful smile. Generous. Strong. THE MOST IRRESISTIBLE. 9 years of bad luck if you do not repost.
 
> CAPRICORN - THE SEXY ONE (12/22-1/19) Dominant in relationships. Someone loves them right now. Always Wants the last word.Rare to find. Caring. Smart. Sweet. Loud. Loyal. Beautiful. Goofy. Easy to talk to. Everything you ever wanted. Easy to please.Loves to smile.Beautiful laugh.Patient.Amazing in the you know where..!!! Bit of naughty.The one and only.Sincere..very cheeky. 20Years of bad luck if you do not repost Loves being in long relationships.
 
 
 
 
 
Bihira lang ako magbasa ng ganito kasi di ako naniniwala. But this one really caught my attention. I'm not after the luck chorva, natuwa lang ako kasi parang totoo pag naaalala ko sarili ko, at yung ibang taong kilala ko. parang gusto kong maniwala. tingin nyo? tama ba ito?hehe.
 
 
 
 
 
 
Fall For You - Secondhand Serenade

Sunday, October 26, 2008

PAGUSOC (Patay-Gutom Society, my Hayskul Prens,)




Genesis '05-'06 boys. Oct. 24-25,2008. Jebong's house. Mukha lang kami di masaya sa mga pics kasi first time namen me camera sa isang lakad kaya medyo nacconscious pa kame. pero masaya talga kami pramis.haha, losers talga.hahaha.

iba pa rin talga ang high school. iba pa rin talga sila. hehe.

Thursday, October 23, 2008

LET'S PAUSE FOR A WHILE AND HAVE A BREAK, HAVE A CHIT-CHAT

Big city close your eyes,

Your pretty lights that shine like fireflies..

I have been longing for and finally have time for these mountain heights,

But for sure, am gonna miss your cars-blowing-horn music and twinkling city lights..

 

Sembreak na! Yohoo!

 

1st sem. A.Y. 2008-2009. It had been a roller coaster 6 months. Ups and downs. I met new friends and at the same time, gain some enemies. I lost some special ones, but found the true ones. I found love. Then lost again. I failed to learn a lot of things, but I realized some. Tnry ko isummarize ang buong sem na to, at ito pala ang pinakamadugong sem na nadaanan ko. Hindi lang ilong ang dumugo. Marami talagang nangyari. At mabilis lahat ng mga pangyayari. Maemosyon at puno ng tensyon. Grabe, I lost control on everything. Sa pagrereminisce ko, narealized ko ang ilang mga bagay-bagay: kung anung meron ako, kung alin at sino ang mga totoo, ang pagtaya ko sa mga bagay-bagay, kung sino mga binitawan ko, kung sino mga nawala, kung sino dapat ang hindi binitawan, kung sino ba talaga ako, kung anu ba kelangan ko, at kung anu ba ang gusto ko.. Sa lahat ng mga bagay-bagay na ito nag-ugat lahat ng pagkakamali. Isang maling habi na pinagbuhol-buhol ang lahat. At lahat, nagkapatung-patong na. Ngayon, hindi ko alam papano sisimulan ang susunod na sem. Sa mga pagkakamali ko this sem, hindi ko alam panu itutuloy next sem. Siguro sisimulan ko na muna sa sarili ko. Naging considerate ako sa iilang bagay at nakalimutan ko ang sarili. Tuloy, lalo lang ako nakasakit. This time, ito na talga ang gusto ko. Pagkatapos kong binitawan, heto't bumabalik ako. Tama ka, siguro nga playing safe nga ako. Eh, ilang beses na rin kasi ako nawalan ng biglaan eh. Gusto ko yung sigurado na. Pasensya na sa mga nasaktan ko. Pero salamat pa rin sa lahat ng naging bahagi ng sem ko na'to. Sige. Di baleng magsimula uleh sa wala. Importante, wag na kong gumawa pa ng mali. Damage control na rin. At nakita ko na talaga ang kaligayahan ko. Pero bugbog pa ko this sem. Marahil hindi pa ko handa para sa next sem. Buti na lang me sembreak. Pahinga muna. Recharge. Unwind. Chill out.

 

 

**Pasensya na kung malabo. Summary kasi. Tas madugo pa. Salamat sa mga naging bahagi ng sem na'to. Alam nyo naman kung sino kayo. Kayo iniisip ko habang ginagawa ko ito. Salamat.

 

Stop Crying Your Heart Out - Oasis

Sunday, October 19, 2008

PROBLEMA SA PASALUBONG, DAPAT AKSYUNAN

Tumawag tatay ko kanina para sabihin na me pupuntang tao sa bahay namen para ibigay yung pasalubong na ipinadala niya, pero baka sa December pa uuwi ang tatay ko. Nakakatuwa, nauna pa yung pasalubong sa taong uuwi. At heto pa, di pa siya siguradong uuwi pero yung pasalubong sure na. Medyo malakas talaga trip ng tatay ko neh?

Naalala ko bigla nung muwi ate ko last June galing US dahil sa 1 year internship nya doon. Naghabilin tita ko ng pasalubong na chocolates at damit galing States. Pero pag-uwi ng ate ko, dumiretso kami ng Duty Free para mamili ng pasalubong niyang chocolates. Sa Greenhills nga lang ata siya namili ng mga damit pampasalubong eh. Di ba ang konsepto ng pasalubong eh, mag-uwi ng anu mang produkto na galing mismo sa lugar na pinuntahan para ibigay sa mga uuwian? Kung baga souvenir o remembrance di ba? Alam kong hindi lang naman ate ko gumawa nun. Ganun naman ata gawain lahat ng mga balikbayan eh, yung mga nakamaong na jacket at Rayban shades, tas balot ng gintong necklace at bracelet. Me kilala kang ganon? Wala lang. Tingin ko kasi di na pasalubong yun nun eh. Kasi binili na rin lang dito sa Pinas, di na sa bansang pinuntahan. Panu pa masasabing remembrance yun.

Naisip kong aksyunan ang problemang ito. Dapat isumbong sa, Sumbong sumbong, kay bonggang bonggang Bongbong. Dito na kayo magsumbong. Dirrretso pa ang aksyon.

 

Hahaha. Corny. hehe.

 

Toxic - Mark Ronson Feat. Ol Dirty Bastard & Tiggers

Saturday, October 18, 2008

MY GERPRENS




Mga dream girls ko. hehe. la lang. gandang-ganda ako sa kanila eh. Kahit sila na iregalo sakin sa pasko, masaya na ako.hehe

THE PROBLEM I MIND IS YOU THE PROBLEM I FIND

Waah! Ngayon lang ako me namiss na tao ng ganito. Di ko maiwasang isipin siya at mamiss. Gusto mo na itxt at kausapin pero di magawa. Kelangan magpigil wag siyang kausapin. Kelangan wag siyang lapitan. Ano'ng dapat kong gawin para di mamiss ang isang tao? Panu ba masanay para di mo na mamiss ang isang tao? Help me prens!

 

TAKE ME, SO I CAN CALL YOU MINE

Girl: nakakainis, lage na lang me nagkakamali sa spelling ng surname ko. Pag mag-aasawa nga ako, yung lalakeng madali lang ang spelling ng surname. hmp.

 

Ako: Ah... "Batac" madali lang.=D

 

yun yon eh! haha.

Yees! I'm back! matagal2 ko rin pinigilan sarili ko mag-multiply. hehe. I guess, ok na ngayon. Pede na. haha.

 

Sunday, September 28, 2008

ALWAYS BE MY BABY (NOT THE SONG!)

There are times in life, when everything screwed up, when everything isn't alright, there would be these unexpected touching moments to give you a reason to smile. These unexpected touching moments will remind you that it isn't the end of the world for you.

One time, I really had a bad day. It was a lonely one because the world seemed to be against me. After my last class, I had to talk to my teacher. Everybody is gone and I thought I would be alone for the rest of day. As I walked along the hall, someone stood in front of me smiling. "Bakit napakatagal mo?" tanong niya. at nginitian ko lang siya. Someone waited for me! It touched me so much. Hindi lang simpleng paghihintay ang ginawa niya para sakin. Sa sama ng araw mo, talagang maaappreciate mo iyon. It was and is still something special for me. Why? Because:

1. Hindi lahat hihintayin ka.

2. Hindi lahat magtitiyagang hintayin ka. (iba yun sa no.1)

3. Hindi lahat makakapaghintay ng walang kasamang maghihintay.

4. Hindi lahat hihintayin ka kahit di mo sinabing hintayin ka.

5. Hindi lahat magtitiyagang hintayin ka ng walang kasamang maghihintay kahit di mo sinabing hintayin ka kung hindi ka pinapahalagahan.

6. Hindi lahat kaya kang hintayin kahit minsan mo na silang iniwan.

My baby waited for me. It really made me smile. But I felt some guilt. After ng ginawa ko sa kanya, anjan pa rin siya para sa akin. We were happy then. the two of us. Enjoy naman namin company ng isa't isa. Kaso naghanap ako ng iba. Hindi siya ang nawala. Ako ang nawala. I left you baby. I left my baby alone. Hindi naman totally nawala. Anjan pa rin naman siya. Pero magkaiba na ngayon. Hindi na rin gaya ng dati. Iniwan ko siya sa ere. Ganun na nga siguro matatawag yun. Am sorry iniwan kita. Am sorry pinagpalit kita. I put so much eggs for that one basket and I forgot that I have a lot of baskets to fill. I forgot to save eggs for you. Nagkamali ako at di ka naisaalang-alang sa pagtaya ko. Am really sorry baby. Thank you baby for not leaving me despite what I did. Thank you baby for smiling at me inspite of all.

People say they want someone who will be there every moment of their life. Yung laging anjan para sa kanila, sa tabi nila. You were not that someone to me. Hindi ka naging anjan lagi sa tabi ko. You proved me something. I don't need someone like that. Hindi ko kelangan ng taong laging nasa tabi ko, kundi ng taong kahit iniwan ko, may babalikan pa rin ako kung san ko man siya iniwan kahit saan man ako magpunta. Kagaya mo baby. You proved me your understanding. You accepted me again as if nothing happened---without asking why, without asking where I have been, without asking how could I. I know baby it's late, but I guess it's not yet too late para makabawi naman ako sayo baby. Thank you for your understanding. I know it's awkward to say, but I love you baby.hehe.

You will always be my baby.Å°

 

 

**Life never fails to surprise. It has a lot of ways of surprising. That makes the life really beautiful.

Yugto - Rico Blanco

Saturday, September 27, 2008

CONFUSEDcius' thoughts

Well, actually, I'm not in the mood right now. Because there are these things that disappoint me a lot. It's again the feeling of being stigmatized. It irritates me so much. Do you know the feeling of you-against-the world setup? It sucks. No one deserves that feeling. You can talk to no one and all you can do is suppress your feelings. Your only outlet would be your blog. Ito lang ang mapagbubuhusan mo ng sama ng loob. In this entry of mine, I just want to share what I've realized this day to my friends, colleagues, and my ever supportive critics. Sila naman mga suki ng mga blogs ko eh. Kahit nga mga walang multiply account nararating ng mga ito. So heto na mga maisshare ko:

1. Maturity does not always go with the age.

2. Ang dalawang tenga ay nilagay sa magkabilang panig ng ulo, reminding us that we should hear both sides first before talking.

3. Ang bibig ay nasa harap ng ating mukha, reminding us also na hindi pagiging tao ang pagsasalita ng patalikod.

4. Ang mga taas noo't nakatingala ang siyang mga karaniwang nadadapa.

5. Ang sabi-sabi ay parang ipo-ipo. Madaling matangay ang mga mababaw ang kapit ng utak.

6. Ang paghingi sa isang tao na wag siyang maging makasarili at isipin ka at isaalang-alang ka, hindi ba pagiging makasarili din iyon?

7. Ang ibon, habang lalong hinihigpitan, lalong nagpupumiglas. Ang toro, habang pinipigilan, lalong nagwawala.

8. Mga bata lang mahilig magkampi-kampihan.

I just publish my thoughts via blog. It's up to the reader to interpret it. I did not ask you to read my blog anyway.  

Friday, September 26, 2008

THE STORY BEHIND THE HUGENESS OF THE BUNGANGA NG CAVE

There's no place like home. That's all I can say. Mabigat an katawan umalis ng bahay pag lunes. Lalo kung linggo ng hapon pag may exam sa lunes. ganyan ang buhay peyups. lalo sa mga kagaya ko na nabobored este nagboboard. Pag friday naman, di ako makapaghintay ng sabado. uwian na pag sabado and it excites me because makikita ko na nman family ko. Panu ba naman eh, wikends lang kayo magkikita kaya mamimiss mo talaga kulitan. Hindi ko talaga maipagpapalit ang mga kalokohan namin mag-anak.

Natural na sa amin ang mang-okray at mag-asaran. dry humor ba. Kagaya na lang ng eksenang ito (ewan ko lang kung matatawa kayo, pero natawa ako eh. sabagay, may kultura din kasi na kami lang magpapamilya nagkakaintindihan). Habang nanonood kami ng T.V., di ko napigilan mangulangot. Dry kasi yung kulangot kaya masarap kalkalin at bilugin.hehe. Ginamit kong panungkit ng kulangot ko ang aking thumb at index finger (or pointing finger, tama ba?). Habang tumitirik ang mga mata ko sa ligaya sa pangungulangot, napansin kong pinagmamadan ako ng ate ko. Nun tumingin ako sa kanya, ang sabi niya, "NO WONDER GANYAN KALALAKI BUTAS NG ILONG MO. KASINGLAKI NA NG MGA KWEBA SA PALAWAN." natigilan ako at natawa kame lahat.hahaha. Ginatungan pa ng isa kong ate, "LUMAYO KA NA SA KANYA BAKA MASINGHOT KA PA NYA SA LAKI NG BUTAS NG ILONG NYA." at naconscious na ko bigla. Sabay pahid ng nabilog na kulangot sa puti naming cabinet. hehehe.

 

To give you a clue, the circumference of each finger are the following:

Index finger,  

 

Thumb,

 

hehehe. La lang gusto ko lang ishare mga moments namin sa bahay.hehe.    (yan naman ang average circumference ng nabibilog kong kulangot. Joke! hahaha)

 

Monday, September 22, 2008

OFTEN FUNNY (nga ba?), BUT SOMETIMES SENTIMENTAL

I've been sentimental this weekend. Maybe because of some of the comments I received on my previous entry. Plus the pressure on acads. For this entry, I will share you what I've learned which I guess everybody knows but not yet have learned.hehe. So, heto na:

1. Nobody is perfect. Even you practice a lot. Maybe close to perfect, pero may flaws pa rin. That should remind us that no one has the right to judge one's worth. (siguro nareceived mo na to sa text.hehe)

2. In relation to the first one, do not talk when you are not sure what you are talking about. huwag nang magmarunong tol. Lalo't hindi mo alam ang nangyayari.

3. In this life, you have to have strong stomach. because there will always be these people who will stab you back and front, side by side, up and down. They are your torns in your throat, este road to success. They are part of your challenges in layp.

4. When it comes to decision making, it is only yorselp you could rely on. Yes there are other people who have more experiences in life, but your situation is different from theirs. Promise, totoo yan. Pwedeng may similarites kayo ng pinagdaan nila at pinagdaanan mo, pero magkaiba ng oras, ng mga tao, at lalo ng emotions ang mga situations nyo. You could consider their pieces of advice, pero hanggang CONSIDER lang ksi pwedeng tama sila para sa kanila, pero hindi applicable sa sitwasyion mo.

5. Do not get affected with what others say about you. Let them criticize you. I know it is hard, as hard as my junjun, but this thought could free us from sadness. Hayaan mo lang sila okrayin ginawa mo. They are not the ones in your shoes. Malay ba nila sa sitwasyong andun ka. They would never know your story as much as you do. They would never know every detail of the story. They would never understand your feelings. Tas magkaiba pa kayo mag-isip. So bakit ka magpapa-apekto sa sinasabi nila? Kaligayahan mo nakasalalay eh. Kaw lang nakakaalam ng kaligayahan mo. Bakit, sila ba magpapaligaya sayo?

6. Not all people can understand you. That's a fact baby. Hayaan mo lang ang ibang tao na mainis sa ginagawa mo. Hayaan mo silang mgka-wrinkles sa pagkainis sayo. Problema na nila yun. You do not have to explain evrything. Your friends do not need explanations. Your enemies won't believe you anyway.

7. When it comes to decision making, if you're really confused on what to do, take it easy. This may sound selfish, but do not think what others want. Think of what you want first.

8. Not so contrary to 5, 6 and 7, consider others feelings before you decide on something. hehe. What am trying to say is be sensitive pa rin sa iba. Okay, kunwari alam mo na gusto. then ask yourself, kung makakaapekto ba to sa iba. Tas tignan mo, kaya mo ba makipagkompromiso. It's up to you now to decide kung san ka mas liligaya. Does it make sense?

9. Moving on is not about forgetting the feelings for the person, but it is accepting the fact he/she was once yours, and now is no longer yours. Just be thankful of the memories you had, that once he/she made you happy, and he/she became a part of your life. just be thankful na kahit papano eh pinakilig ka niya.

10. Love will never be fair. Why? Because there are no rules, law, policies when it comes to love. right? So huwag ka magalit sa taong mahal mo kung may ginawa siya na unacceptable para sayo. Besides, one thing could be morally acceptable to someone, but not for an another person. Iba-iba naman tayo ng values eh. Plus, kaya rin may tinatawag tayo na unconditional love. You love that person but you do not ask that person to love you back. Edi kung nireciprocate niya, edi thank you. Kung di naman, okay lang din. You cannot force someone to love you back. After all, he/she did not force you to love him/her. It is your choice. It is his/her choice too.

11. Nothing is permanent in this world. All are temporary. There's no such thing as eternity and forever. These words are just exaggerations. You can hold on to anything, but do not hold on to it to the extent you cannot afford to let it go.

12. Life continues to go on. hayaan mo na ang mga nawala. Life has so much to offer. You might miss better things while you are grieving over the things that are already gone.

13. Life is so short. Make the most out of it. Sulitin kada segundo mo. Di mo alam kelan ka kukunin ni Lord.

14. It is not enough you know what and why. You have to know how.

15. Walang mali sa mundo. Pero meroong tama at mas tama.

16. Wag na hintayin na ibang tao pa mag-adjust sayo. Ikaw na mag-adjust para sa kanila.

17. Madaling araw na pala habang ginagawa ko ito.

18. At impromtu pala ito.

 

Sana ay may sense mga sinabi ko sa entry kong ito at sanay may natutunan kayo sa mga ibinahagi ko. Nawa'y pagpalain tayo ni Papa God. Amen? Amen!

Sunday, September 21, 2008

THOUGHTS FROM THE MIND, LINES FROM THE HEART

...It's always your hair locks,

that really strucks.

It's always your smile,

that freezes me for a while..

 

...It was from the start,

when you have captivated my heart.

It is for eternity,

that you stole my sanity..

 

Mind you, gawa ko talaga mga lines na yan.hehe. mahilig akong mag-group message or GM sa text ng ganito. Sweet ba o corny? kahit ano.hehe. ewan ko ba kung bakit. these were the lines na nagawa ko habang nangungulangot ako. Pedeng based sa mga naisip kong thoughts sa pagbilog ng kulangot, mga narinig kong chismis na sitwasyon ng iba na nakakarelate ako, o kaya naman eh, yung nakaraan o kasalukuyan kong nararamdaman o sitwasyong andun ako. ito ang mga naisip ko tungkol sa nararamdaman ko. In short, para sakin tlga.hehe.

 What am I trying to say? wala naman. nabanggit ko lang. sa mga nasendan ko ng mga to, maaaring maguluhan kayo kung sino sya. Ang masasabi ko lang eh, magkakaibang story yan.hehe.

"she's always at her best

wearing that lovely green shirt,

makes me think she's the fairest,

fairest among the fairest on earth.."

 

okay. I confess. for those lines, isa lang ang tintukoy ko. She has curly hair, but not so curly, wavy lang ganun. Ewan ko, pero for me, that makes her gorgeous kahit na karamihan eh gusto ng mga straight yung buhok. Siguro isang dahilan eh, bihira lang yung ganun yung buhok kagaya nung sa kanya kaya nagugustuhan ko sya. Gusto ko rin mata niya kasi expressive din gaya nung akin. Gusto ko rin lips niya, parang ang sarap halikan.hehe. Hindi naman siya sobrang ganda. Pedeng sa iba nga di siya maganda. Para sakin pa rin, maganda siya. Pero once talaga na naka-green sya na shirt, parang nagsslowmo na mundo ko. Parang wala akong magawa kundi titigan siya. Lalo siya gumaganda pag naka-green. Lalo ko siya nagugustuhan pag ganun.. 

So enough na sa physical attributes niya. She's not that beautiful physically, but there are these things (na hindi naman makikita ng lahat) she possesses that makes her beautiful (at least for me). Ika nga ni pareng Optimus Prime, there's more than meets the eye. In her case, totoo yun. She's so lovely lalo habang nagiging close kayo at nakikilala mo siya. Masungit siya sa umpisa, pero makikita mo rin yung softness niya pag nagtagal.

So what's the problem? Ewan.hehe. Ewan ko kung prublema ba yun. You know the feeling when you suppress your feelings? Yun yung prublema. hindi ko masabi na gusto ko siya. Nakakatuwa di ba. Sa dami na nang napakilig kong kababaihan eh, sa kanya pa ako natorpe.hahaha. Ewan ko kung bakit. Siguro dahil ayaw kong masira o mawala  yung pagkakaibigan namin. Yes, I chose friendship over love. Isa kasi siya sa mga unang nakilala ko nun pagpasok ko sa bagong mundo ko ngayon. Kaya napakahalaga para sakin na di siya mawala. We're special friends (siguro ako lang nag-aasume). But am not sure if the feeling is mutual. An hirap di ba?hehe. Hindi mo alam kung panu pagpipigil ang gagawin ko. Pero tingin ko, kaya lalo ko siyang nagugustuhan eh, dahil alam kong hindi ko siya makukuha.hehehe.

With addition to that choosing-friendship-over-love thing, I made the wrong moves. Nararamdaman ko rin before na special din ako sa kanya, kaya lang may niligawan akong iba. Siguro nasaktan ko rin siya nun. Kasi nafeel ko rin nun paglayo niya. haay.. sayang, nagkamali pa ko ng desisyon.

We're still friends right now. And I'm not sure if I enjoy na friends lang kami. Minsan iniisip ko na rin na itama ko na pagkakamali ko, na ligawan ko na siya. Pero tama nga ba na ligawan ko siya ngayon? But am still hoping. Am still waiting for the signs na pede ko na siya ligawan bago pa matapos ang mundong kinabibilangan namin ngayon, sa mundong siya ang una kong nakilala at siya rin ang gusto kong makasama sa pagtatapos. Hmm. Kelan kaya kita mahahagkan? Am still dreaming of that moment na I could hold your hand while we're walking, yung as in palad to palad tayo. That moment that I could hug you so tight, your face close to mine, smell your hair, and kiss your scalp and down to your forehead...

Kung papipiliin ako kung siya o ikaw, pipiliin kita. Kung mabibigyan lang ako ng pagkakataon itama ang mga pagkakamali ko, liligawan na talaga kita. Kung hahayaan at pahihintulutunan mo lang ako, ipaparamdam ko na talaga na mahal talaga kita..

 

 

 

 

Saturday, September 13, 2008

MY MEMORIZED SPEECH: HER MONTHLY VISITOR IS MY WICKED DEMON

Here’s my memorized speech for my Communication 3 course. I got a grade of flat 1.0. Memorable ang memorized speech na to kasi masasabi ko namang deserve ko ang grade ko talaga.hehe. Okay, tama na ang intro ko. Heto na, janjararan!

Classmates, have you had or still experiencing your hell day or hell week?  That day or week you experience that pasan-ko-ang-daigdig feeling? I guess we understand each other.

                Let me share you my hell week. I used to have my hell week. Used to, because I used to have a girlfriend. What’s the connection? I had my hell weeks when it was still us. And now, there’s just she, and me. =(

                I had my hell weeks regularly—regularly because she is regular. Regularly for almost every 28 days for usually seven days.  How would my hell week start? There were signs. Like, we were just happy yesterday and then suddenly, she was not in the mood the next day. You could feel her coldness, hurt by her rudeness, and find yourself asking if you had done anything wrong. When this happened, I start to feel scared. So I would confirm if it was my hell week then by asking her, “Are you okay?” She would answer me, “Meron ako eh.” And all I could react was: (demonstration). So that’s how my hell week starts.

                So what was in my hell week? Just a role playing. I play the role of a slave and she was my master, like in the Feudal times. I would be oppressed and repressed. So I just suppress my feelings.  I could not voice out my opinion. I could never be right. She was always right. So why would I talk? I would not be heard anyway.  There were even instances that she was becoming harsh and irrational (at least for me, or maybe just to me). Like one time, she was not talking to me and not even looking at me.  I got bored because I was ignored, and perhaps a little bit irritated, so I tried to calm myself by playing the rubix cube. Suddenly, she got mad at me and said, “So rubix cube na kaagaw ko sa atensyon mo ngayon?!” I was shocked. She got jealous with a rubix cube? And in the first place, she was the one ignoring me, right? There were even instances that, I could say, she was immature. One hell week, I was scheduled an appointment with my gym instructor. I asked her permission with the softest way of speaking if I could just go to gym instead of accompanying her in her way home to San Fernando. She said it was alright so I went to the gym. After my session, on my way to my dorm, I read her text message sent thirty minutes ago. She said, “So you love those dumbbells more than you love me? I hope you were happy with those dumbbells.” Yes my friends, she got jealous with dumbbells too. Couldn’t she just be happy for me because I was trying to be fit? Didn’t she want a sexy boyfriend?

But I am not complaining; of course not. I actually love my hell week. It was, actually, my chance to show her my love for her. How? When do we usually show our care to our love ones, in bad times, right? So I didn’t leave her in her “bloodiest” times. I didn’t mind her coldness and rudeness. I know she’s just not feeling well because of her period. She did not mean to be harsh to me. I should understand her. I may not understand her pain (of course I don’t experience menstruation). But she actually bears the pain with me. Could there any be sweeter than bearing others’ burden with them?  She always says sorry for her rudeness after her week-long period and thanks me for my understanding and patience. See, I get pogi points after my hell week. =D

                So boys, I have two words for you: understanding and patience. For girls, be sensitive also and learn to appreciate your boyfriend’s effort.

Comments:

“Spontaneous delivery. Good topic. It’s amusing!”

-Prof. Ana Marie Alfelor

“Nice lex!”

-Jersey

“Packingsheet, pwede na!”

-teacher Monette

“Dana, wrong grammar.”

-teacher Von

“Ang ganda. Parang copy-paste lang ah.”

-Direk Joey Reyes

Thursday, September 11, 2008

Rain isn't for loners

okay. may bagyo. at di ko alam kung gusto ko ngayon ng bagyo. I mean, the rain. I used to like rain. Bukod sa pedeng masuspende pasok, ay malamig at fresko. Di na ko naka-brip lang pag natutulog.hehe. I can use my kumot and make japorms na out of my jackets, coats, and scarves. Pants are discouraged syempre. Try mo magtampisaw sa tubig ulan ng nakapantalon at tignan ko lang kung di sumuko belt mo sa bigat ng pants mo. Am bigat pwameees!! So I wear shorts. Like, super balot sa itaas, jacket, scarves and everything tas shorts lang and beachwalk (Islander o kaya Rambbo pag mataas-taas na ang tubig). I have an umbrella and I dont like it to get wet kasi ma-effort ang magpatuyo at magtupi ng payong. In addition to that, I really like getting wet (oh, di wet na tungkol sa sex ah).  Getting wet, like, making takbo from point A to point B as if maiiwasan mo bawat patak. Ang masya dun eh, pagdating sa shaded area, magkukumparahan kayo ng kasama (o mga kasama kung marami at hindi syota/chinuchorva kasama mo) kung ganu kayo nabasa. Minsan pa nga eh, nagpapayabangan pa kung sino pinakanabasa, akala mo naman cute at japorms ang nabasa.

And that's the point of my blog. Masaya ang ulan pag may kasama ka mababasa at magtatampisaw sa tubig ulan. Di ba? Parang yung sa commercial lang ng Nescafe. Naghaharutan sa gitna ng ulan. O di ba masaya yon lalo pag yung espeysyal samwan mo kasama mo? Di alintana yung basa kasi masaya kayo. Di alintana ang lamig kasi me pede namang yumakap sayo, o makadikitan ng braso para sa mga pa-twitums lang. Lalo kung sweet talaga kayo, yung tipong ilalagay yumg nagyeyelo mong palad sa kili-kili niyang mainit-init. Masaya ang ulan pag may kasama ka, lalo kayo pinaglalapit at pinagdidikit ng lamig dulot ng ulan. You could feel the warmth and love (o sige, minsan libog) of each other despite the cold and packingsheet reyn. Isa nga sa mga istayls ko para maka-iskor eh, mas maliit ang payong mas maganda. Magsshare kame sa iisang maliit na payong. Syempre ayaw ko kuno siya mabasa kaya ilalapit ko pa siya sa sexy body ko para naman di sya mabasa gaano through the immortal na sweet na akbay. In the end, mukha lang talaga niya ang di basa.haha.

So ano namang ang para sa mga loner, sa mga nag-iisa? Syempre, kabaligtaran ng may kasama ka. Di masaya ang ulan pag walang kasama. Hassle. Minsan mararamdaman mong saksakan ka ng malas. Pakiramdam mo kasi, ikaw lang yung nabasa kahit na maraming strangers sa paligid mo ang nabasa rin. Wala kang masasabihan na nabasa ka. Wala kang mapagkumparahan. Wala ka ring maaya na mag-Nescafe (dapat isponsoran nako ng Nescafe kakabanggit sa kanya). Walang tatabi sayo para di ka malamigan. Walang yayakap sa'yo. Walang mag-oofer ng kili-kili. Walang magpaparamdam sayo na masaya ang ulan. Mararamdaman mo talaga ang pag-iisa, and worse, pangungulila pa. You could feel the coldness twice than when you have company. Coldness both from the outside and in the inside. Coldness na literal and figurative.

Why am I  saying this? I just felt it a while ago. Huhuhu.


*anybody willing to lend me HER kili-kili??

Monday, September 8, 2008

not your typical lab song baby

Love Song by 311. have you heard it? The Cure also has a version of it. LSS na ako sa kantang ito. di na kumpleto araw ko pag di ko ito napapakinggan. It's not your typical love song folks. reggae sya na mbgal. pag naririnig ko ito, talagang parang naka-high ako sa drugs, shabu,  marijuana, rugby, katol, zonrox, putok, etc.basta parang may sarili akong mundo. parang kanina lang, todo volume ko pinapakinggan sa loob ng jeep at para kong may sariling mundo. parang slowmo sa pelikula, yung nung pahigang umilag si keanu sa mga bala sa Matrix, na yung kanta lang naririnig ko kahit nagpuputakan mga kaharap ko sa jeep (sabagay, todo volume nga naman pla...pero hindi eh!). hindi ko rin maintindihan nararamdaman ko pag naririnig ko ang Love Song. hindi ko malaman kung in lab na masaya o emo. magkahalong saya ng pag-ibig, pagka-emo, at napapajebz. Kanina rin sa jeep, parang natrigger  ang libog ko habang pinapakinggan ko yung kanta. Pero narealize ko rin agad na nakadikit pala  boobs ng katabi ko sa jeep sa braso ko. Kaya pala. Hehe. Pero seriously, minsan parang na-aarouse din ako pag naririnig ko sya. Eh me pagka-careless whisper naman kasi yung lead part nya. di ko mwari kung gitara ba yun o saxophone o trumpet o pito lang..
"Whenever I'm alone with you
You make me feel like I am young again
Whenever I'm alone with you
You make me feel like I am fun again"

oh di ba? pang-DOM pa ata yung kanta. Para kasing pde rin ito sayawin ng poll dancer eh.
yung tipong patay-sindi ilaw, may usok epek, at pasplit-split pa. (if you know what i mean, and if you have been there)
basta, mahirap din explain eh. try nyo nlng pakinggan at bka malibugan pa kayo.

once again, love song by 311.

not your typical lab song baby

Love Song by 311. have you heard it? The Cure also has a version of it. LSS na ako sa kantang ito. di na kumpleto araw ko pag di ko ito napapakinggan. It's not your typical love song folks. reggae sya na mbgal. pag naririnig ko ito, talagang parang naka-high ako sa drugs, shabu,  marijuana, rugby, katol, zonrox, putok, etc.basta parang may sarili akong mundo. parang kanina lang, todo volume ko pinapakinggan sa loob ng jeep at para kong may sariling mundo. parang slowmo sa pelikula, yung nung pahigang umilag si keanu sa mga bala sa Matrix, na yung kanta lang naririnig ko kahit nagpuputakan mga kaharap ko sa jeep (sabagay, todo volume nga naman pla...pero hindi eh!). hindi ko rin maintindihan nararamdaman ko pag naririnig ko ang Love Song. hindi ko malaman kung in lab na masaya o emo. magkahalong saya ng pag-ibig, pagka-emo, at napapajebz. Kanina rin sa jeep, parang natrigger  ang libog ko habang pinapakinggan ko yung kanta. Pero narealize ko rin agad na nakadikit pala  boobs ng katabi ko sa jeep sa braso ko. Kaya pala. Hehe. Pero seriously, minsan parang na-aarouse din ako pag naririnig ko sya. Eh me pagka-careless whisper naman kasi yung lead part nya. di ko mwari kung gitara ba yun o saxophone o trumpet o pito lang..
"Whenever I'm alone with you
You make me feel like I am young again
Whenever I'm alone with you
You make me feel like I am fun again"

oh di ba? pang-DOM pa ata yung kanta. Para kasing pde rin ito sayawin ng poll dancer eh.
yung tipong patay-sindi ilaw, may usok epek, at pasplit-split pa. (if you know what i mean, and if you have been there)
basta, mahirap din explain eh. try nyo nlng pakinggan at bka malibugan pa kayo.

once again, love song by 311.

Saturday, September 6, 2008

SUPER TITI 33: ang paboritong snack ng lahat




SUPER TITI 33. heto tlga pangalan ng snack na to. heto raw ang paboritong snack ng mga matrona, virgin pa, at mga lalakeng mahilig sa kapwa lalake.

when batjay learned the truth about Santa Claus

BATJAY: ma, totoo pa ba si Santa Claus?
MAMA NI BATJAY: syempre naman anak!

BATJAY: di ba tiga-North Pole si Santa Claus?
MAMA NIYA: oo naman anak!

BATJAY: eh bakit puro "MADE IN THE PHILIPPINES" mga laruan niligay niya sa medyas ko?
MAMA NIYA: ah, eh, anak, bibingka oh. kain ka.


*yees, ber months na. mlapit na pasko. favorite season ko. yihi!

Sunday, August 24, 2008

sa esem.. (palaboy-laboy)

"Patingin-tingin, di naman makabili
 Patingin-tingin, di makapanood ng sine
 Walang ibang pera kundi pamasahe
 Nakayanan ko lang pambili ng dalawang yosi."

 

Mj, Mark, and I were sitting at SM Clark's meeting place when we found ourselves singing this song, Esem by Yano(who happened to be our fraternity brother), as some UP people(mostly freshmen and some sophomores) passes us with a Starbucks coffee in one hand going to Dencio's. They were drinking then  in Dencio's. While us, just enjoying the free music of the band performing then with a plastic bag of canned goods. "Kawawa naman tayo. Sila paDencio's-Dencio's lang, habang tayo nagpapalipas lang ng gutom dito," MJ said. And we laughed. Maybe because it's true.haha. I said, "Alis na kaya tayo? Mukha tayong pulubi dito eh." as I was pointing at our plastic bag of canned goods.haha. Bagay nga siguro yung kantang to samen. Naisip na lang namen, anu kaya iisipin nila? Mga Pi Sig, pulubi?haha. ayun, umalis na lang kame. Dumaan kame sa harap nila na taas-noo at dala-dala ang mga "kang goods" namen kasama yung can opener na kabibili lang para sa mga okasyong ganito (mga unplanned overnight na inuman with canned goods as pulutans). Nasabi ko na lang sa mga kasama ko, "balang araw makakakain tayo jan. Pag-ipunan natin. huwag muna tayo kumain ng tatlong gabi." (with the babangon-ako't-dudurugin-kita face of Yasmien Kurdi). "Bro, basta pag kumain tayo, siguraduhin lang natin may makakakitang taga-UP satin para di sayang pag-iipon." sabi ni MJ habang naglalakad na kami palayo ng nakayuko at nasa bulsa ang mga kamay.. 

Saturday, August 9, 2008

Pause. Think. Wonder with me.

I wonder if there are no countries or regions. There's just one world.

I wonder if there are no white people and blacks. There are just humans.

I wonder if there's no the rich ones and the poor ones. There's just the People.

I wonder if there's no he and she. There's just the word sapiens.

I wonder if there's no such word as "mine". There's just "ours".

I wonder if there's no concept of "I". There's just "We".

I wonder if there are no individuals. There's just our community.

I wonder if there's no economic or  social status. There's just the world's status.

I wonder if there's no divinity. There's just humanity.

I wonder if these could happen.. Just hoping.

 

Wednesday, July 23, 2008

ALEX BATAC po, for COUNCILOR....

HEHE.
I dont if this is too much. pero iggrab ko na opportunity na ito. ika nga ni Ka- Kaydee, use all your resources.hehe.
It's my first time to run for a position sa students' council. ni hindi nga ko sanay magsalita sa harap ng maraming tao. bulol pa nga ko eh. pero gusto ko pa rin. at sa tingin ko kelangan din.

bakit sa tingin ko kelangan? kasi kelangan tlga. pakiramdam ko kasi medyo nawawala na ang significance, essence, meaning ng SC (so tingin ko naman ako magbabalik nun?!haha). anu pa matatawag un. di naman sa me pinapatamaan ako, o tinutukoy tlaga(bato bato sa langit, tmaan wag magalit), pero gusto ko kasi ibahin naman ang tingin ng NAKARARAMI sa SC na ang mga positions ay bagay lang na idinudugtong sa pangalan o kaya para may mailagay lang sa annual o resume, kundi isang daan para marinig boses nating mga estudyante. Most of us kasi, di natin alam rights natin bilang mga kabataang nag-aaral, at bilang mga iskolar ng bayan na rin. isa ang SC sa mga daan para maipamulat ang mga karapatan nating mga estudyante. ito rin kasi ang nagrerepresent sa ating mga mag-aaral eh.

Siguro ito ring ang isang dahilan kaya naisipan kong humabol: hindi ko naramdaman na may SC last year. hindi nman sa hindi ko nagustuhan paglilinkod ni Alwin Palad, pero naisip ko lang, anu silbi pa ng pusit kung ulo lang ang gumagalaw at walang tulong ng mga galamay nito? nakapanayam ko na rin si Alwin at alam ko na maganda rin hangarin nya ngunit di nya magagawa yun ng nag-iisa. Simple lang naman ang gusto kong mangyari. Ang magkaroon ng SC na naglilingkod talaga sa mga estudyante. Yung isang tunay na SC na para sa mga estudyante tlaga. hindi hawak o may impluwensya ng ibang "sektor" kundi lahat nating mga estudyante. Binubuo ng mga estudyante na para sa kapakanan lahat nating mga estudyante. "must not be, and will never be, isolated from the interest of the Students.."
ayoko na maramdaman ng iba pang estudyante ang naramdaman ko. kaya naisipan ko nang kapalan mukha ko para simulan ang pagbabago. (Go PIOLO!!!)

I may sound trapo, baduy, etc. pero ito tlaga ang nararamdaman ko at gusto kong mangyari. Siguro nga ito na rin ang plataporma ko eh.hehe. pero i guess these were the right words to decribe my feelings. I may not look/sound serious about it, or yung mukha ko hindi bgay sa sinasabi ko at tinatakbuhan ko, pero ito na rin siguro ang daan para naman maipakita ko ang iba pang ako, mga saluobin, thoughts, at magamit ang mga itinuro sa akin ng Pi Sigma na isang sosyo-pulitikal na organisasyon.

Sana makilahok lahat sa atin sa eleksyon. halos wala naman itong pinagkaiba sa national election sa ating bansa. huwag nating isiping wala tayong mapapala dito. kelangan natin makialam sa mga isyung ganito, maging sa mga isyu sa ating lipunan. huwag lang sarili natin ang isipin natin. kung nagf-function tayo as individuals, we also function as a team, as isang sektor ng sambayanan, as one country. so this is our part. maging mapanuri tayo at kritikal sa ating mga desisyon.
sana bumoto lahat dahil bawat boto ay mahalaga. it can make a difference.

hindi na kampanya to bilang isang kandidato, pero bilang isang botante na rin. sana makapagisip-isip kayo sa aking mga sinabi. siguro simula na rin ito ng pagsisimula ko ng sinasabi kong pagbabago.

hanggang dit na lang muna. nawa'y naging makabuluhan ang aking mga sinabi.

Mabuhay.
Padayon.
STP!!!

Sunday, July 20, 2008

something weird

have you ever felt that you have already dreamed of the situation you were in? it happens often to me. Like, when I went to PAC. While I was walking on the street, the houses, trees, and the field seem to be familiar to me. It was like I've been there many times. I felt that I know that place well. But it was actually my first time to set foot on that particular street. Then I came to realize that I've dreamed that scenario before. The place. The time. The person I was with. I'm sure I've dreamed about it before. I dont have any explanation for it. but I'm quite sure that I already dreamed about it. I dont know when i dreamed about it. of course, what you remember about your dreams isn't detailed. But I know we were walking too in that dream, the same way we were walking then. I'm also sure that what she wore and what I wore then were the same as what we we were wearing in my dreams. Those were the only things I remembered about my dream. I can't remember the conversation. And I know that I do not know the person I was with then when I dreamed about it.

It is not the first instance it happened to me and I still don't know why it happens. I shared you this weird thing with the hope that you might could help to find me explanation for this.

thank you for spending your precious time reading this not-sure-if-it-makes-sense blog of mine.

Monday, July 14, 2008

especially for abby

ako na ang gagawa ng blog para kay abby.haha

suki si abby ng mga blogs. mahilig lang magcomment sa blogs ng iba. pero di mahilig gumawa ng sariling blog. wala daw maikwento.

pero me maikkwento na si abby. last friday, july 11, mall tour ng dyesebel. sabay2 kami sa nlex. nagkataon nagsimula na kumanta si fredo. at always be my baby pla kinanta. dumaan kami sa maraming tao. nun kakain na kami, bukas bag ni abby. wala yung phone nya. kawawang abby. nakiusyoso pa kasi.

kaya kung me magttxt gamit number nya, di na sya yun.

 

la lang. pis. hehe

Wednesday, July 9, 2008

25, 25, 25, 25.. 25th of the 7th month of the 2008th year

EXCITED si abby.
aabalahin na naman si ivan.
malalasing na naman si tanabe.
magbubuhos na naman ng sama ng loob si jersey.
magtitimpla na naman si dennis.
at gagastos na naman ako. ilang araw na naman ako di kakain netoh.

pero pinaka-kawawa si naleyn. di sya makaksama. OJT mode kasi. halos araw2 nga sya nagpapalibre. at kung kelan dako manlilibre, dun pa sya Missing In Action.

napapadalas na pag-inom. bonding daw. pero msya naman. front lang ang alcohol. hindi lang shot glass ang pinagsasaluhan. hindi lang bote ang nabubuksan. hindi lang pera ang nahahalungkat. hindi lang tempura at lala ang naririnig. hindi lang kung anu-ano ang pinag-uusapan. hindi lang basta inuman. mas malalim. mahirap ipaliwanag sa taga-labas ng Pi Sig. pero ngayon lang nagka-ganito. ngayon lang ako naging masaya ng ganito sa Pi Sig. Pikit-mata muna sa gastos. di naman mababayaran ang saya at ngiti. *1,2,3, auto-smile!*

tapos na Sigman Night Out. sama naman ang mga deltans. Hmm. sana lang walang sub-groups this time.

July 25, 2008. bilugin na sa kalendaryo. nawa'y tatak an araw na iyon sa kasaysayan ng Pi Sig. Kung nagkataon, eto ang pinaka-espesyal na kaarawan ko. Umaasa ako senyong mga kapatid.

Maganda ang nasimulan natin. Ipagpatuloy ang nasimulan. Padayon!

Monday, July 7, 2008

Sigmans and Deltans!!!!!

napost ko na sa site ko videos namen sa "Ultimate Sigman Night Out" namen. mainggit na kayo sisses.haha

Thursday, July 3, 2008

the break-up...

"It hurts.
And I'm crying like a church on Monday 
Praying for these feelings to go away
So do me a favor baby
Put down your new god
And love me like Sunday again."


Chorus yan ng Crying Like a Church On a Monday by New Radicals. la lang. para may mai-post lang. catchy ba title?hehe.
Seriously, I dont know what to say.
Well, I just learned that, obviously, mas masakit sa part ng iniwan. di nga naman nakapaghanda sa hiwalayan.
 pero syempre, malamang, masakit din sa part ng nang-iwan. depende siguro sa reason bakit nang-iwan?
hmm. di ko lam kung anu ba tlga pinu-point out ko. Siguro medyo msma lang ang loob ko because I wasn't given the chance to explain. Sabagay. What for? the damage has been done.
"Never explain-your friends dont need it. Your enemies won't believe you any way" ika nga nun kowtabol kowt ni best friend. Tama na nga. me session pa ko. RH 101.

Saturday, June 7, 2008

my new crush: the most beautiful and sexiest lady in the world of clay!

yes, in the world of clay. i'm not really into lawn tennis. but this goddess caught my attention. she's Ana Ivanovic. the new queen of the clay. i love her eyes, her nose, her lips, her whole face! I like that pink outfit she wore during her match with jankovic. she's so beautiful and very very sexy. Damn, i guess she stole my sanity!

Monday, May 26, 2008

too much love baby

I guess you're loving me too much baby. And it stresses me. It makes me feel uneasy. It's not that I dont love you too. It's just I care for you. You see, I'm hurting you though I dont mean to. You expect too much from me and I disappoint you always. It's not that I'm not serious with our relationship. It's not that I do not appreciate your love for me. I just want you to grow. yoko namang mapako ka sakin. yokong sa akin lang umikot mundo mo. I just want to be A PART of your life. Not ME, being YOUR LIFE...

Tuesday, May 20, 2008

lost

im quite lost. im certain that im not on d "ryt way." parang di ko na naman alam pinupunthan ko. di ko na naman kasi lam gusto ko..kung anu gusto ko gawin. di ko na rin lam gagawin ko. paiba-iba tuloy ako ng mood.hehe. i guess i shud go back and find my right way again. Panu ko nga ba malalaman kung hanggang saan ang rerenovate ko?hmm.

Vain Family




My family malamang.

Thursday, May 8, 2008

Tuesday, April 29, 2008

multiply, multipy!

ganda pla neto. pde outlet ng sma ng loob o anu mang dinadala.hehe. pde rin way para mag-share ng thoughts. ayus ah.

Wednesday, April 16, 2008

what's the problem boy?

it's our eighth month tomorrow, and i can say we're not ok right now. 8 months na kami magkasama but it feels like that we still don't know each other well. It is as if we're in our first month, trying to adapt to each other.. Nakayanan namin malalaking problema during our first month. Pero ngayon, simpleng txt nagiging dahilan pa ng away.huhu... Im tired of these little problems. I dont want a relationship like this. I want a more mature relationship, a relationship that does not require txting everyday. I mean, it's okay to txt each other everyday, but not the whole day naman.. yung tipong ala ka na masabe at nagkakaubusan na ng kwento, at paulit-ulit na lang ang 'nu gawa mo nyan?'... ang tumal naman nya magtxt madalas. panu mo ba rereplyan ang 'ah.ok', 'oo', 'haha', 'ganun', after mong magkwento na umabot pa sa tatlong link yung kwento?di ba?? di ko na alam gagawin ko. minsan gusto ko na rin sumuko. i dont want to leave her. i dont want to lose her too. haay... i cant tell her exactly what im feeling right now. Im afraid she might misunderstand me(because it happens most of the times).

Tuesday, April 15, 2008

Brownies? Crinkles? Delicacies?

120 pesos lang ang brownies at 130 naman sa crinkles. basta sweets, order lang kayo sakin.hehe.

depresyon...

ilang take na ba? hmm. 2nd. going third.. nagmamasters na nga ata sis ko. nkapagmoved-on na nga ko, i mean, ehem, Econ 106 na ko.haha. sabi nya, hindi lang daw tlaga challenging yung mga nakraang profs.. gusto nya naman daw try si sanguyu. sa isip ko naman, hayaan ko na sya. pampalakas nga naman ng loob nya sinabi nya eh. sabagay, baka gusto nya nga lang naman ng iba't-ibang approaches ng calculus.hehe. anyway, goodluck, abby.=p

Tuesday, April 1, 2008

Pers taym. in syort, bergin pa.

pers taym ko 2. oo, virgin pa ko.... sa paggawa ng blog. im not really into blogging. anu nga ba naman kasi pakelam ng ibang tao sa buhay ko. pero dahil lahat me multiply, at lahat ginawang diary/slumbook/o anu pang kaekekan ng multiply, napagpasyahan kong subukan. at ngayon, ito, ang first blog ko.*palakpakan*